Chapter 10 ~ CONDITION

1.8K 30 0
                                    

• YSABELA's P.O.V•

Haaayyyyy....

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Idinilat ko ang aking isang mata.

aaaahhhh...ang sakit ng aking ulo ko...

Pero mas masakit ang din ang aking katawan.

Shit...  para akong dinambahan ng isang dosenang elepante.

Sapo ang noo na inalala ko ang nangyari.

Nawalan ako ng control sa helicopter kaya pinilit ko na ibagsak sa dagat upang walang madamay na tao. Bago ito bumulusok ay nagawa ko pang makatalon mula sa itaas ngunit inabot pa rin ako kaya nagkaroon ako ng mga galos at sugat sa katawan dahil sa pagsabog nito.

Pinilit ko ang aking sarili na makalangoy at makalapit sa dalampasigan.

Ngunit hindi ko inaasahan na ang hihingian ko palang tulong ay mga sindikato. Dahil sa labis na panghihina ay hindi ko nagawang makapanlaban sa kanila. Armado din kasi sila at marami samantalang  bukod sa pagod dahil sa nilangoy ko ay masasakit din ang sugat na tinamo ko sa pagbagsak ng helicopter.

Dinala nila ako sa isang warehouse imbis na sa hospital. At doon nila ako ginamot ng tatlong araw. Nakatali ang mga paa at kamay ko. Dahil baka manlaban ako muli.

Pagkatapos ng tatlong araw ay inilagay nila ako sa loob ng isang kuwarto. May mga dalaga din akong kasama sa loob at karamihan sa kanila ay mga bata pa.

Kinausap ko sila kung bakit sila naroroon pero ang sabi ng pinaka-naging malapit sa akin na si Shiera ...

Base kay Shiera aay ibinibenta daw ang iba sa kanila at may kumukuha daw sa ibang mga dalagang naroon.

Pucha!

Sinubukan kong gumawa ng paraan para makatakas kaming lahat.

Pero nahuli nila kami dahil bukod sa guwardyado ang buong ware house mahigpit din ang security ng lahat ng pinto.

Isa pa, nahirapan ako dahil nasa Singkwenta silang mga dalaga at sampung taon lang ang pinakabata.

Nang mahuli nila ako ay dinala nila ako sa isang madilim na lugar. Tatlong beses sa isang araw ay may tinuturok sila sa akin. Hindi ko alam kung ano yun pero sa tuwing dumadaan yun sa mga ugat ko ay nanghihina ako at nanlalambot. Nawawala ako sa aking sarili. Hangang sa may mga nakaputing coat ang sumuri sa akin. Ilang araw akong nanatili sa kuwarto na yun. At hindi ko na maalala ang iba pang detalye kahit ang paglipat nila sa akin ay hindi ko na maalala.

Lutang na lutang ako sa lahat ng ginawa ko pero may isang gumising ng tuluyan sa akin.

teka?

Nasa isang pamilyar na silid ako at pamilyar din ang amoy na naamoy ko.

Nanlalambot man dahil sa sakit ng katawan ay pinilit kong tumayo.

Nananaginip pa rin ba ako?

Iniisip ko pa rin ba na sana iligtas ako ni Mikhail ?

Masyadong makapangyarihan ang sindikatong pinangalingan ko at hindi ko man lang nagawang makalaban sa kanila.

Akmang bubuksan ko na sana ang seradura ng pinto nang kusang pumihit ito.

pero...

Nanlaki ang mata ko nang mukha niya ang bumungad sa akin.

" Mik-hail? ” Hindi makapaniwalang sambit ko. Kaagad siyang pumasok sa loob at sinara ang pinto.

Gusto mo ba talagang pag-pyestahan ang hubad mong katawan?” Seryosong sabi niya sa akin.

hanu raw?

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now