Chapter 12: Bigger puzzle

0 0 0
                                    

———————————————————

Matapos makapagbigay ng kani-kanyang impormasyon  na p'wedeng makatulong sa bawat isa  ay tumayo na sila, inakit na ni Jay, si Ram at Nathan. Inalalayan ni Jay si Nathan,
"Sana ay tama ang desisyon nating ito." Bulong pa ni Jay.
"Ay Par, saglit." Habol naman ni Ram at may kinuha sa loob ng bag na dala n'ya at tumalikod na sila.

"Ingat kayo at sundan n'yo lang ang trail na dinaanan natin kanina." habilin ni Ck sa tatlo. Lumingon naman si Ram dito at sinabing:
"Mag-iingat din kayo, pag nakababa na kami ng bundok ay hihingi agad kami ng tulong para mabalikan kayo dito."

Pumasok na ang si Jay, Ram at Nathan sa madilim na gubat, tinatanglawan nila ang paligid gamit ang  flashlight na dala para makita ang daan pababa at ang mga puno na may palatandaan. Inaalalayan nila si Nathan sa paglalakad dahil hindi na ito makahakbang ng maayos.
"S-siguro kung mas p-pinili ko nalang na sumama k-kay P-Papa, hindi mangyayari sa-s-sakin 'to!" Pagsisising sabi ni Nathan makalipas ang ilang minuto habang hirap na hirap sa paghakbang at naka-akbay kay Jay.
"K-kung sinunod ko lang s-sana si Mama n-na p-pakinggan ang paliwanag ni Papa at p-pagbigyan itong b-bumawi sa mga p-pagkukulang n-niya.... — Wala sana ko dito ngayon!— Kung tinanggap ko n-nalang sana ng mas maaga ang p-paghihiwalay n-nila at inunang m-magpatawad kaysa ang galit!" dugtong ni Nathan at nanginginig na ang boses at mahahalatang nagpipigil na ng pag-iyak.
"Tanga ka ba? Hindi mo naman alam e, na magkakaganito tayo dito di'ba?! Ngayon mo pa talaga iniisip ang ganyang mga bagay?! Ang isipin mo ay kung paano ka mabubuhay para masabi sa kanilang pinatatawad mo na ang pagkukulang nila sayo bilang magulang!" Diretsong sabi ni Ram dito at tumingin pa sa dalawa nang maintindihang may problema pala sa pamilya si Nathan, bigla naman natawa si Nathan sa sinabing iyon ni Ram.
"Napakamalas ko! Tangina!" dugtong pa ni Nathan matapos tumawa at pinahiran ang tumulong luha.
"Makababa tayo sa bundok na 'to huwag kang mag-alala, mabubuhay ka, mabubuhay tayo." mahinang sabi naman ni Jay kay Nathan, ipagpapatuloy na sana nila ang paglalakad nang bigla silang makarinig ng kaluskos mula sa likuran, tumigil sila at agad na inilawan ang paligid, wala silang nakita doon na p'wedeng pagmulan ng ingay, walang hayop, tao o kahit ano. Hindi muna sila kumilos sa kinatatayuan at nakiramdam sa paligid, tahimik walang ingay ng kahit ano maliban sa hangin na umihip ng malakas at nagpagalaw sa mga dahon at sanga ng puno, kasabay ng ingay na iyon ay may dumaan na kung ano sa lupa tumunog ang mga tuyong sanga at dahon na nakakalat na para bang may mabigat na tumapak dito, at gumalaw ang masusukal na bahagi ng gubat na parang may kung ano sa loob ng mga iyon, mabilis iyon at agad nilang sinundan ang tunog gamit ang ilaw ng flashlight na dala pero wala, hindi nila maabutan ang nilalang, wala silang nakita.

"Ayoko pang mamatay—"  umiiyak na sabi ni Nathan sa sobrang takot.
"Ang dami ko pang gustong gawin, gusto ko pang makasama si Papa kagaya nang dati noong hindi pa n'ya kami iniiwan." dugtong nito na punung-puno na ng halu-halong emosyon.
"Tang-ina naman Nathan e!" Saad naman ni Ram na halata na ring kinakabahan.
"Shhh... 'wag kayong maingay, patayin mo iyang flashlight." bulong ni Jay at pinatay na nito ang dala n'yang lente.
"Gago ka ba edi wala tayong nakita." Sagot naman agad ni Ram.
"Tanga ka talaga Ram, nakikita n'ya tayo dahil sa ilaw pero tayo hindi natin s'ya makita kahit may ilaw tayong dala. Naiintindihan mo ba?! Patayin mo 'yang ilaw!" Paliwanag at utos ni Jay.
Nasa likod ni Jay at Ram si Nathan na nakahawak sa tag-isang balikat ng dalawa para hindi ito matumba sa pagkakatayo. Gumalaw ulit ang mga dahon kasabay ang pagputul-putol ng mga tuyong sanga sa lupa kasabay pa noon ay ang matinis na tinig ng tila isang babaeng umiirit, nakakikilabot ang tunog at nakakasakit sa tainga kahit hindi gaanong kalakasan iyon ay nanunuot ito hanggang sa utak dahilan para mapatakip sila ng mga tainga. 

Nabitawan ni Ram ang flashlight sa lapag dahilan para mamatay iyon at agad-agad ay may hinagilap s'ya sa likuran ng suot na pantalon sa bandang baiwang naalala n'ya ang baril na kinuha sa bag bago sila umalis, napansin iyon ni Jay.
"Saan galing 'yang baril mo?" nagtatakang tanong ni Jay dito.
"Edi dala ko gago." Sagot ni Ram at tumingin sa paligid.
"Tang-ina maaasahan ka rin naman pala minsan hindi puro kayabangan." natatawang sabi Jay dito at dahilan din para mapangiti si Ram.
"Patay sa akin iyang putang-inang yan!" Nag-ngangalit bagang na sabi ni Ram.
Tanging liwanang ng buwan ang inaasahan nila para makita ang paligid pero dahil sa dami ng puno ay sobrang labo ng nakikita nila at parang puro anino lang hanggang sa muling gumalaw ang mga dahon at sanga at tumunog ang mga nadadaanan nitong mga tuyong sanga sa lupa at gumalaw ang matataas na damo.
"Sa harap!" Sigaw ni Jay at umalingawngaw ang isang putok. Alam nilang may tinamaan si Ram doon, pero bago pa buksan ni Jay ang flashlight na hawak niya ay nagsalita ng mahina si Nathan sa likuran nila.
"P-Par—" takut na takot at nanginginig ang tinig ni Nathan nang tinawag ang dalawang kasama, agad namang lumingon ang dalawa at halos magkasabay sila nang makarinig ang isang nakakikilabot at napakalamig na parang sitsit. Sobrang takot at pagtataka ang makikita sa mukha ni Jay at Ram nakita nilang may dalawang kamay ang nakayakap sa katawan ni Nathan mapuputla ang mga iyon na parang walang dugo, dahan-dahan silang tumingin papataas sa ulo ni Nathan na hindi makakilos sa pagkakatayo, takut na takot ito habang tumutulo ang mga luha, mabibigat din ang paghinga na binibitawan niya. Pinanglakihan ng ulo si Jay at Ram nang makita ang isang hugis taong nakatayo sa likod ni Nathan maging sila ay hindi makagalaw sa kinatatayuan dahil sa halu-halong emosyon na nararamdaman, kita nila ang kalahati nito na nakadikit lang sa katawan ni Nathan at ilang saglit pa ay ipinantay nito ang mukha niya sa mukha ni Nathan dahilan para makita ni Ram at Jay ang kalahating mukha nito, Naaninag ni Jay at Ram ang isang nanglilisik na mga mata at maputlang mukha ngumiti ito nang malapad at nakita nila ang pangil sa bibig nito, gumapang ang kilabot sa katawan ng dalawa pero hindi sila makakilos kahindik-hindik ang itsura ng nilalang na iyon. Napaurong ang dalawa ng humigpit ang yakap ng nilalang kay Nathan at biglang hinigit ito sa dilim.
"Tulooooooooooonnggg.........." Nakabibinging sigaw ng takut na takot na si Nathan hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa gubat at hindi na makita ni Jay at Ram.

Ilang minuto pa ang lumipas bago sila makabawi at makakilos dahil sa sobrang takot. Agad hinagilap ni Ram ang hawak na flashlight ni Jay ay binuksan iyon tinanglawan niya ang gubat kung saan hinila ng hindi malamang nilalang si Nathan at pinagbabaril ang parteng iyon ng gubat habang sumisigaw nang pagkalakas-lakas. Kinapa naman ni Jay ang flashlight na nahulog ni Ram kanina at binuksan iyon, sa ibabang parte nakatutok ang ilaw nang binuksan n'ya iyon at napa-urong s'ya sa nakita.
"R-Ram—"  mabilis pero nanginginig na tawag niya sa kasama, napahawak din siya sa braso nito na naka-unat pa sa ere matapos magpaputok ng baril nang ilang beses. Lumingon si Ram sa tinitingnan ni Jay at nanglaki ang mga mata niya sa nakita.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now