Chapter Eleven

67 8 0
                                    

"You're late!"

"You're just early." he laughed.

"Aba..."

"Sorry, dapat pala sinabi mong agahan ko kasi aagahan mo rin." tumawa ulit siya.

"Maaga lang ang lunch time namin!"

He just nodded and nodded like he was convinced. "Halika na. Mainit sa labas." pinagbuksan niya ako ng pinto. Hinawakan niya pa nang marahan ang ulo ko nang pumasok ako sa kotse.

Oh... Okay.

"Gutom ka na?"

"Ano pa ba? Ang tagal mong dumating."

Tumango siya at may kinuha sa likod. "That's why I bought you this."

"Leche flan?"

"Hmm... kumakain ka ba niyan?"

"Oo pero..." tiningnan ko 'yong mabuti. "Pero bakit... leche flan?" nagtataka kong tanong.

"May event sa school, binili ko 'yan nang madaanan ko."

"Ahh... masarap ba 'to?"

Ngumiti siya. "Tikman mo..."

Hindi ako nagsalita at dahan-dahan kong binuksan 'yon at kumuha ng kutsara.

"Anong lasa?" tanong niya nang makaisang subo ako.

"Lasang leche flan." sagot ko.

He chuckled. "Right." tumingin siya sa'kin habang nagmamaneho. Inalok ko siya pero tumanggi. Hindi nga raw mahilig sa matatamis.

"Saan ba tayo kakain?" tanong ko.

"Malapit lang para hindi ka na ma-late."

"Okay."

Ilang minuto lang ay huminto na ang kotse. Nang lumabas ako ay pangalan agad ng restaurant ang bumungad sa'min.

Akala ko talaga sa McDo. Hindi ba siya mahilig dun?

"Mahal na naman siguro 'tong napili mo." ang sabi ko habang inaayos ang bag sa balikat ko.

"Hmm... hindi naman siguro."

"Wag na tayo rito. Sa Jollibee nalang o kaya McDo!"

Hinila na niya ako. "We'll go there but not now."

"May ibang araw pa?" pinagtaasan ko siya ng kilay.

"If you want?"

Hindi ako nagsalita at naglakad nalang papasok ng restaurant. Pero in fairness, ang ganda nung internal design. Parang gaganahan ka agad kumain eh. Saan ba 'to?

"How did you find this place?" tanong ko habang umuupo.

"Researched it." ngumiti siya.

"Nag-research ka pa?"

"Yeah... kung saan malapit sa Ukison."

"Sana pala sinabi mo. Sinama ko sana si Elise."

"Oh no, hindi siya mahilig kumain sa labas."

"Talaga?"

Tumango siya. "Facts about her, gusto niya lang ng homemade meal, ayaw niya rin ng hospital foods and even foods outside, tulad nito."

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"She once told na me na parang ang wierd daw ng lasa kapag sa labas. Mas sanay siya sa luto ni manang."

"Tagaluto niyo?"

Umiling siya. "Elise's nanny."

Oh... may nanny?

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now