Chapter Eighteen

58 3 0
                                    

Kumalabog ang pinto nang isandal ako roon ni Kael. Napahawak ako sa batok niya paibabaw sa ulo niya. Sabay kaming napasinghap nang idiin niya ang kaniyang sarili sa'kin.

Hindi na ako magtataka na baka bukas nakasunod na naman siya sa'kin. Ang plano ko sanang itigil at hindi na kami magkita pa ay tila unti-unting nabubura na sa isip ko. Hindi na 'yon mangyayari. Knowing Kael, hindi agad-agad sumusuko lalo na't nabigyan ko na siya ng rason para magpatuloy.

"Teka lang!" humiwalay ako. Tiningnan ko ang itsura namin. Ang isa kong hita ay nakaangat na ngayong hawak-hawak na niya 'yon.

"What?" tanong niya sa mababang boses, namumungay pa rin ang mga mata. Wala sa sarili ko siyang naitulak. Parang nahimasmasan.

"Aalis na'ko!"

"What? Wait—" binuksan ko na ang pinto at pumasok doon bago pabalibag na isinarado 'yon. Mabilis ang tibok ng puso ko pero sinusubukan kong kumalma. Habang naglalakad ay gumagawa na ako ng excuse para kay James. Kung bakit ako natagalan, bakit ganito ang itsura ko. Ghad! Sobrang nagi-guilty ako na pinaghintay ko si James!

Paulit-ulit akong nag-sorry sa kaniya habang papauwi pero ayos lang naman daw. Pero hindi okay sa'kin dahil tahimik lang siya, ngingiti pero pilit. Parang sumama ang loob sa'kin.

Ikaw ba naman pinangakuang saglit lang tapos bumalik after 15 minutes? 20 minutes? Baka trenta minutos pa nga ako do'n eh!

Nang makauwi ay niyaya ko siyang pumasok muna sa bahay pero sabi niya ay may gagawin pa siya. Hindi naman halatang galit siya 'no? Ni hindi na nga kami nakapag-lunch eh.

Magsosorry nalang ako next time. Ang hirap niya palang suyuin.

"Ano 'yan?" sumulpot si Bea a likuran ko. Sinilip ang ginagawa ko sa kusina. "Magbi-bake ka ba?" tanong niya kaya tumango lang ako. "Magbi-bake ng ano?" tanong niya ulit.

"Cupcakes."

Napatango siya. "Para sa'kin?"

"May hati ka naman dito pero hindi para sa'yo."

"Hindi? Eh para kanino?"

Tiningnan ko siya. Nahihiya ko pang sabihin pero sa huli ay sinabi ko pa rin. "Kay James."

"James? Bakit?" nagtataka niyang tanong hanggang sa unti-unti siyang nandilat. "Owemji! Kayo na ba?!"

"Sira! Hindi!"

"Ay... weh dinga?"

"Hindi nga! Peace offering ko lang 'to."

"Ay! Wala pa nga pero may LQ na agad? Anong ganap? Bakit parang late ako sa chismis?"

Napailing ako. "Wala."

"Sus! Ngayon pa hindi sasabihin eh nabanggit mo na!"

"Basta! Mahabang kwento!"

"Edi i-summarize mo!"

"Siraulo ka talaga! Basta galit siya."

"Si James nagalit? Joke ba 'yan?"

"Oo, akala ko rin hindi marunong magalit ang taong 'yon pero ano ako ngayon? Nagbibake pang-peace offering dahil ginalit ko siya."

"Anong bang ginawa mo gorl? Ikaw lang ata nagpaputok ng bulkan dzaii! Malala ba 'yan?"

"Well, hindi naman siya galit as in galit. Parang nagtatampo lang, gano'n. Ayaw akong kausapin. Nagtext ako sa kaniya pero kahapon pa siya walang reply. Usually kasi magrereply siya kahit gaano pa siya ka-busy."

"Hala gorl! Nagpapasuyo si anteh mo! 'Yan tama 'yan! Magbake ka, kasalanan mo eh!"

Napanguso ako. "Mag-uutos nalang ako sa kung sinong pwedeng mag-deliver ng cupcakes."

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now