CHAPTER 32 ~ NEW MAID

1.1K 25 1
                                    

Nagising ako ng madaling araw dahil sa pag-alis ng mga kapatid ko.

Kailangan na rin kasi nilang bumalik sa siudad dahil may kanya-kanya din silang trabaho.

Pero nagtaka ako na kasama nilang babalik si Bob. Kaya nang makaalis na sila sakay ng mini bus patungong airport ay saka ko hinila si Mikhail  pabalik sa kuwarto.

Bakit kasama si Bob? Anong gagawin niya sa Manila?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.

May pinapa-asikaso lang ako sa kanya. Babalik din yun kaagad.” Sagot niya sa akin.

Madilim pa kaya nagpasya kaming bumalik sa pagtulog.

Pero iniisip ko pa rin kung ano ang pinapagawa ni Mikhail kay Bob at kung bakit ayaw niyang sabihin yun sa akin.

Halika na at matulog na tayo.” Aya niya sa akin at hinila ako sa kama.

Nakayakap siya sa likuran ko at hawak naman niya ang kamay ko.

Nararamdaman ko ang hininga niya sa aking batok.

Ysabel…”

Hmmm?”

Ingatan mo ang sarili mo pati na rin ang anak natin.” Sambit niya kaya ipinihit ko ang katawan ko paharap sa kanya.

Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin.

Kung naghahabilin ka na sa akin ngayon pa lang umalis ka na.” Seryosong sabi ko din sa kanya.

Lalo lamang tuloy lumakas ang kutob ko na baka may gawin siyang hindi niya sasabihin sa akin.

Pero ayoko naman derektang tanungin dahil baka mapilitan siyang magsinungaling.

Hindi ako aalis sa tabi mo. Hindi kita iiwan, gusto ko lang na mag-iingat ka. Hindi ko alam ang tumakbo sa utak mo ngayon. At kung tungkol man ito sa babaeng yun kalimutan mo na. Mas gusto kong ang panganganak mo ang paghandaan natin. Pati na rin ang kasal at honeymoon.” Nakangiting sabi niya sa akin.

Ano pa bang honeymoon ang gusto niya.

Nauna na nga niya akong nabuntis.

Wag kang mag-alala sa akin Mikhail. Nag-iisip naman ako. Hindi ko hahayaan na masaktan ang anak natin.”

Kinabig niya ako at isiniksik sa kanyang dibdib.

Hangang sa marinig ko na lang ang mahinang paghilik niya.

Nagising ako ay maliwanag na.

Pero nagulat ako nang wala na siya sa tabi ko.

Kaya kaagad akong napabalikwas ng bangon.

Bigla kong naalala yung sinabi niya kagabi kaya nagmadali akong lumabas ng kuwarto.

Mikhail!? Mikhail?!!”  Sigaw ko na abot na ata sa kanto dahil nilakasan ko talaga.

Mikhail?! Mik—”

Nabitin ang pagtawag ko sa kanya nang bumungad siya sa akin mula sa kusina.

May dala pa siyang sandok.

tssss...

May sunog ba?” Nag-alala niyang tanong sa akin.

Bumaba ang tingin ko mula sa gulat niyang mukha hangang sa pandesalin niyang tiyan.

At ang tanging suot lang niya ay pajama na kulay itim.

Anong meron!?”

Napatingin ako sa likuran nang marinig ko ang boses ni Jenny na nakaterno pajama pa.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now