CHAPTER 35 ~ INSTINCT

852 25 0
                                    

•MIKHAIL DRAMON's P.O.V•

Sinasabi ko na nga ba!

Hindi magandang idea ang lumabas ng at mamasyal eh!

Kung hindi lang mapilit si Ysabela hindi sana kami manganganib ng ganito!

I’m not afraid kung ako lang ang nasa panganib. Pero dahil mas nag-aalala ako sa kanya at sa magiging anak namin mas natatakot ako na baka mapahamak siya.

Jenny! Wag mo masyadong bilisan! Baka kung mapano si Ysabel!” Singhal ko sa kanya dahil kulang na lang lumipad ang kotse habang minamaneho niya ito.

Para kaming nagkakarera sa gitna ng kalsada dahil hinahabol kami ng bala mula sa mga naka-motor. Hindi pa naman bulletproof ang bintana ng sasakyan.

Kinuha ko ang phone ko at kaagad kong tinawagan si Bobby. Isang ring pa lamang ay nasagot na niya ito.

Bob! Nasaan ka?”

Ha? Malapit na ako sa bahay nasaan ka ba?”

Shit!” Mura ko nang umalingaw-ngaw ang putok ng baril sa likuran na salamin.

Salubungin mo kami sa highway hinahabol kami ng mga tauhan ni Luciana! Bilisan mo!”

Kaagad kong pinatay ang phone ko at kinuha ko ang aking baril.

Nakita ko din si Ysabel na nagkakasa na rin ng kanyang baril.

Anong gagawin mo? Lalaban ka ng ganyan ang kalagayan mo?”

Kailangan nating dumepensa Mikhail kung hindi siguradong pauulanan nila tayo ng bala.” Seryosong sagot niya sa akin.

Hindi na nakasunod ang mga bodyguard namin sa tingin ko ay naubos na silang lahat.

Shit! Limang motorsiklo at dalawang van! Ang humahabol sa atin!” Narinig kong sabi ni Jenny .

akala ko ay mga naka-motorsiklo lamang ang humahabol sa amin. Hindi ko napansin ang dalawang van sa likuran nila.

Mabuti na lamang at walang traffic dito kung nagkataon baka kanina pa kami bumanga.

Magaling din umilag si Jenny sa mga sasakyan na nakakasalubong namin hangang sa may narinig kaming sumabog.

Ahhh! Sasalpok tayo!”

Fuck!

Kaagad kong tinangal ang aking seatbelt upang yakapin si Ysabela dahil sa pagsabog ng gulong namin.

Nagpaikot-ikot ang kotse hangang sumalpok ito ng tuluyan sa poste.

Bahagyang nagdilim ang paningin ko at nang mag-angat ako ng tingin ay basag na ang salamin sa harapan.

Duguan at nahihilo pa si Jenny pero may malay naman ito.

Sinilip ko si ysabel at nakahinga ako ng maluwag dahil okay naman siya.

Maabutan na nila tayo!” Narinig kong wika ni Bert pero hindi na namin mapapa-andar ang kotse.

Hinagisan ko siya ng baril at nasalo naman niya ito.

Marunong ka bang gumamit niyan?” Seryosong tanong ko sa kanya.

Medyo lang chalk kasi at lesson plan ang sandata ko.” Sagot niya sa akin.

Kaya mo pa bang lumaban Jennyy?”

Bahagya siyang tumango at pagkatapos ay sinipa ko ang pinto na nasa tabi ko at lumabas ako ng kotse.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now