Chapter Nineteen

61 5 0
                                    

Kael:

I want cupcakes too :(

Saturday  2:51 PM

Kael:

Galit ka ba?

Sunday 4:30 AM

Kael:

Ilang araw mo na akong sine-seen, ma'am.

Wednesday 1:30 PM

Kael:

Morning! Still not responding?

Thursday 4:30  AM

Kael:

hello! pakitanong nga po kay ms. aguilera kung may nagawa na naman ba'kong mali?

Thursday 11:45 AM

Kael:

Madie?

Thursday  2:02 PM

Kael:

Are you busy? Talk to me.

Thursday 4:09 PM

Kael:

Why are you avoiding me again?

Thursday 6:23 PM

"Ang ingay naman ng messenger mo. Sino ba 'yan?" tanong ni Bea saka sumilip nang kaonti sa phone ko. Agad kong iniwas 'yon. Kumunot ang noo niya nang inilayo ko sa kaniya ang phone saka unti-unting napangiti. "Ikaw ha! Akala mo hindi ko napapansin? May something na ba kayo ni James?" umupo siya sa tabi ko para makichismis na naman.

Napairap ako. "Wala 'no. At saka hindi 'to si James."

"Asus! Nahiya ka pang umamin! O'sya! Balang araw kusa ka ring aamin! Pero kailan? Kapag five years na kayo?" tumawa siya.

"Sira!" tumayo ako at umalis nalang do'n, papunta sa kwarto.

"Hoy ang damot mo talaga! Sino nga kasi 'yan?"

Hindi ko nalang siya pinansin at sinarado ang pinto ng kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama. Inangat ang cellphone at tinitigan lang ang texts niya.

Gustong gusto kong mag-respond pero... ano namang sasabihin ko eh hanggang ngayon bitter at naiinis pa rin ang lola niyo? Ang arte kala mo girlfriend eh.

Sa huli ay inignora ko na naman.

Inabala ko ang sarili ko sa trabaho. Nakatutok ako sa laptop pero 'yong utak ko naroon pa rin sa phone ko. Kaya naman nang tumunog 'yon ay agad kong dinampot ak binuksan ang bago niyang message.

Kael:

Sent a photo.

Viniew ko 'yon at nakita ang isang itim na dress na hawak niya. Kumunot lang ang noo ko.

Teka, akin 'to ah!

Kael:

Since hindi mo naman ako kinakausap, pupunta ako riyan at isosoli ko 'to sa inyo.

Nandilat ang mga mata ko.

Wala pa man ay nataranta na ako do'n sa kama. Tumayo ako at tumakbo papuntang harapan ng salamin. Kinalma ang sarili. Isa sa pinakabobo kong ginawa ay ang iwan ang pinagbihisan ko sa ibang bahay! Nyeta ngayon ko palang naalala!

Kinuha ko ang cellphone kagat-kagat ang kuko ko while pacing back and forth in my room, breathing heavily. Magrereply ba'ko? But it's obvious na this is only his trap! Pero paano kung totohanin niya? Anong sasabihin ko kay Bea? Anong excuse ko sa sitwasyong 'to?

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now