Chapter Fourteen

50 3 0
                                    

"Maganda na ba ako?"

"Asan na ba 'yong sapatos ko?!"

"Omg look! Ang ganda ko nga!"

Tiningnan ko si Bea na nakaharap sa full length na salamin habang chini-check kung anong itsura niya sa likod. Maya-maya'y humarap ulit siya at hinawakan ang tiyan.

"Nako baby! Ito na ata ang last na dadaluhang party ni mommy mo! Next month lulobo na ako. Hindi na ako makakasuot ng mga tight dress huhu!"

Napailing ako sa kaniya at hinanap ulit ang susuotin kong sapatos dapat.

Nang mahanap ay sinuot ko na 'yon at humarap rin sa salamin.

"Pak! Ganda ganda ng beshy ko!"

"Hindi ka iinom do'n ha! 'Yong inaanak ko Bea..."

Tumango ulit siya. "Behave lang ako."

"Asan na ba si Clark? Akala ko ba andito na siya within 30 minutes?" tanong ko sa kaniya.

"Ewan ko, baka hindi pinayagan ng nanay—"

May nag-doorbell bigla.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil hanggang ngayon bardagulan pa rin sila nang bardagulan.

Minsan nakakalimutan kong si Clark pala ang tatay ng magiging inaanak ko pero sa isang buwang kasama ko silang dalawa ay unti-unti kong nakikita kung anong bond meron sila.

Si Clark 'yong maingay lang kapag andiyan si Bea. Si Bea naman na maingay na nga, OA pa. Jusko ano nalang kaya kalalabsan ng inaanak ko niyan?

Bumaba na kaming dalawa para pagbuksan ng pinto ang nag-doorbell sa labas.

"Bakit ang tagal mo?"

"Flat tire, inayos ko pa." sagot ni Clark saka tumingin sa kaibigan ko. Nakita ko kung paano nalaglag ang panga niya.

Sunod ko naman tiningnan si Bea na nakataas lang ang isang kilay habang nakahalukipkip pa.

"I know right. Maganda talaga ako. It runs in the blood. Ganiyan talaga." loka lokang sabi ni Bea.

Napaiwas ng tingin si Clark at tumikhim. "Aalis na ba tayo?"

"Wait lang! Check ko kung may naiwan ba'ko." kinalkal ko 'yong bag ko.

"OMG! 'Yong purse ko!" tumakbo si Bea paakyat sa kwarto.

Napailing nalang ako at tumingin kay Clark. Ngumiti siya sa'kin.

"Ang ganda mo ngayon..." puri niya.

Gusto ko sanang sabihing "ngayon lang?" pero hindi kami close kaya sa halip ay ngumiti nalang ako pabalik.

"Ikaw rin! You look... dazzling in that suit."

He chuckled, tiningnan niya ang kaniyang suot saka ulit bumaling sa'kin. "Thank you Madie."

"No... thank you." I sincerely said. Nakita kong nawala saglit ang ngiti niya.

Mali man sa paningin ng tao ang nangyari sa kanila ni Bea pero nang bumalik siya ay doon lang din bumalik ang dating si Bea. Hindi ko alam kung alam niya ba na mahal na siya ni Bea. Pero sana... magkaroon sila ng panahon na para sa kanilang dalawa lang.

Ngumiti ulit si Clark at saktong bumaba na si Bea.

"Careful," inalalayan siya ni Clark pababa ng hagdan. "You might trip."

Sa loob ko ay napapairap nalang.

Araw-araw third wheel nalang talaga ako!

Ah! Ito na pala ang araw na pinakahinihintay ng lahat. Kasal na ng ex ko. Yes, pupunta ako. Ang sabi pa nga ni Bea, rarampa kami ro'n.

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now