Chapter 4: Touch down Sacred Mountain

0 0 0
                                    

Makalipas ang halos dalawang oras pa ay tumigil na si Tatay Matt. Sinabi n'yang: "Nandito na ho tayo." kasunod ng isang ngiti.
Sumikat na rin ang araw, naka-idlip pala ako matapos makipag-usap dito sa kalapit ko. Binubuksan ko ang bag ko para kuhanin ang cellphone ko at tingnan sana kung anong oras na.
"Rise and shine, Clumsy!" Bulong ng katabi ko sa akin hindi ako makalingon dahil hindi pa s'ya lumalayo kahit kaunti.
"It's already Past 6 oclock." dugtong nito at bahagya nang lumayo.

I feel like his reading my mind, napakunot ang noo ko. Binabasa n'ya ba ang iniisip ko o halata lang talaga sa kinikilos ko yung bago ko pa lang gagawin? Nagtatakang tanong ko sa isip ko. Naramdaman kong nakatingin pa rin s'ya sa akin at parang sinusubaybayan ang kilos ko, bigla akong humarap sa kanya at nagkibit-balikat lang s'ya and he smirk a little. Lalong kumunot ang noo ko sa kanya.
"Ateng! pwede nang lumabaaaas, gora naaa. " Wika ng babaeng katabi nitong lalaking nakasalamin.

Nakita kong med'yo napa-iling itong mataba ang pisngi na nakaupo sa parteng likuran ko. Kaagad kong binuksan ang pinto at humakbang palabas. Nakapikit akong dinama ang sikat ng araw na hindi pa masakit sa balat at suminghot ng sariwang hangin.

"Whoah! This is great!" Manghang-manghang saad ni ate mo girl na alam n'yo na. Hay nako! sana makapagpakilala na ang bawat isa para naman nasasabi ko na dito yung mga pangalan namin di'ba.

"The view." Wika naman ng lalaking kasama noong mukang half foreign kagabi.

Halos lahat naman kami ay namangha sa nakikita namin, nasa paanan kami ng isang napakataas na bundok sobrang ganda ng paligid, sobrang sarap ng simoy ng hangin.

"eeeeee... Aakayat na tayo, OMG! I'm so fuckin' excited!" parang kinikilig na sabi nitong kalapit kanina noong lalaking nakasalamin.

"Ang taas pala talaga n'ya!" Saad naman nitong lalaking may hawak ng gitara na ang tinutukay ay ang bundok.

Nakita ko si Tatay Matt na tinawag noong lalaking nakasalamin at tinanong kung saan ito pupunta.
"A- e- dito lang ho sa registration area para maka-akyat na ho kayo at makakuha na rin ako ng tour guide na makakasama ninyo." Sagot ni Tatay Matt

"Ho? Hindi ho kayo kasama sa pag-akyat?" Nagulat kong tanong at sabad sa kanila.
"Nako! Ay hindi nga e, hehe di'ba sinabi ko sa inyo kagabi bago tayo bumiyahe at matatagalan lang ho kayo kung kasama ako, saka hirap na rin ho kasi akong umakyat ng bundok lalo't ganyan kataas." Sagot niya sa tanong ko.
"Huwag ho kayong mag-alala e talaga namang mababait ang mga tour guide dito at sila talaga ang karaniwang kasama sa pag-akyat sa bundok. Basta susundin n'yo laang s'ya at 'wag kayong lalabag sa mga palatuntunin." Wika pa niya.
"Huwag din kayong mag-alala at ako ang maghahatid sa inyo sa b'yahe pauwi kapag nakababa na kayo." dugtong pa niya.

Napatango ang ilan sa amin at sinang-ayunan nalang iyon. Tumuloy na si Tatay Matt sa paglalakad papunta sa isang kubo na registration area doon. Kanya-kanya ng ginagawa ang iba sa amin, kinuha ang kani-kanyang mga camping bag sa pinakalikurang parte ng van, ang iba ay kumukuha ng litrato at ang iba ay tumitingin-tingin sa paligid.

Ilang saglit pa ay bumalik na si Tatay Matt sa aming p'westo kasama ang isang lalaking halos kasing edad namin o siguro ay matanda lang ng ilang taon, Sa tantiya ko ay nasa 5'6 ang height nito, kayumanggi ang balat at matangos ang ilong at may pagka-chinito.

"Mga bata, ito si Aga buti at naandito s'ya, s'ya lagi ang kinukuha kong tour guide kapag may inihahatid ako rito. Mabait din itong batang ito at matagal na rin s'ya sa trabahong ito, s'ya na ang bahala sa inyo ha." Wika ni Tatay Matt sa amin na nakangiti. Nakangiti rin itong si Aga at tiningnan kami isa-isa, iniabot nya sa amin ang tag-iisang ID na may kanya-kanyang numbers para isuot sa leeg. Pero walang nagsusuot nito,
"Makikisuot nalang po ang mga iyan, bago naman po ang mga ID lace niyan at wala pang nakakapag-suot. Nag-provide po kami ng kanya-kanyang gan'yan dahil ang akala nga ng iba ay kung sinu-sino na ang nagsusuot niyan, pero dito po sa amin ay sa inyo na iyan at hindi n'yo na kailangang ibalik, ang mahalaga lang po ay hindi iyan mawala dahil palatandaan po iyan na kayo ay mga bisita dito sa aming bundok, tanda rin po iyan ng bilang ng mga umaakyat sa bundok, ipapakita ninyo lamang po iyan kapag nakababa na para makumpirma sa registration na tapos na ang pag-stay ninyo sa bundok."
Pagkasabi noon ay agad tumingin yung katabi ni Tatay sa numero ng kanyang ID (number 60). Nakita rin ito ng lalaking nakasalamin,
"So you mean, kami ang last batch na aakayat today?" Tanong nito.
"Opo, alam n'yo po pala na may bilang din ang pinapa-akyat namin dito?" tugon at tanong ni Aga.
"Yeah, I searched a little." Maiksing tugon ng lalaking nakasalamin.
"Ang tatlong batch po na nasa bundok ay pababa na ngayong araw kaya tatlo nalang po kayong batch na matitira d'yan, nakaakyat na po ang iba, halos dalwang oras ang pagitan ninyo nang dumating." dugtong ni Aga. Tumango naman ang ilan sa amin.

"Makiki-ayos na ho ang inyong mga dalahin at saglit ho tayong pumunta doon sa malaking puno at may mga sasabihin lang ho akong mga importante bago tayo umakyat sa bundok." Saad pa nito.
Kinuha ng ilan sa amin ang mga gamit nila sa likod ng sasakyan at kaming mga unang nakakuha ng gamit kanina ay tumungo na sa malaking puno na itinuro ni Aga.

"Stop following me!" Narining kong sabi ni ate mo girl na alam n'yo na sa matangkad na lalaking laging nakabuntot sa kanya. Hindi ito nagsalita at sumagot sa babae ng makita n'yang nakatingin ako sa kanila. Ewan ko ba napaka-chismosa ko ata (hehe) pero hindi talaga, kasalanan ko bang mapagmasid ako sa mga malapit sa akin.

ilang sandali pa ay naandito na sa malaking puno ang lahat,
"Magpapakilala po ako ulit sa inyo, ang pangalan ko po ay Aga. Ipapaalam ko lang sa inyo na:
1. Bawal magkalat sa bundok. Wag magtapon ng basura.
2. Huwag na huwag mag-iingay ng sobrang lakas sa gabi.
3. Huwag mag-iiba ng trail. May daan tayong sinusunod.
4. Ang mga gamit na hindi importante ay iwan na sa kubo.
5. Walang signal ang kahit anong gadget sa bundok.
6. Bawal nang kumuha ng mga litrato kapag gabi na.
7. Bawal kumuha ng kahit anong makikita roon.
8. Bawal pumatay ng mga hayop.
9. Huwag na huwag hihiwalay sa mga kasama
10. At pinakahuli ay mag-iingat.
Pakatandaan n'yo ho sana iyan. May mga katanungan pa po ba kayo? Tanong ni Aga sa amin.

"Delikado ba sa bundok na iyan?" Parang wala ako sa sarili ng ibato ang tanong na iyon. Biglang napatawa ang ilang babae at lalaki naming mga kasama.
"Ang ibig n'yang sabihin ay p'wede ba kaming mamatay kung may lalabagin kami sa mga 'yan?" Saad nang babaeng kalapit kanina no'ng lalaking mataba ang pisngi at seryoso ito sa pagkakasabi doon. Biglang napatigil sa pagtawa yung ibang kasama namin na napatawa sa tanong ko.
"Sa tagal ko na pong nagtatrabaho bilang tour guide ay may mga pagkakataon na may napapahamak talaga dito sa bundok. Basta sundin ninyo nalang po ang aming mga patakaran para sa kaligtasan ng ninyong lahat." Sagot ni Aga.
"Is it real na may mga NPA sa bundok na iyan?" Tanong ng lalaking mataba ang pisngi.
"Hindi ko po iyan masisigurado dahil hindi namin iniikot ang kabuuan ng bundok, ang napupuntahan lang po namin ay ang mga camping site." Paglilinaw ni Aga.
"Ipunin n'yo lamang ho muna ang mga tanong ninyo, mamaya po pagpapahinga natin ay sasagutin natin ang mga iyan." Saad ni Aga.
"Kung wala na po kayong iiwanan dito sa paanan ng bundok ay maari na tayong umakyat." Pagtatapos niya sa aming usapan.

Halos lahat ay nakaramdam ng excitement ng marinig iyon, kaya't dali-daling naghanda lahat para sa maghapong pag-akyat sa bundok.
Nakita kong nakatanaw lang si Tatay Matt sa amin nang paakyat na kami kumaway ako sa kanya upang sabihin na paalam.
"Ingat kayo, mga bata!" Paalalang sigaw nito sa amin bago kami pumasok sa gubat.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now