Chapter Fifteen

56 4 0
                                    

"Kael?"

Tiningnan ko ang kasuotan niya. Mabilis na kumunot ang noo ko nang makitang naka-formal attire siya. Nagtaka rin ako kung bakit biglang makikita ko siya rito sa hotel. Anong ginagawa niya rito?

"Anong—"

"Ikaw na naman?"

Pareho kaming bumaling kay Paulo na mabilis na lumapit sa'min. Kinuha ako.

"Ikaw 'yong nasa bar diba? Ini-stalk mo ba si Madie?" mariing tanong ni Paulo bagay na nagpanguso lang kay Kael. Pinipigilang ngumiti.

Tumingin ako kay Kael. Humiwalay ako kay Paulo pagkatapos. "Wag mo nga akong hawakan. Kilala ko siya." tinuro ko si Kael.

Inilahad niya sa'kin ang kamay. Tiningnan ko muna 'yon at saka ako humawak do'n. Marahan lang akong hinila ni Kael pabalik sa kaniya.

Unti-unting naglakbay ang tingin ni Paulo sa magkahawak naming kamay. Kita ko kung paano bahagyang kumunot ang noo niya bago ulit tumingin sa amin.

"Bumalik ka na do'n. Wag mo na akong sundan!"

"Babalik tayo ro'n. Halika na..."

Umatras ako. Humakbang naman sa harap ko si Kael dahilan para magkaharap silang dalawa. Magkasing-tangkad lang ang dalawa kaya madaling nagkasalubong ang nagkukuryente nilang mga tingin.

Bahagyang itinaas ni Kael ang kaniyang noo at walang sinabi. Tumingin muna sa'kin si Paulo bago umalis.

Napakurap ako. Sinilip ko si Kael at tiningnan ang mukha niya, nagtataka kung bakit napaalis niya agad si Paulo nang gano'n kabilis.

Nang bumaling siya sa'kin ay may ngiti na sa kaniyang labi. Pinasadahan niya ako ng tingin kaya marahas ko siyang binitawan.

"Don't look at me like that!"

He sighed like he was going to cry. "Ang ganda mo,"

Nag-init ang buo kong mukha. Walang lumabas na salita sa bibig ko.

"Kailan ka ba ulit babalik sa'kin? It's been a month. Palagi mo nalang tinatanggihan ang mga offer ko." may bahid na pagkabigo ang boses niya.

Tamad akong napahinga nang malalim. Ang kukulit din ng mga 'to eh!

"Pwede ba, Kael? Tigilan mo na rin ako." nag-iwas ako ng tingin.

"Are you avoiding me? Dahil ba 'to sa sinabi ko sa apartment?"

Tumingin ako sa kaniya at isang simpleng "Oo" lang ang isinagot ko. Hindi na ako magdedeny, ayoko talaga. Bukod do'n, wala akong tiwala.

"Do I have a chance?"

"Huh?" nginiwian ko siya.

"Oh, diba wala naman? So bakit kailangan mo pa akong iwasan?"

"Wala na ba talaga akong choice na lumayo-layo muna sa inyo? Bakit niyo ba'ko pinipilit lahat? Pagod na'ko..." naglakad na ako.

Naramdaman kong sumunod siya. "Where are you going?"

"Sa Restroom! Bakit? Sasama ka?"

He stops beforehand. "Sa lahat ng joke, diyan lang ako kinabahan." tumawa siya at sumunod ulit sa'kin.

"Argh!" sigaw ko at nagmadali nang naglakad. Dahil mahahaba naman ang mga biyas nito ay madali lang niya akong nasabayan.

"Samahan na kita sa pupuntahan mo."

"KAEL!" sigaw ko.

His eyes widened. "I mean, doon lang ako sa labas! Sasamahan lang kita."

Umirap ako at naglakad na ulit. "Highblood..." rinig kong bulong niya.

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now