Chapter One

174 15 2
                                    

Panaginip lang naman 'yon diba?

Dapat kasi nagpopokus nalang ako sa trabaho kaysa isipin ang mga lalaking 'yan.

"Oh ayan!" sumulpot sa kung saan si Bea. "Tulala ka na naman. Iniisip mo na naman 'yong lalaking 'yon."

Nginiwian ko siya, "Hindi kaya. Iniisip ko kung lilipat na lang ba ako sa probinsya para doon magturo." nilapag ko ang baso ng kape sa mesa at pumangalumbaba doon.

"Para saan? Para iwasan 'yang ex mo? Bakit ikaw mag-aadjust? Tsaka ikaw ba ang nag-cheat? Bakit ikaw ang aalis?"

"Ako nalang mag-aadjust syempre. Naaasiwa ako sa pagmumukha niya."

"Alam naming lahat 'yan pero..." umiling-iling siya. "Dai wag na wag kang aalis dahil lang sa kaniya. Pagtatawanan ka lang nun kapag malaman niyang lumipat ka ng school. Isipin pa nun nanalo siya. Kapal pa naman ng mukha nun."

Bumuntong-hininga ako.

Naaalala ko na naman siya.

Hindi 'yong ex ko kundi siya.

Isang linggo na nagdaan pero fresh na fresh pa rin sa utak ko ang nangyari. Normal pa ba 'to? Kung makaakto kasi ako parang first time na nangyari sa'kin 'yon.

Though, he really made me feel like it was my first time that night.

Nagsisisi ako na hindi ko alam. Tama bang hindi ko man lang inalam ang pangalan niya? Kasi ilang araw na nagdaan at binabagabag na ako gabi-gabi dahil lang sa hindi ko tinanong.

Pero para sa ka-one night stand... I was expecting him to leave after what happened but he didn't. Nanatili siya sa kama kasama ako. We even cuddled... bagay na hindi ko naranasan sa ex ko.

Wala sa sarili kong sinampal ang pisngi ko.

Pinaranas ka lang ng cuddle-thingy na 'yan nagkaganyan ka na?

Masyado na ba akong nanghihingi ng ganoong affection na umabot ako sa kaiisip sa lalaking hindi ko naman kilala for almost one month na?

Dapat kasi tinanong ko nalang! Masyado nang okupado ang utak ko. Hindi na ako makapagpokus!

Ayoko naaa!

"Sa sinasabi ng mukha mo parang hindi lang ex mo ang iniisip mo ngayon."

Bigla akong napatingin kay Bea. Nakangisi na siya ngayon. Tapos na siyang magtimpla ng kape kaya umupo siya sa harap ko at tinitigan ako nang maiigi.

"Sabihin mo... bukod sa makapal mong ex, iniisip mo rin ang lalaking 'yon 'no?"

Napayuko nalang ako. Nang hindi ako sumagot ay narinig ko ang pagtawa ni Bea.

"Hanggang ngayon hindi mo pa rin alam kung anong pangalan ng chupapi na 'yon?"

Umiling lang ako.

"Bakit parang bothered ka? Hinahanap mo 'no?" humagikhik siya. "Magaling ba sa kama?"

Kumunot ang noo ko. "Ano ba Bea," mahina kong sabi saka nalang uminom ng kape. "Ano... hindi ko alam... hindi ko ma-explain."

Pumalakpak siya bigla. "Hayop sa kama you mean?" madrama siyang napahawak sa dibdib niya. "Naku! Madie kailangan mo nang mahanap ang lalaking 'yan! Kumilos ka na!"

"Paano? Hahanapin ko siya sa buong Pilipinas, gano'n?"

"Why don't you look for him where you guys first met?" ngumisi siya. "Malay mo, baka hinahanap ka na rin niya." tinaas-baba niya ang kaniyang manipis na kilay.

Umikot lang ang mata ko. "Hindi na mauulit ang pagpunta ko ro'n!"

"Oh edi manigas ka riyan! Wag mo na rin siyang isipin!"

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now