Chapter Thirteen

65 7 0
                                    

"Ma'am?"

I blinked. "Ah... ha?"

"Okay ka lang?"

Mabilis akong tumango. "HmMm!" sagot ko.

Nagtagal ang tingin niya sa'kin saka ulit napangiti. "May tanong ako..."

Nagkasalubong ang tingin namin. "Ano?"

Ibinuka niya ang labi niya pero ilang segundo lang ay agad niyang itinikom 'yon. Ngumuso siya.

Kumunot ang noo ko. "Ano ba 'yon?"

Pinagkiskis niya ang kaniyang mga palad. "Magagalit ka..."

Umiling agad ako dahil curious naman daw ang lola niyo sa sasabihin niya. "Hindi ako magagalit. Sige na, ano 'yon?"

"That girl... last Wednesday... sino siya?"

Nanatili pa ring nakakunot ang noo ko. "Sino?" tanong ko rin.

"Noong lunch?"

"Ahh..." si Monica. "Yong pala itatanong mo. Bakit?"

"Wala lang?"

"Maganda sa paningin mo?"

Kumunot agad ang noo niya. "Hindi, tinatanong ko lang kasi—"

"Si Monica 'yon. Maganda talaga siya. Ms. Teacher nga 'yon sa Ukison eh."

Nagkamot siya ng kilay. "Okay so... sino siya? If you won't mind answering—"

"Si Monica nga..."

Ngumiti siya. "I meant who is she... I'm not asking her name."

Tumaas nang kaonti ang kilay ko saka napabuga ng hangin. "Friend ko siya."

"Friend?"

"Yeah... bestfriend ko sa school." ngumiti ako.

Nakatitig lang siya sa'kin na parang hindi kumbinsido pero tumango naman siya sa huli. "Ah I see... your bestfriend." naroon pa rin ang ngiti sa labi niya. Parang nagets agad kung anong ibig kong sabihin.

"Matagal na kayong magkaibigan?" tanong niya at kumain na ulit.

Nag-isip ulit ako. "Hmm... medyo?"

"Hmm..." he nodded.

"Bakit mo natanong?"

"I just got curious..."

"Kasi maganda?"

Lahat nalang talaga ng lalaki.

"I don't find her pretty..." he looked at me. "Oh sorry! Kaibigan mo pala 'yon." madrama niyang sabi.

I stifled a smile. "Bakit hindi maganda?"

"Her lipstick don't match her eyeshadow." simple niyang sabi.

"Oh... so may alam ka sa make ups?"

"'Yon lang alam ko." malapad siyang ngumiti sa'kin.

Napailing nalang ako sa kaniya. "She's pretty... we can't deny that."

Dahil talaga namang may ipagmamalaking ganda si Monica... 'yon nga lang kung gaano kaganda ng mukha, 'yon naman ang ikinapangit ng ugali.

I must admit, I admired her the first time I met her, maganda talaga siya, hindi mo aakalaing sa likod ng mala anghel niyang mukha, may itinatagong kademonyitahan.

Ang pang-aapi niya sa'kin noong pinipili ko pang tumahimik ay talagang sobra na. Sa twing naiisip ko ang mga araw na nagrereyna-reynahan siya sa Ukison, kumukulo agad ang dugo ko. Kung anong makita niyang pwede niyang sirain, sisirain talaga niya nang walang pag aatubili. At ako ang nakita niya. Introducing, Paulo, kung ano namang isubo, kakainin niya with eyes close pa 'yan.

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now