Chapter 9: Truth or Dare

0 0 0
                                    

May hawak ng beer ang lahat p'wera lang kay Eerie, si Aga naman ay binigyan din nila para daw masarap ang tulog nito mamaya. Nakita kong tumayo si Josh sa pagkakaupo at pumunta sa tent kung saan nando'n ang gamit n'ya.

"Inom ka." Pag-aalok ni Nathan kay Eerie ng beer nang makitang umalis ang kalapit nitong si Josh at naupo s'ya sa tabi nito. Inabot naman iyon ni Eerie at hindi na nagsalita, nakita n'yang palapit na ulit si Josh dala ang gitara nito kaya tumayo s'ya sa inuupuan at pina-isud pa ng kaunti si Jay na kalapit si Maye para naman makasingit s'ya sa tabi ni Eerie.
Nakita kong nakatingin si Josh kay Nathan bago ito umupo sa dating p'westo, nagtaas naman ng bote ng beer si Nathan dito at parang sinasabi n'yang cheers kasabay ang pagtango. Hindi na iyon pinansin ni Josh at naupo na siguro ay mainit pa rin ang ulo nya dito.

Ilang sandali pa ang lumipas at talagang nagkakasiyahan na, kumakanta kaming lahat at si Josh ay naggigitara may ilang bote pa ng alak na hindi pa nabubuksan at hindi pa naman mas'yadong malalim ang gabi. Biglang tumayo si Aga sa kinauupuan at nagpa-alam nang matutulog na s'ya, sinabihan rin n'ya kami na 'wag nang lalakasan pa ang pagkanta dahil ipinagbabawalan nga ang sobrang pag-iingay.
"May mangyayari bang masama kung mag-ingay kami ng sobra?" Natahimik ng konti ang lahat ng magtanong muli si Aimee kay Aga ng ganoon, parang may pinipilit s'yang malaman na lihim mula sa dito. Muli namang lumingon si Aga paharap sa amin.
"Hindi ko sigurado pero kung talagang gusto ninyong subukan ay bahala na kayo." Sagot ni Josh na parang hinahamon kami, siguro ay tinamaan s'ya sa alak na ininom kaya ganoon nang magsalita. Wala nang sumagot pa at nagpatuloy kami sa pagkanta si Jay at Maye ay sumasayaw na ganoon din sina Izzy at Jerry. Nagpatuloy ang kantahan, kwentuhan, tawanan at inuman hanggang sa magpaalam si Emon na iihi lang daw siya, ilang saglit lang naman iyon at nakabalik na s'ya sa inuupuan n'ya. Kinuha nya ulit ang bote ng beer na may laman pa at saka ininom iyon. Matapos ang ilang minuto ay napansin namin na biglang tumahimik si Emon, e ang ingay nya kanina lang. Butil-butil din ang pawis nito sa mukha at medyo namumutla.
"Kuys! Lasing kana ata." Sabi ni Ram dito.
"S-siguro n-nga.." nauutal at mahina n'yang tugon.
Tumayo ito at nagpaalam na matutulog na, nakita kong hindi siya sumusuray ng lumakad pero para s'yang may pilay at may iniindang sakit sa paa na kanina ay wala naman. Hindi ko na lamang iyon pinansin at ibinalik na ang atensyon sa aming pagkanta.

May ilang oras ding nagsayawan at nagkantahan ang mga kasama ko pero kami ni Ely ay nakaupo lang at magkatabi naming pinapanuod ang iba nang mapagod ang mga ito ay umupo na muli sila at nagpahinga.
"Hmmm.. Let's play nalang kaya guys?." Wika ni Izzy na med'yo lasing na.
"A game like what?" Tanong ni jay.
"Hide and seek? haha" sabi ni Maye na alam naming nagbibiro lang.
"Gago!" (Ram na umiiling)
"Spin the bottle—" suggestion ni Nathan.
"Ang luma mo naman Nathan. haha" nakakalokong sabi ni Maye na med'yo may tama na rin.
"It's a classic game of truth or dare." Sabi ni Jay.
"Game mechanics, kapag sayo tumapat ang inikot na bote mamimili ka lang kung truth or dare, kapag truth ang pinili sasagutin ang tanong kapag dare gagawin ang iniuutos." Dugtong pa ni Jay.
"This will be fun." mahinang saad ni Aimee.
"I'll spin the bottle naaaa.." Sigaw ni Izzy nang makuha agad ang bote na wala ng laman.
Nakatingin kaming lahat sa bote ng tumigil ito sa kanina pa tahimik na si Eerie. Napatingin kaming lahat sa kanya at ang iba ay parang nae-excite sa pagtatanong.
"OMG! Girl !" parang kinikilig na hindi maintindihan na sabi ni Maye at Izzy at nagkatawanan pa at
Nakatingin naman si Josh dito na parang nag-aalangan.
"So Eerie, is it truth or dare?" sabi ni Aimee.
Tumingin si Eerie dito at para bang nag-iisip nang mabuti.
"Truth." Tugon ni Eerie
"Bakit ka su—" Magtatanong na sana si Josh nang putilin ni Nathan ang sasabihin n'ya.
"Bakit matatakutin ka?" (Nathan)
Napatingin naman si Josh dito na kalapit lang din ni Eeire, pinaggigitnaan nila ito. Ngumiti ng parang nakaloloko si Nathan kay Josh at parang nang-aasar, akma na sana itong tatayo pero hinawakan s'ya ni Eerie sa may braso.
"Relax lang aa. 'Wag masyadong mainit." Sabi ni Jerry sa mga ito. Kami naman ni Ely ay nakamasid lang din kagaya ng iba pa.
"I had this trauma when I was 16yrs old. I saw my parents dead bodies in our own house, naliligo sa sariling dugo at puno ng mga saksak. Since then takot ako sa patay, dugo, dilim or kahit anong related dito." Sagot niya at natahimik naman ang iba pa at parang gusto pa ulit magtanong pero isang tanong lang sa kada isang tapat ng bote. Tinapik ni Josh ang balikat ni Eerie at napatungo naman si Nathan sa sagot nito.
"Sorry for your lost." biglang kong nasabi sa kay Eerie nang makaramdam ako ng lungkot. Ngumiti ito ng bahagya bilang tugon.

"Ok, I'll spin the bottle na." Wika ni Izzy at sa tapat ni Aimee tumuro ang bote.
"Girl, it's your turn!" Saad pa ni Izzy. Saglit na natigilan ang lahat at nag-iisip yata ng itatanong dito.
"Truth or Dare?" Tanong ni Ram dito.
"What's worth picking? hehe" Tanong ni Aimee na tumawa ng mahina pero parang nakakaloko.
"Let's pick the truth, and later, dare." Saad nito na parang kinausap din ang sarili nang sumagot sa amin.
"Are you a physcho?" Biglang tanong ni Jay, napatawa si Aimee sa tanong nito.
"Hehehe a bit. It's always inside my head." Sagot ni Aimee dito.
"hmp! baliw nga." sabi naman ni Ram na natatawang naiiling.

"Ok, I'll spin the bottle na.."Wika ni Izzy. Nakatingin kaming lahat dito at hinihintay kung saan ito titigil.
"Ayieeh.. Handsome Jerry it's your turn!" Parang kinikilig na saad ni Maye dito. Natawa naman si Izzy sa reaction ni Maye.
"Truth or Dare? choose wisely!" Tanong ni Izzy na parang may pagbabanta dito. Napatingin naman si Jerry at parang kinakapa pa kung anong pipiliin n'ya.
"I'll give this chance, I'll pick the truth." Sagot ni Jerry habang nakatingin kay Izzy. Namulaga naman kaming lahat sa sinabi nito dahil may laman ang sagot n'yang iyon. Nagbago ang expression ng mukha ni Izzy at parang bigla itong nalungkot. Diretso s'yang tumingin kay Jerry at sinabing:
"B-akit mo nga ba ako niloko, Jerry?" Nagulat kaming lahat sa tanong ni Izzy kay Jerry at naghihintay rin ng susunod na mangyayari.
"Ooh Shit! Issue." parang nag-aasar na sabi ni Ram.
"Hindi kita niloko Izzy, ipinaliwanag ko na sayo lahat pero hanggang ngayon ayaw mong buksan yang isip mo, I've been following you since the day you broke up with me, pero hindi ka nakikinig, ang tigas ng puso mo. Sari—" (Jerry)
"That's enough! Ayoko nang makinig sa mga kasinungalingan mo!" pagpuputol ni Izzy sa sinasabi ni Jerry at nagpunas ng pisngi na para bang may tumulong mga luha dito.
"Omg! M-mag ex kayo?!" Gulat at hindi napigilang tanong ni Maye pero walang sumagot.
"Mga lalaking manloloko." Aimee said.
"Hey psycho, watch your word!" (Jay)
"This game gets even more exciting." Napapa-ngiting sabi ni Ram.

Bigla nalang tumayo si Izzy sa kinauupuan at naglakad na parang walang diresyon na pinupuntirya, tumayo s'ya na nakatungo at pinupunasan ang pisngi.
"Hey Izzy! Where do you think you are going?!" Tanong at agad na habol ni Jerry dito.
"Jerry, take care of her." Habol kong salita sa kanya.
"Don't go too far dude!"  Habol rin ni Ely.
Tumango naman si Jerry sa amin at sinundan na si Izzy.

"Ok, We're not done yet. I'll spin the bottle." Nakangiting saad ni Aimee. Inikot na nga n'ya ang bote at tumapat iyon kay Ram, at wala pa mang nagtatanong ay sinabi na nitong Truth ang pinipili n'ya. Napangiti ulit si Aimee at s'ya na rin ang nagtanong:
"Sinong nakapukaw ng atensyon mo sa mga nandito?" (Aimee)
Parang biglang nahiya si Ram at umiwas ng tingin bago sumagot.
"Ck." mahina at maiksi n'yang tugon, nagulat naman ako at napatingin dito na sa may bandang tagiliran nakaharap, napansin kong nakatingin din si Ely dito pero wala namang emosyon na makikita sa mukha n'ya.
"Love triangle. huh?! hehe"  wika ni Aimee at napatawa naman si Jay at Nathan habang nakatingin sa kinikilos ni Ram na parang nahihiya.

"Ok, Next" Saad ni Aimee at inikot na ang bote.
"Gotcha!" Sambit ni Aimee ng tumuro ang bote kay Jay,
"Truth or Dare?" parang excited at nakangiting wika ni Aimee dito, nakapagtataka naman kasi ang kilos n'ya dahil kanina pa s'ya weird.
"Truth." Maiksing tugon ni Jay kay Aimee.
"What do you know about this mountain?" Deretsong tanong ni Aimee at nakatingin sa mata ni Jay. Nagulat naman si Jay sa tanong nito at gayon din kami, nagtataka kami sa kung anong ibig ipahiwatig ni Aimee sa tanong na iyon.
"So, you mean may alam ka din sa bundok na ito? Jay asked.
"uh! uh! uh! it's a game, just answer the question." Sagot ni Aimee dito at umiling-iling pa kasabay ng kanyang hintuturo.
"Tang-inang laro 'to ! Parang nagkakagaguhan lang tayo ah!?—" Sigaw ni Josh at tumayo.
"At ikaw tang-ina ka kanina kana pa humahawak sa buhok ni Eerie, gago ka!" dugtong niya ng humarap kay Nathan at agad n'ya itong nasuntok sa mukha, natumba si Nathan sa may tabi namin ni Ely dahil sa lakas ng pagkakasuntok nito.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now