Chapter 11: Hint

0 0 0
                                    

Balot ng katahimikan ang lahat, at walang nagsasalita lahat kani-kanina pa nakatulala at nakaupo dito nang-iisip dahil sa nasaksihang pagkamatay ni Maye, nawawala si Aimee, si Aga at Emon, nakatingin sa apoy na tumutupok sa mga kahoy, wala kaming makuhang sasabihin sa bawat isa. Hanggang sa biglang sumigaw sa sobrang sakit si Nathan hinawakan n'ya ang binti kung saan ito banda nakagat ng kung ano. Inalalayan naman s'ya ni Jay dahil med'yo napapa-angat s'ya sa pagkaka-upo dahil sa kirot. Namumutla na rin ng kulay niya at pinagpapawisan ng butil-butil, naalala ko ng itsura kanina ni Emon bago s'ya magpaalam na matutulog na ganoon na ganoon iyon. Kinabahan ako at naisip na p'wedeng iisa lang ang hayop na nakakagat sa kanila pero hindi namin iyon masisigurado, Ilang saglit pa sa kaiisip ay naalala ko rin na si Eerie ang gumamot sa akin kanina at bihasa o may alam s'ya dito sa panggagamot. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kay Eerie,
"Hey?! Where are you going Ck?!" Mabilis na tanong ni Ely sa akin ng tumayo ako bigla. Pagkalingon ko sa kanya ay tumingin ako kila Eerie at alam kong naintindihan na n'ya ang gusto kong sabihin na pupunta ako kay Eerie, tumango naman s'ya sa akin at sunod nalang ng tingin.

"Eerie, hindi ba may alam ka sa panggagamot?" Tanong ko dito sa mahinang tinig. Tumingin s'ya sa akin at gayon din si Josh na kalapit lang n'ya.
"P'wede mo bang tingnan si Nathan, nag-iiba na ang hitsura n'ya ganoon din ang napansin ko kay Emon kanina bago s'ya magpaalam na matutulog." Paliwanag ko kay Eerie. Tumingin si Eerie kay Josh na parang nagtatanong at humihingi ng kumpromiso. Tiningnan naman ni Josh si Nathan at tumango nalang ito kay Eerie bilang pag-sang-ayon.
"Thank You Eerie, Josh." Sambit ko sa dalawa at lumipat kami sa may tabi nila Nathan, Jay at Ram para makita ni Eerie ang binti ni Nathan. Pinilas ni Ram ang manipis na pantalon ni Nathan para makaginhawa na din ito sa kanya at makitang mabuti kung saan banda ang sumasakit at kung ano ang itsura nito dahil may butas at maliit na pilas na iyon ay hindi na nahirapan si Ram.

Namumula na ang palibot ng sugat niya at namamaga na rin iyon, may lumabas na katas sa loob nito na parang madilaw at may kasamang bahid ng dugo napansin din namin na lumalaki ang sugat nito.
"Anong pakiramdam mo?" Tanong ni Eerie dito ng idinampi niya ang likod ng kamay sa may parteng namamaga.
"P-parang n-nasusunog sa init, ang sakit, s-sobrang sakit." Pautal-utal na sabi ni Nathan.
"Nanginginig na ang kalaman mo?" tanong ni Eerie. Sumagot si Nathan ng "oo" habang hawak ang binti.
"Base sa itsura ay maaaring tuklaw ito ng ahas at sa nararamdaman mo ay pwede kang maparalisa, worst ay mamatay, kung hindi n'yo nakita ang kumagat sayo ay mahirap matukoy kung anong ahas iyan pero ang sigurado ay mapanganib ang ahas na tumuklaw sayo."
"I-ibig mong s-abihin anumang oras ay m-mamamatay na ako?" Tanong ni Nathan na may halong takot at pag-aalala. Tumango si Eerie dito bilang tugon.
"Tang-ina mauubos tayo dito." sabi ni Ram
"Wala ba tayong pwedeng gawin para bumagal ang epekto ng venom." Tanong naman ni Jay.
"Kung naagapan ito agad ay maaari pa sana, pero sa itsura ni Nathan ay kumalat na ang lason sa katawan n'ya." Saad pa ni Eerie.
"Kung tiningnan mo na agad kanina edi sana nagawan pa natin ng paraan!" Galit na paninisi ni Ram kay Eerie. Nagulat naman kami sa sinabi nito, dahil wala namang kasalanan si Eerie doon.
"Tang-ina Ram nag-iisip ka ba?!" Sabad ni Josh sa kanila nang hindi na nakapagtimpi dahil sa paninisi ni Ram kay Eerie.
"Napakaselan n'yong dalawa mga gago! Kung hindi kasi kayo nag-iinarte edi sana kanina pa natingnan yang sugat na yan!" Singhal ni Ram kay Josh at sa sobrang galit ay nasuntok ni Josh si Ram pero hindi ito natinag at nakaganti ito kay Josh ng suntok. Agad namang inawat ni Ely at Jay ang dalawa na talagang hindi pa sana titigil, pinaglayo muna ang mga ito. Balik ulit kami sa dating mga mga pwesto med'yo mainitin na ang ulo ng lahat at nagkakapikunan na kanina pa.

"Bumaba na ng tayo ng bundok, ayokong hintaying mamatay ako dito." Mahinang sabi ni Nathan. Napatingin naman kami sa kanya na nakatungo sa pagkakaupo at tinitingnan ang binti na patuloy ang paglaki ng sugat. Wala pa ring nagsasalita sa bawat isa.
"B-bumaba n-na t-tayo, ayokong m-mamatay dito." Ulit ni Nathan at nanginginig na ang boses na parang naiiyak.
"Delikadong bumaba ngayon, napakahirap pa ng sitwasyon natin." Sabi ko sa mahinahong boses at hinawakan ako ni Ely sa balikat.
Sa totoo lang ay kalmado pa kaming lahat dahil kung gaya sa mga pelikula ay hindi na namin alam ang gagawin at nagkakagulo o naghiwa-hiwalay na kami, hindi ko alam kung maghihintay nalang ba kaming mag-umaga o isa-isang mamatay dito.

"Maghati na tayo sa dalawang grupo." Wika ni Jay.
"Tutal hindi naman na magkaka-ayos kung buo tayong lalakad lalo't may tensyon sa pagitan." dugtong pa ni Jay at alam naman namin ang ibig niyang sabihin.
"CK and I will stay here and wait for the others, baka may bumalik sa kanila." Ani Ely, nagulat naman ako at napatingin sa kanya at parang sinasabi ng mga tingin n'ya sa akin na pumayag ako na magpaiwan din. Nag-isip ako saglit, delikado naman talaga ang pumasok sa gubat lalo sa sitwasyon namin ngayon at posible nga rin na may bumalik pa na mga kasama namin at isa pa si Aga, nasaan s'ya saulo n'ya ang gubat at taga rito s'ya kaya alam n'ya kung ano ang mayroon sa gubat na ito. Kailangan namin s'yang makita at nasisigurado ko na makababalik s'ya dito sa camp site.

"Sige magpapaiwan kami, mas may posibilidad tayong mabuhay kung may makababa para makahingi ng tulong. Maghihintay kami rito baka bumalik ang iba, lalung-lalo na si Aga alam n'ya ang pasikut-sikot sa gubat at kung ano ang nandito kaya nasisigurado ko na buhay pa s'ya."
Napatingin si Jay sa akin at parang may pumasok bigla sa isip n'ya.
"Hindi nga kaya si Aga ang may kagagawan ng lahat ng ito? Kanina sa ilog ay parang nagbanta siya tungkol sa huling beses ng paliligo at kanina noong parang hinahamon n'ya tayo na gumawa ng bawal." Ani Jay.
"Malaki ang posibilidad dahil siya ang tagarito." Sang-ayon ni Red.
"Napakababaw na dahilan noon para isa-isahin n'ya tayo." Wika naman ni Josh.
"May punto din naman si Josh, ano ang pwedeng motibo niya kung sakali." Napaisip na sagot ni Jay.
"Tsinelas ni Emon ng nakita natin sa palibot ng puno kung saan naandon ng bangkay ni Maye." paalala naman ni Ram na lalong nagpagulo sa bawat sitwasyon at dahilan din para maalala ko ang nangyari sa gubat noong nangahoy kami.
"K-kanina sa g-gubat-" nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang sasabihin.
"What is it, CK?" Tanong ni Ely sa akin.
"Ituloy mo na iyan, wala ng taguan ngayon kung ayaw n'yong maubos tayo." Sabi naman ni Ram.
"Sa gubat noong itinatayo n'yo yung mga tent tapos nanguha kami ng kahoy, nakita ni Maye si Tatay Matt sa gubat at kaya rin ako na-injured ay dahil nga sa sobrang pagtataka at takot n'ya ay napatakbo kami ng may kumaluskos sa gubat pero ang sabi daw ni Aga ay huwag ng sabihin dahil maaaring nagkamali lang s'ya dahil hindi nakita ang mukha nito. " Paliwanag ko.
"So maaaring si Tatay Matt ang may pakana ng lahat ng ito?" Tanong ni Ram.
"Pwedeng oo dahil walang nakakita sa atin na umalis s'ya kanina bago tayo umakyat." Ani Jay.
"Pero bakit gagawin ni Tatay Matt iyon." Tanong ko na alam naming hindi masasagot.
"Kagabi noong nasiraan tayo nakita ko si Mang Matt sa side mirror na parang may kinuha o pinuntahan sa dilim, bago s'ya kumatok sa bintana, hindi ako sigurado pero para s'yang may kinausap." Saad naman ni Eerie.
"Ikaw Ram, nasabi mong kung mamatay tayo ay ikaw lang ang matitira dahil ikaw ang papatay sa amin." Wika ni Josh na kinagimbal ng lahat.
"Malabo iyan kanina ko pa kasama si Ram at hindi siya nawawala sa paningin ko." Sagot naman ni Jay at ipinagtanggol si Ram.
"Hindi kaya magkakasabwat lang kayo?!" Tanong ni Josh na parang may halong pagbibintang.
"Tang-inang utak yan!" Pikon na sabi ni Ram.
"Stop it! Hindi na nakakatulong." Awat naman ni Ely sa dalawa.

"Bawat maliliit na detalye ay mahalaga, kaya dapat ipaalam sa bawat isa iyon, pero mag-ingat pa rin tayo sa binibitawan natin " Ani Jay na may punto naman ang sinasabi.
"Si Aimee med'yo weird s'ya manalita at mapapansin na may laman ang mga iyon at wala s'ya ngayon. Wala tayong kasiguraduhan sa lahat ng wala lalo't hindi natin nakikita ang katawan nila." Dugtong pa ni Jay.
"Mahirap magsalita pero may punto naman lahat ng sinasabi ninyo at ang pinaka-mahirap ngayon ay magtiwala sa isa't-isa." Sabi naman ni Ely na tumingin ng makahulugan sa akin.
"Ang mahalaga ngayon ay makaligtas tayo at makauwi pa." Sabi ni Nathan na natatakot para sa sariling kaligtasan.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now