Chapter Two

122 15 3
                                    

Kahit gustong-gusto kong ikwento kay Bea ang nangyari, hindi ko nalang sinabi. Mas mabuti na 'yong wala siyang clue kung sino ang lalaking 'yon.

Sa ngayon kinukumbinsi ko ang sarili ko na kamukha niya lang 'yon at hindi siya ang lalaking nakilala ko sa Levi nang gabing 'yon.

Pero ang hirap pala lokohin ang sarili mo.

But anyways, imbis na ilabas ang sasabog kong dibdib kay Bea hindi ko nalang ginawa. Ikinain ko nalang noong lunch.

"Tulaley ka riyan?"

Naghilamos ako ng mukha at saka tumingin sa kaibigan kong nakatingin na ngayon sa'kin.

"Maganda ba ako?" tanong ko.

"Huh?"

"I mean... maganda ba ako ngayon? Maganda ba ayos ko ngayon? Hindi haggard?"

Umiling siya. "Hindi naman. Bakit?"

"Kahit kanina? Hindi ako magmukhang... alam mo na... oily?"

Umiling ulit siya. "Hindi."

Pasimple akong napangiti pero sandali lang 'yon.

"Bakit? May nilalandi ka sa third floor 'no?"

Nagsalubong agad ang kilay ko. "Huh? Sino naman?"

"Aba'y hindi ko alam. Baka gusto mong magkwento?"

Napakagat labi ako.

Winasiwas ko ang kamay sa ere. "Wala! Masama bang magtanong ngayon? Ikaw masyado kang malisyosa!"

"Malisyosa eh tinanong mo itsura mo out of nowhere, edi may nilalandi ka nga."

"Nilalandi agad?"

Namilog ang mata niya. "So, meron nga?"

"Wala nga!"

Tumahimik siya at kumain nalang. Pero 'yong tingin niya talaga halatang gustong makichismis. Hinayaan ko nalang at hindi ko pinansin.

Medyo okupado na naman ang utak ko nang bumalik ako sa klase. Ramdam ko ang pagod nang maghapon na. Wala akong masyadong ginawa pero ubos na ubos ang energy ko.

Kasalan 'to ng lalaking 'yon!

"Hello Bea? Nasaan kana? Tara na magdidilim na oh!"

"Oo sandali bababa rin ako. May tinatapos lang."

"Bilisan mo kundi iiwan kita rito."

"Subukan mo lang."

"By the way, ikaw ulit mag-drive ng kotse pauwi. Pagod ako eh." ngumiti ako kahit hindi niya naman makikita.

"Okay okay! Sige na!"

"Nagmamadali? Ano pa bang ginagawa mo riyan?"

Hindi siya sumagot pero kanina ko pa siya naririnig na humihingal.

"Anong ginagawa mo? Tumatakbo ka ba?" tanong ko.

"Basta hintayin mo'ko diyan!" pagkatapos ay may umungol sa kabilang linya.

Nawalan ata ako ng dugo sa mukha.

Nagets agad ang happenings.

"Sige baba ko na'to." wala sa sarili kong sabi at wala rin sa sariling binaba ang tawag. Ilang segundo akong nakatayo at nakatulala lang sa harap ng kotse.

Nagkamot ako ng kilay at nagkunwari nalang na wala akong narinig do'n.

Bwiset na Bea! Mahuli sana sila! Wala talagang pinipiling lugar ang bruhildang 'yon!

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now