Chapter Three

97 14 3
                                    

"Nasaan ka na naman?" tanong ko kay Bea habang kausap siya sa cellphone.

"Wait lang naman hindi pa ako tapos sa klase ko!"

"Bumaba ka agad pagkatapos ah."

"Opo! Oh sige na! Magchicheck na ako!"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya pero binaba ko nalang ang tawag at pumasok na sa kotse. Nanalamin muna ako doon at nag-play ng music habang hinihintay si Bea.

Natanaw ko naman si Elise na kalalabas lang ng gate. Sinundan ko siya ng tingin.

Nakayuko siya pero agad nag angat ng tingin at napangiti... 'yong malapad na ngiti.

Kumunot ang noo ko at tumingin sa direksyon kung saan siya nakatingin.

Doon... napakurap ako nang makita ko ulit siya.

Nakasuot uniporme siya na mukhang pang college uniform at may dala siyang... hindi ko alam, shake ba 'yon?

Humalik si Elise sa pisngi ng lalaki at sabay na silang naglakad papunta sa kotse nila.

Napatalon nalang ako sa gulat nang tumingin siya sa gawi ko. As in umatras ako at nagtago sa baba kahit na tinted 'yong kotse. Pero sa mga tingin niya ay parang alam niyang nasa loob ako.

"Ay tipaklong!" sigaw ko nang sa ilang minuto ay may kumatok sa bintana ng kotse.

Napahawak ako sa dibdib nang makita kong si Bea 'yon.

"Oh bakit nagulat ka?" tanong niya nang makapasok sa loob.

Umiling lang ako. "Wala, tara na."

Sa mga sumunod na araw ay araw-araw ko nalang silang tinatanaw dito sa kotse kapag uwian na. Siya lagi ang sumusundo kay Elise. Hindi ko nga alam kung bakit twing uwian nalang ay nagmamadali akong pumasok sa kotse para lang panuorin silang dalawa.

Bumuntong-hininga ako.

Pag malaman mo ba ang pangalan niya, titigil kana Madie?

Nagkamot ako ng ulo at huminto sa paglalakad. Doon palang huminto ang isang kotse.

Nanigas agad ako.

Shit! Kotse nila 'yan!

Bago pa ako makaalis ay lumabas na siya sa sasakyan suot lang ang isang black v-neck shirt at grey pants.

Napakurap ako.

Oh wow.

Kung ako magsusuot niyan magmumukha akong losyang. Bakit kahit nakasuot pambahay lang siya ay pogi pa rin tingnan?

Natutop ko ang aking bibig.

Shut up Madie, okay? Shut up.

Sa oras na dumapo ang tingin niya sa'kin ay nag-iwas agad ko. Though, alam kong huli na.

"Good evening ma'am."

Natigilan ako sa pagbubukas sa pinto ng kotse at tumingin sa gawi niya. Sa tapat siya ng kotse ko nakaparke.

"G-Goodevening." pasimple kong hinawakan ang labi kong nanginginig.

"Going home?" tanong niya.

Hindi beh... papasok palang ako sa trabaho. Night shift ganon.

"Ah oo." sagot ko at papasok na sana pero nagsalita siya.

"Uhm... aalis kana? Uhh ngayon?"

Umiling ako. "Hindi, hinihintay ko pa ang kasama ko." sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya.

Okay ang awkward.

Lumayo ka beh! Ang gwapo mo at kasalanan sa'kin 'yon!

Ilang segundo kaming nagkatitigan hanggang sa ako na ang umiwas.

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now