CHAPTER 34 ~ DATE

1K 22 0
                                    


•YSABELA's P.O.V•

Kinabukasan ay naghanda kami ni Mikhail sa pag-alis sa rancho ni Bob. Matagal bago ko napilit si Mikhail sa paglabas namin ngayong araw.

Nabo-bored na kasi ako sa bahay at gusto kong makakita ng ibang tao at makapamasyal kung ano pa ang makikita sa bayan.

At sa haba ng oras na pangungumbinsi ko ay pumayag na rin siya.

pachoosy pa,

"Jenny, make sure na tumawag kayo sa amin kapag may nangyaring hindi maganda okay? At wag niyong paalisan ng tauhan na magbabantay sa CCTV'S." Bilin Mikhail bago siya sumakay sa kotse.

"Yes, po Sir Dramon ." Sagot ni Ivana.

"Mag-ingat kayo Ms. Ysabela!" Pahabol na sabi ni Beah sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at sinara na ni Mikhail ang pinto.

Si Kuya Bert naman ang naging driver namin dahil mas kabisado niya ang bayan. At katabi niya si Jenny dahil mamimili daw siya ng sariwang karne at darating daw mamaya si Bob.

Samantala kami naman ni Mikhail ang nasa likuran. May Van din sa likuran namin lulan ng mga tauhan ni Mikhail. Nangangamba daw siya sa kaligtasan namin kaya ayaw niyang pumayag pero dahil pinilit ko siya. Yun ang kundisyon niya.

Hindi naman ako natatakot no?

Maliit pa rin naman ang tiyan ko at kaya ko pa rin naman na protektahan ang akong sarili in case na may sumugod sa amin. Pero sana wala dahil ngayon lang kami lalabas ni Mikhail.

Simple lang ang suot kong bistida. Kulay Lila ito na lagpas sa aking tuhod at may maliliit na print ng bulaklak na kulay puti.

Para akong dalagang nag-uumpisa pa lang mamukadkad.

ayyy pak!

Nakalugay lang din ang wavy hair kong buhok na lagpas sa aking balikat at kanina pa inaamoy ni Mikhail.

"Mabaho ba? Naligo naman ako ah!" Angil ko sa kanya dahil naiinis ako sa pagsingot-singhot niya sa buhok ko.

"I know, sabay nga tayong naligo di-"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang pandilatan ko siya ng mata. Nakakahiya sa mga kasama namin baka kung ano pa ang isipin nilang dalawa.

"Why? Wala namang ibang tao dito."

"Eh anong tawag mo sa amin ?" Sabat ni Kuya Bert sa kanya.

Matalim ang matang tinignan niya ito sa rear view mirror.

"Ops, sorry boss Dramon nagbibiro lang." Sumusukong sabi ni Kuya Bert nakataas pa ang isang kamay nito.

Siniko ko siya sa tagiliran.

Ito na naman ang ugali niyang may nangmamata at basta na lamang nagagalit kahit maliit na dahilan.

"Ayusin mo na lang ang pagmamaneho." Seryosong utos ni Mikhail sa kanya.

"Yes boss."

Ilang minuto din siguro ang lumipas nang marating namin ang Pamilihang Bayan ng Calaca.

"Dito na po tayo."

Napatingin ako sa paligid at may nabasa akong PAMILIHANG BAYAN NG CALACA.

"Here? Nasaan ang mga department store?" Kunot noong tanong ni Mikhail.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now