Chapter Ten

77 10 0
                                    

Votes and comments are highly appreciated! <3


-

Kairo Elvero:

Lunch?

Me:

Busy ako.

Kairo Elvero:

Pero kumain ka na?

Me:

Hindi pa.

Kairo Elvero:

Come out for a second. I bought something for you.

Nataranta agad ako.

Me:

You're here again?

Kairo Elvero:

Come here.

Napakurap ako at napasunod agad ang paa kong tumayo at tumakbo papunta sa parking lot.

"Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?"

"I bought you lunch."

Marahas akong napabuntong hininga. "Bakit?"

"Kasi hindi ka pa kumakain?" kinuha niya ang kamay ko at isinabit sa daliri ko ang bag na may lamang lunch pack. "Here's your order ma'am. Libre po dahil free taste lang. Libre rin po ako."

Muntik ko na siyang masapak. "Siraulo."

Tumawa lang siya.

"Pumunta ka rito para lang dito?" tanong ko.

"Uhm I'm actually here because of my sister."

"Oh..." napakurap ako. Nakalimutan kong may kapatid pala siya rito. "Si Elise? Anong mayroon? May nangyari ulit?"

"No, she just forgot to bring her medicine."

Napatango ako. "Close pala kayo no?"

Tumango siya at ngumiti. "Is she doing okay there, by the way?"

Tumango ako. "Oo naman." nakita ko siyang napangiti pero parang may bumabagabag pa rin sa kaniya. "Don't worry, palagi naman siyang chinicheck ni Mrs Mondemor, may mga kaibigan na rin siya."

"Yeah... nagulat nga kami nang magdala ng kaibigan sa bahay eh."

"That means she's recovering!"

"But I'm still worried. Pagkatapos ng nangyari sa kaniya, hindi na siya makalapit sa iba. She has this trauma that she thinks they'll hurt her if she approaches them."

"Naireklamo na ba 'yong gumawa nun sa kaniya?"

He nodded. "Pero hindi na 'yon nabago si Elise."

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now