Chapter 3: There's something in the dark

0 0 0
                                    

Natigilan ako sa kinatatayuan ko at pinagpawisan ng malamig, ayokong ituro sa kanila iyon dahil hindi ako sigurado kung ano iyon at baka pag-umpisahan lang ng hindi maganda kung ituturo ko pa. Kahit parang naistatwa ay pinilit kong makagalaw sa pagkakatayo at dahan-dahang inihakbang ang mga paa ko papunta do'n sa mga kasama naming nagpapalit ng gulong, pinipilit kong 'wag mahalata ng mga kasama ko yung takot na nararamdaman ko at panginginig ng mga sandaling iyon.

"T-tatay Matt, m-matagal pa po ba iyan?" Tanong ko ng makalapit ng kaunti. Napalingon naman silang lahat sa akin at nakita kong lumalakad palapit yung lalaking katabi ko sa upuan. Hinawakan n'ya ko sa braso at isinandal sa sasakyan, inabot n'ya yung thumbler sa loob at pinainom ako ng tubig.

"Sit here and wait for a while." Saad n'ya sa akin at pinaupo ako sa sahig ng bukas na sasakyan at bumalik na kila Tatay Matt.

"Anong nangyari sa kanya?" Mahinang tanong ni Tatay Matt ng makalapit ito at pare-pareho silang tumingin sa akin.
Nagkibit-balikat lang ito at muling bumalik sa pagtulong sa kanila. Ilang sandali lang ay lumapit na sa akin yung lalaking nakasalamin at dito sumandal kung saan malapit sa akin.
"Saw something?" Mahina n'yang tanong.
Napatingin ako sa kanya at hindi alam ang isasagot.
Mabuti nalang at biglang dumating yung babaeng kumakausap sa kanya kanina dahilan para matigil ang sana'y pagsagot ko sa tanong n'ya, sumadal din ito sa sasakyan katabi n'ya at sinanggi pa s'ya nang bahagya sa braso.

"Tay Matt! Matagal pa po ba iyan?" Tanong nito kay Tatay Matt nang tumingin s'ya sa mga ito.
"Saglit nalang ho ito, malapit nang matapos." Sagot ni Tatay Matt dito. Napalingon naman agad si Tatay Matt nang makitang naglalakad yung lalaking mukhang half foreign at yung kasama n'ya kanina na nagsabing parang may nakita raw s'ya.
"Mga bata 'wag kayong lalayo at papasok sa may gubat!" Pahabol nitong sigaw sa dalawa. Napatingin naman ang lahat kay Tatay Matt na parang nagulat at nagtataka. Nakagugulat naman kasi talaga dahil mas'yadong tahimik noon at bigla s'yang sumigaw.
"Mahirap na kasi baka hindi sila makabalik kaagad, ay patapos na ito." dugtong ni Tatay Matt na waring nagpapaliwanag.

"Well, Mang Matt has a point naman baka antayin pa natin 'yang dalawang ungas kapag naayos na yung gulong." Sang-ayon naman ni ate mo girl na alam n'yo na.

Tinatanaw ko yung dalawa sa paglalakad-lakad nila dahil bahagya akong natakot, baka nando'n pa yung nakita ko kanina, pero nang sipatin ko ulit ito ay wala na iyon.
Bago palang sana ulit ako titingin sa direksyon ng dalawa nang biglang sumigaw at magtatakbo yung mukang half foreign.

Sa bilis ng pangyayari ay napakaliksi din nang kilos ng lahat at sa isang iglap ay magkakasama na kami sa p'westo kung saan nag-aayos ng gulong ang apat na lalaki, nagsisikan kaming dikit-dikit roon.
Pagkalapit naman ng lalaking nagsisisigaw ay bigla itong magsabi ng: "It's a Prank!"

"Gago amputa!" Sabi ng lalaking mataba ang pisngi at akmang lalapit na ito sa kanya ng pigilan s'ya ng lalaking may gitara.
"It's cool!" wika ng kalapit ko sa upuan at naglabas ng dirty finger sa kanya.
"Not a funny joke dude!" Saad ng nakasalamin
"Gago!" sabi naman ng naka-earphone na babae.
Halos magkakasabay ang pagkakasabi nila niyan. At talagang walang natuwa sa birong iyon.
"Last mo na iyan!" Pahabol pa ng lalaking kasama n'ya kanina sa paglalakad-lakad.

"Masama hong magbiro ng gan'yan lalo't hindi pa kayo mas'yadong magkakakilala at isa pa ay nasa gitna pa tayo ng b'yahe." Pagsasabi dito ni Tatay Matt bago sabihing ayos na ang gulong ng sasakyan at isa-isa na kaming sumakay.

Nabago na ang upo nang iba, yung matangkad na lalaki ay nasa kalapit na ni Ate mo Girl, yung nakasalamin naman ay katabi nitong babaeng med'yo maingay, yung isang tahimik naman na babae ay dito napapwesto sa kalapit ng mataba ang pisngi, yung tatlong lalaki naman ay nasa dulo at yung isang tahimik na babaeng naka-earphone ay nasa dating upuan pa rin gayon din kami ng katabi ko.

Muli kaming bumyahe at pakiramdam ko ay wala nang natulog ulit ng mga sandaling iyon. Maya-maya ay naramdaman kong may nangunguhit sa likod ko pero hindi ko agad iyon nilingon hanggang sa manguhit ulit s'ya.
"Bakit po?" Tanong ko dito nang lumingon.
"May nakita ka ba sa gubat ano?" Tanong nitong lalaking mataba ang pisngi sa akin.
"Ha- a e wala po." Agad na sagot ko dito ng mahagilap ang sasabihin.
"Sobrang putla mo kanina, nanginginig ang katawan mo at boses nang lumapit ka sa amin."dugtong pa nito.
" A e - sumama lang bigla ang pakiramdam ko ilang araw na rin kasing kulang sa tulog." sagot ko dito.
"I saw something too." Sabad ng babaeng kalapit n'ya.

Sabay kaming napatingin ng lalaking katabi n'ya.
"Napatingin ako sa gubat at hindi ko mapigilang hindi igala ang paningin ko, habang naririnig ang pagkaluskos ng mga dahon at sanga dahil sa hangin o hindi ko alam basta, noong nagtingin-tingin ako napansin kong parang may mga mapupulang nailaw sa gubat, yun 'yong time na lumapit ako sa inyo pero nawala ito sa pwesto n'ya kung saan ko s'ya unang nakita at noong sinubukan kong hanapin ay nakita ko iyon sa direksyon kung saan ka nakatingin(sabi n'ya at hinawakan ako sa balikat) tapos ng umalis ka ay nawala ito at hindi ko na nakita pa." Mahaba-haba nitong paliwanag.

"What the hell is that?" Tanong ng lalaking katabi n'ya.
"Hindi ko rin alam, basta iba yung pakiramdam ko noong nakita ko iyon." Wika ng katabi n'ya.
"Kumabog ng malakas ang dibdib ko at, para akong nanghihina, hindi ko maipaliwanag ang awra noon pero nakatatakot talaga at parang imahe ng kung sino o ano." Paliwanag ko dito.
(Basta nakakakilabot iyon lalo na noong parang nagtama ang paningin naming dalawa.) Dugtong ko pa sa aking isip.
"Baka wild animals lang siguro iyon." Wika ng lalaki.
"Sana nga ay ganoon na lang." Saad naman ng kalapit nito.

Umayos na ako ang p'westo at sumandal ulit sa bintana. Buti na lang din at hindi kami inabot ng sobrang tagal sa lugar na iyon dahil kung nagkataon ay baka kung anu-ano na ang nakita namin sa lugar na iyon, hindi maiiwasan na mag-isip ng kung anu-ano lalo't napaka-tahimik at napaka-dilim ng buong kapaligiran tangin simoy lang ng hangin na parang bumubulong at mga kaluskos ng dahon at sanga sa puno.

"Hey Clumsy!" Napaiktad ako ng bahagya sa kinauupuan ko at napalingon agad sa tumawag sa akin na katapat ko lang naman ng mukha paglingon ko. Hindi ako nakagalaw agad at natigilan ng ilang saglit pakiramdam ko ay sobrang pula ng mga pisngi ko. Lumayo s'ya ng konti sa akin ng maramdaman n'yang naiilang ako.

"Tell no one about what you saw, forget it, don't ruin our vacation. Just relax everything's is fine now." Saad nito sa akin sa malumanay na boses at sa wakas ay nagtapon na ng isang maliit na ngiti sa akin na kinagaan naman ng aking loob. Napangiti din ako sa kanya ng mga sandaling iyon at naramdaman ko nalang ang sarili ko na iniipit sa likurang bahagi ng aking tainga ang ilang hibla ng buhok ko na nakakalat sa mukha ko. Napakunot ako ng noo bigla ng maisip na nagpapa-cute ata ako sa kanya.

"Cute!" Biglang saad nito na nakatingin pa rin pala sa akin , napatungo kaagad ako sa sobrang hiya at hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.

"You don't need to say anything, don't worry just enjoy this trip." dugtong nito.

Nagtataka naman akong napasulyap ulit sa kanya at napatanong sa sarili ko kung nababasa nya ba ang nasa isip ko. Pero agad ko rin namang iniiwas ang tingin ko dahil ayokong tumingin s'ya ulit sa akin, pakiramdam ko kasi ay natutunaw ako.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now