Chapter 13 ~ MEET THE PARENTS

1.2K 21 0
                                    

 
  •MIKHAIL DRAMON's P.O.V•

Akala ko ito na ang araw na pinakahihintay ko.

Pero nangyari ang hindi ko inaasahan.

Masyado akong naging kampante at hindi ko napaghandaan ang mga kaaway.

Ngayon pa sa araw ng kasal namin sila lumusob.

Kaya hindi ko sila mapapatawad!

Ibigay sa’yo? Nagpapatawa ka ba Edogawa? Akala mo ba makakaalis ka pa dito sa teretoryo ko? Sa ginawa mong ito ikaw na mismo ang humuhukay sa sarili mong libingan.”  Igting ang panga na sabi ko sa kanya.

Dadaan muna siya sa ibabaw ng bangkay ko bago niya makuha si Ysabela sa akin. Hindi ako natatakot mamatay dahil matagal ko nang hinanda ang aking sarili simula nang pasukin ko ang buhay na ito.

Pero ang hindi ko mapapayagan kapag may ibang hahawak sa babaeng nasa tabi ko ngayon!

Ang lakas naman ng loob mong magmayabang gayong ubos na ang mga tauhan mo? O baka naman sinasabi mo lang yan para maibsan ang takot mo? duwag!” Nakangising sabi niya sa akin.

Dalawa laban sa maraming tauhan niya. Siguradong mahihirapan kami ni Ysabela. Pero hindi ko balak na isugal ang buhay niya.

Arff! arff! Arf!!

Nagulat ako nang maglabasan ang mga aso na alaga ko at kaagad na dinamba sila.

Nawala sa amin ang kosentrasyon nila dahil sa pagsugod ng mga malalaking aso sa kanila.

Binitawan ako ni Ysabela at kaagad na sumugod sa kanila.

Ysabela!” Tawag ko sa kanya pero hindi man lang niya ako nililingon.

Sa halip ay nakipambuno na rin siya sa mga kalaban.

Sumugod na rin ako at inasinta ko naman ang mga kalaban na nakikipambuno sa mga aso.

Sana lamang ay walang mapahamak sa kanila.

Ysabela !” Sigaw ko nang makita kong nakatutok na sa kanya ang baril ni Edogawa.

Sinubukan ko siyang barilin ngunit naubos ang bala ko kaya mabilis akong dumampot ng baril.

At pag-angat ko ng tingin ay kitang-kita ko kung paano. Mabilis na tumakbo si Ysabela sa kanya. Habang iniilagan nito ang bala sa baril ni Edogawa.

Ang bilis nang pangyayari sa isang iglap ay nagawa niyang paghiwalayin ang ulo sa katawan nito gamit ang matalas na hawak niyang Samurai na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

Wala man lang akong nakitang expession sa mga mata mga  niya.

Ganitong-ganito ang itsura niya nang tapusin niya ang buhay ni Mr. Chu. Sa likod ng magandang mukha at matamis niyang ngiti.

Nagtatago ang isang katauhan ni Ysabela.

Ang katauhan na nagbibigay ng labis na takot sa akin.

dramon !”

Napatingin ako sa paparating na si Bob. Sigurado akong siya ang nagpakawala sa mga aso.

Pumito siya at tumigil ang mga aso sa paglapa sa mga natitirang kalaban.

Hindi na makatayo ang mga tauhan niyang buhay pa. Pero puro kagat na at hindi makakalaban ang mga ito.

Nagawa naming maubos ang mga kalaban ni Ysabela sa tulong ng mga aso.

Tama lang ang ginawa ni Bob  upang madistract ang mga kalaban. At wala naman akong nakitang namatay sa mga alaga ko.

Okay lang kayo?” Bungad sa akin ni Bob.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now