Chapter 15: No Escape

0 0 0
                                    

——————————————————————

Nakalayo na rin kahit papa-ano si Eerie at Josh kila Ck at Ely, nagmamadali sila sa bawat paghakbang upang makarating agad sa paanan ng bundok at makahingi kaagad ng tulong, med'yo panatag na si Josh noon na wala ng panganib na naka-abang sa kanila maliban sa matatarik na daan at bangin, napansin nila na patarik ng patarik ang dinadaanan nila at wala na ang mga puting tela sa mga katawan ng puno na palatandaan na tama pa ang kanilang binabaybay na daan.

"Eerie, huwag ka ng matakot. makababa tayo ng bundok na ligtas, Pangako." Saad ni Josh kay Eerie habang hawak nito ang kamay ng dalaga at na-uuna siyang naglakakad pababa.
"Josh, naliligaw na tayo." Mahinang wika ni Eerie dito habang palinga-linga sa mga nalalampasan nilang mga puno.
"Ok lang iyan ang mahalaga ay pababa ang tinatahak na tin na daan." Tugon naman si Josh kay Eerie.

Bigla silang natigilan nang makarinig ng isang malakas na lagaslas at talon ng tubig.
"Ano 'yon, talon?" mahinang tanong ni Josh. Sandali silang nakiramdam sa paligid at hinintay na sumilip ang  buwan mula sa pagkakatakip ng isang ulap para maaninag nila kahit papaano ang daan at makaiwas sa naririnig na talon.
"Nakita ko na." Agad na wika ni Eerie ng mapansin ang isang bingit na may ilang dipa lang mula sa akin.
"Halika, dito tayo sa kabila." Wik ni Josh kay Ely nang magbabago na sana sila ng ruta dahil mahuhulog sila sa falls na iyon kung doon magpapatuloy. Akmang liliko na sila ng daan namg biglang gumalaw ang mga sanga at dahon sa puno na animo'y hinagangin lang ng malakas, sabay napalingon at dalawa sa gulat at dahil sa kakaibang pakiramdam na nakapagpakabog ng kanilang mga dibdib, mabilis nilang inobserbahan ang lugar dahil wala namang malakas na hangin ng mga oras na iyon pero patuloy ang pagkaluskos ng mga dahon at sanga, humarang si Josh sa harapan ni Eerie upang maprotektahan ito sa posibleng mangyari. Ilang saglit pa ay nakarinig ng himig ang dalawa, malambing na himig ng isang babae at mula sa masukal na gubat ay lumabas ang isang magandang dalaga, na may maamong mukha, napukaw agad nito ang mga mata ni Josh at habang naririnig ang himig ng dalagang iyon kasabay ng pagtatama ng kanilang mga mata ay para s'yang nahulog sa isang malaking imahinasyon, napasa-ilalim siya ng hipnotismong kakayahan ng taong ahas, marahang naglakad si Josh papalapit dito na blangko ang mga mata at pag-iisip, iniwan niyang mag-isa ang nanginginig at takut na takot na si Eerie. Pumunta si Josh sa likuran ng taong-ahas na parang hindi niya nakikita ang kalahati ng katawan nito, ni walang takot na mababakas sa mukha ni Josh kahit lantad na lantad ang kalahating katawan ng babae na kalahating ahas kitang-kita na iyon nang lumabas ito kanina sa masukal na parte ng gubat at dahil na rin sa sinag ng buwan na kanina ay nakatago sa ulap.  Hindi nakakilos si Eerie sa kinatatayuan nang pinapanuod si Josh na iniwan siya at pumunta sa likuran ng taong-ahas. Magkaiba sila ng nakikita, mga lalaki lamang ang nahuhulog sa taglay na hipnotismo ng taong-ahas na nasa harapan ni Eerie. 

Binalot ng matinding takot si Eerie lalo na nang dahan-dahan siyang nilalapitan ng taong-ahas tapat na tapat sa kanya ang mukha nito at dahan-dahang lumalapit, ayaw niyang tumingin pero hindi siya makakilos, naninilaw na ang balat ng taong-ahas na kanina ay maputla pa, iyon na ang totoong kulay ng balat n'ya dahil marami na s'yang nainom na dugo mula sa mga kasamahan nila Eerie, lalong kumintab ang mga kaliskis nito na tila ba may mga talim, ang mga mata niya ay lalo ring tumalim ang tingin at parang hindi na nasisilaw sa liwanag gayon din ang kaniyang mga  pangil, mata sa mata ang titigan nila ni Eerie habang dahan-dahang lumalapit sa kanya ang taong-ahas, lumalabas-labas ang dila nito sa bibig at huni na ng ahas ang kaniyang naririnig hindi ang isang magandang himig ng babae. Panay ang tulo ng luha ni Eerie habang humahakbang paurong ng dahan-dahan dahil tuluy-tuloy ang paglapit sa kanya ng taong-ahas na nasa harapan, hindi  makatakbo si Eerie o kahit makasigaw man lang tanging mga luha niya lang ang nagpapahiwatig ng sobrang takot at pagkahindik na nararamdaman, ilang saglit pa ay tumigil na ang taong-ahas sa paglapit sa kanya pero matalim pa rin itong nakatingin at kalahating dipa lang ang pagitan nilang dalawa magkatapat na magkatapat ng mga mukha at katawan nilang pareho, at maya-maya pa pagkatapos ng kahindik-hindik at nakapangingilabot na tagpong iyon nilang dalawa ay biglang ngumiti kay Eerie ang taong-ahas, isang makapanindig balahibong ngiti na nagpanginig sa buong katawan ni Eerie at sa isang iglap ay mabilis na kumilos ang taong-ahas at ipinalibot kay Eerie ang kalahating katawan nito hanggang buntot kasabay noon ay ang matinis na irit nito na nanunuot sa pandinig at nakapaghihilakbot ng buong katawan.

Nakita nalang ni Eerie ang sarili sa napalibutan na ng katawan ng taong-ahas, wala siyang magawa kundi ang lumuha nalang sa sobrang takot na nararamdaman, at alam niya na iyon na ang magiging katapusan niya ng mga oras na iyon. (Pa, Ma makakasama ko na ulit kayo matapos ang ilang mga taon.) Mga salitang nasambit niya sa isip bago siya itulak ng taong-ahas sa bingit ng talon, na hindi niya napansing nasa likuran na niya sa ka-uurong kanina, sumabit pa ang dalawang paa ni Eerie sa buntot ng taong-ahas bago nahulog sa mataas na talon dahilan para pahiga siyang bumagsak dito at tumama sa isang napakalaking bato, nabasag ang bungo ni Eerie sa pagkakabagsak at nabali ang parehong mga paa na naging dahilan ng tuluyan niyang pagkamatay. Ilang sandali lang ay sinundan ng taong ahas si Eerie sa baba ng talon napakabilis lang niyang nagawa iyon dahil may kahabaan siya at gumapang siyang palipat-lipat sa mga puno nang makababa ay agad niyang kinagat si Eerie sa leeg at sinipsip ang dugo nito hanggang sa dumikit ang mga balat ni Eerie sa kanyang mga buto. Lalong nanilaw ang kulay ng taong-ahas at kumintab ang mga kaliskis nito na parang sa dugo mismo ng kanyang mga biktima kumukuha ng lakas at sustansya, ang dapat na pangil na pinaglalabasan ng kamandag ay siya niyang gamit sa pagsipsip ng dugo ng mga bibiktimahin.

Pagkatapos maubos ng taong ahas ang dugo ni Eerie ay bumalik na siya sa kinatatayuan ni Josh at wala na doon ang binata, sa oras na matapos ang pagtatama ng mata nila ng lalaking kanyang binibiktima ay minuto lamang ang binibilang at nawawala na rin ang bisa ng hipnotismo niya sa mga lalaki, hindi iyon tumatagal lalo na kung lumalayo ito sa nahipnotismong biktima. Agad na gumapang paikot ang taong-ahas sa kanyang kinatatayuan naka-angat ang katawang tao at katawang ahas lamang ang pumapaikot sa lupa, parang anino lamang sa kadiliman ng gubat ang kanyang malaking imahe. Ilang saglit pa ay umirit muli ito nang malakas at pumasok na sa gubat upang hanapin doon ang nakatakas na si Josh.

————————————————————————————

Sa hindi kalayuan ay patuloy na naglalakad si Josh at nanginginig sa takot.
"Wala na si Eerie— wala na silang lahat— dito na rin ako mamamatay— a-ayoko, gusto ko pang m-mabuhay (garalgal at umiiyak si  Josh). Kung k-kabayaran ito sa h-hindi ko s-sinasadyang p-pagkamatay ng magiging m-mag-ina ko p-patawarin n'yo na po ako. H-hindi ko s-sinasadyang m-maitulak siya sa h-hagdan at hindi ko a-alam na nag-dadalang tao siya noon."  napapadasal at sabi niyang parang kinaka-usap ang sarili.
"Gusto ko lang makalimot at maitama ang lahat  ng mga pagkakamali ko at makabawi sa buhay." dugtong pa niya bago matigilan sa paglalakad ng maramdaman na may kumagat sa kanyang binti agad niya iyong isinipa-sipa sa ere at nakitang tumalsik ang isang uri ng ahas, alam niyang ahas iyon dahil pahaba ito at kita niya ang imahe, nagulat pa siya ng makitang dinampot ng nilalang na pumatay kay Eerie ang ahas na tumalsik mula sa binti niya. Inilagay ng nilalang na iyon ang ahas na kumagat kay Josh sa balikat nito at dahan-dahang tumingin ang taong-ahas sa kanya. Tatakbo na sana si Josh ng maramdaman niyang hindi siya makagalaw, mabilis umepekto ang kamandag ng ahas na tumuklaw kay Josh, kagaya ito ng ahas na tumuklaw rin kay Emon at Nathan, paralisado na siya agad, ilang sandali pa ay inikutan muli ng taong ahas na iyon si Josh,inikutan ng maka-ilang ulit dahilan para makaramdam si Josh nang sobrang takot at awa sa sarili, hindi s'ya makatakbo, hindi makagalaw, ni-hindi makapag-salita si Josh para makasigaw at makahingi ng tulong. (Totoo pala ang sinabi ni Aga kanina, tunay ngang may nilalang dito sa bundok na kagaya mo.) Wika nalang niya sa isip na parang tinanggap na ang magiging katapusan at naiyak nalang sa bawat nakakikilabot na tagpo ng maramdaman n'ya ang paglapit ng taong ahas sa kanya at pagdampi ng dila nito sa kanyang mukha at  tanging pagtulo nalang ng mga luha ang nakaya niyang gawin, wala na siyang nagawa ng tangayin na na s'ya ng babaeng ahas sa kadiliman ng gubat.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now