Chapter Twenty-One

45 3 1
                                    

"I hope you enjoyed tonight."

Ngumiti lang ako sa kaniya at saka siya hinarap. Nasa tapat na kami ngayon ng gate. Maaga pa naman pero nagyaya na siyang ihahatid na raw ako.

"Salamat James ah?"

Ngumiti rin siya. "No, thank you. Actually, kinakabahan talaga ako kanina kung papayag ka. Masaya akong nakasama kita ngayon."

Heto na naman ang konsensya ko.

"Uhm, gusto mong pumasok muna?"

He shook his head. "Magpahinga ka, baka pagod ka."

"Okay lang naman ako. Gusto mo usap muna tayo bago ka umalis?" tinuro ko ang loob ng bahay.

Binasa niya ang labi niya at pinagkiskis ang mga palad niya. Agad kong naramdaman na may sasabihin siya. Pag ganiyan talaga ang kilos niya, nalalaman ko agad na may bumabagabag sa kaniya.

"Ano 'yon?" tanong ko nang mapansing hindi siya mapakali.

Itinigil niya ang pagkiskis ng mga palad niya at tumingin sa'kin. Mannerism na ata niya 'yon kapag kinakabahan.

"Pwedeng dito nalang tayo mag-usap? Sandali rin naman 'to." kabado siyang ngumiti. Nahawa na rin ako sa kabang pinapakita niya at unti-unting bumilis ang tibok ang puso ko.

"Sige, ano ba 'yon?" tanong ko ulit.

Huminga muna siya nang malalim at napahawak sa batok niya.

Mukha naman siyang nahihiya ngayon.

Ano ba James?

"I..." simula niya. Pinigilan ko ang paghinga ko at hindi iniwas ang tingin sa kanita. "I really... really like you, Madie."

Bumagsak ang mga balikat ko.

"At... alam kong ramdam mong gusto na kita noon pa."

Ito na nga ba sinasabi ko!

"Pero ayoko lang maramdaman mo 'yon. Gusto kong malaman mo. Gusto kita."

Mas lalo akong hindi nakapagsalita.

Mukha naman siyang nag-panic nang wala akong sinabi. Napayuko ako.

"I... I just thought of telling you this because today's heart's day but... I'm not pressuring you to... like me back. I just want to express my feelings for you."

Gusto kong maiyak.

Pero ang OA naman kaya wag nalang.

Mas maganda pa nga ang confession niya kaysa kay Kael pero heto ako't siya pa rin ang iniisip. Kahit ilan pang magagandang katangian pa ni James ang ikumpara ko sa kaniya, siya pa rin. Ano na bang nangyayari sa'kin? Nauto ba talaga ako ng batang 'yon?

"James..."

"You don't have to answer right now." pagpigil niya.

Natigilan ako.

Pero may sagot na'ko. Sasabihin ko ba? Ito ba 'yong tamang panahon para sabihin sa kaniya.

"Gusto ko lang talagang malaman mo. Hindi pa ako ready sa... magiging sagot mo." he smiled at me wearily.

Biglang nanlambot ang katawan ko. Oh my gosh, he knew? Gano'n na ba'ko ka-obvious?

"Alis na'ko."

Nag-angat ako ng tingin. Nataranta. "A-Agad? Ayaw mo talagang pumasok muna?"

Umiling siya. "Magpahinga ka ngayon."

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now