Chapter 7: Before the Night begins

0 0 0
                                    

Dahan-dahan kong tiningnan ang parte ng gubat kung saan s'ya may itinuturo at laking pagtataka ko rin ng wala naman akong makita doon. Iginala ko pa ang mga mata ko pero wala talaga akong makita bukod sa  mga puno pa at ligaw na mga halaman.
"Maye? Ano ba iyon?" Mahina kong tanong sa kanya.
"Nakita ko si Mang Matt." Parang wala sa sariling saad n'ya sa akin nang lumingon.
"Nakita ko si Mang Matt naglalakad s'ya diyan." Dugtong nito at itinuro ang gubat.
"Pero iniwan natin si Tatay Matt sa paanan ng bundok." Mahinahon kong sagot sa kanya.
"Sigurado ako Ck, s'ya iyon." Aniya sa akin at muling lumingon sa gubat. Bigla kaming napasigaw sa isang mabilis na nilalang na hindi namin nakita sa isang masukal na parte ng gubat. Parang papalapit ang direskyon nito papunta sa amin. Napakalakas ng sigaw ni Maye bago kami tumakbo palayo pero nakaka-ilang hakbang palang ako ay natapilok ako sa hindi pantay na lupa. Naiwan na ako ni Maye na hindi pa nakatatayo, sigaw siya ng sigaw mabuti nalang ay alam ni Ely kung saang direksyon ako nagpunta noong sinundan ko si Maye kaya natunton n'ya kami agad. Hinawakan n'ya sa balikat si Maye at luminga-linga sa paligid, narinig kong nagtanong si Ely kung nasaan ako at doon lang tumahimik si Maye,
"N-asa likod ko s'ya." Wika niya na nanginginig.
"Par." Tawag ni Ely sa kasama na kasunod lang din n'ya at inihabilin si Maye dito.
Tinawag ako ni Ely at agad naman n'ya akong nakita nang sumagot ako sa kanya dahil hindi naman kami masyadong nagkalayo ni Maye.
"What happened?" Tanong n'ya sa akin at yumuko para maalalayan ako.
"Napilayan ata ako, hindi pantay ang lupa na naapakan ko kaya ako natumba." Sabi ko sa kanya na hindi makatingin sa mukha nito dahil med'yo malapit iyon sa akin at talagang naiilang ako.

"Elyyyyyy.....!?" Narinig naming sigaw ni Aga makalipas ang ilang minuto.
"We're here!" Tugon nito at inalis ang tingin sa akin.
"Let's go." Mahinahon n'yang pag-aakit sa akin. Sinubukan kong tumayo nang inilahad n'ya ang kamay sa akin. At sa unang subok ay bigla kong naramdaman ang matinding sakit sa kanang paa ko nang iapak ko ito kaya bigla nalang akong natumba pero napakaliksi ni Ely, agad n'yang nahawakan ang baiwang ko nang itinaas niya ang isa kong kamay na inaalalayan nya, saglit akong natigilan at ramdam ko na namumula ang mukha ko, hindi ko alam kung dahil ba sa hiya, kaba o kilig.

"You smells good." Saad n'ya sa akin nang binalot kami ng katahimikan. Lalo akong nahiya at sinabi ko sa kanya na tanggalin na ng pagkakahawak sa baiwang ko. (Napaka-weird ng sinabi n'ya sa akin, sa ganoong tagpo.) Sa isip-isip ko. Pero agad din ay inalis n'ya ang kamay n'ya at ako nalang ang kumapit sa braso n'ya.

"She sprained her ankle." Saad nito nang makitang nasa likuran  ko na sila Aga at Maye.
"Tsk!Tsk! Sige tara na muna at bumalik na tayo sa camp site." Ani Aga.
"Let's go, Clumsy." Pag-aaya ni Ely sa akin. Pahakbang na sana ako ng magsalita s'ya ulit.
"Can you walk? Come, I'll—" pinutol ko na ang sasabihin pa sana niya.
"H-hindi. Maglalakad ako." Sagot ko sa kanya at nagpa-alalay nalang ako sa paglalakad kahit gustong-gusto ko na sanang magpakarga sa kanya, pinigilan ko talaga ang sarili ko dahil nakakahiya sa iba naming mga kasama at feeling ko ay ang taba-taba ko.
"I can carry you." Ani Ely sa akin at napatingin naman ako sa kanya. (Binabasa nanaman niya ang nasa isip ko?) Tanong ko sa isip ko habang nakatingin ako sa kanya at umiling bilang sagot sa sinabi n'ya. Ngumiti ulit si Ely at nagpatuloy na sa paghakbang habang naka-alalay sa akin.

Nasa likuran lang ni Aga si Maye at hindi pa nagsasalita, dinaanan namin ng mga kahoy na naipon namin kanina at bunuhat iyon ni Aga, nagdala rin si Maye ng kaya niyang dalhin si Ely naman ay patuloy na naka-alalay sa akin.

"Shit! Anong nangyari sa inyo?" Si Ram ang unang nakakita samin at agad s'yang lumapit para umalalay din sa 'kin, maya-maya ay kasunod na n'ya si Emon na nag-aalala rin. Si Jay at Josh ay sumunod para tumulong sa pagbibitbit ng kahoy, narinig ko rin n tinanong ni Jay si Maye kung ano ang nangyari pero hindi ito sumagot at umiiling lang.

Pinaupo nila ako sa may nakahigang kahoy na parang ginawa talagang upuan doon.
"Hey Girl! What happened?!" Sigaw ni Izzy habang nag-aayos ng tent kasama ang iba pa.
Umiling naman si Maye nang makitang sa kanya ito nakatingin at nakita kong bahagya itong ngumiti.
"Ck sprained her ankle."  Ani Maye.
"Ouch!" Sagot ni Izzy na parang nasaktan din.
Pagkatapos marining ni Eerie na naliay ang paa ko ay nagpunta ito sa kanyang bag at may kinuhang first aid kit saka lumapit sa amin.
"Akin na ang paa mo, hihilutin ko at lalagyan ng gasa." Sabi ni Eerie at naupo sa may tapat ko.

"Tara na, ayusin na natin yung iba pang tent." Saad ni Jay nang makumpirma nilang ayos lang kami.
"Para matapos na." Dugtong pa ni Nathan.
Umalis na nga sila at kaming tatlo nalang nila Maye ang natira doon na nakaupo. Nagsimula ng magpalingas ng apoy ni Ely at Aga, sina Aimee at Izzy naman ay nag-asikaso na ng ilang lulutuing pagkain.

"Kaya n'yo na iyang tent, ok. Magluluto na kami." Paalam ni Izzy kay Jerry at binitawan na nga ang Tent na kapit nila.

Masakit ang pagkakahawak ni Eerie sa paa ko habang hinihilot n'ya iyon ay napapa-angat ako sa pagkakaupo. Napansin ko rin na pasulyap-sulyap s'ya kay Maye na hindi pa rin nagsasalita. Nang binabalutan na ni Eerie ng gasa ang paa ko ay tinanong ko si Maye kung ayos na ba s'ya.

"Yeah, I'm good." Sagot n'ya sa akin.
"Ano ba kasi ang nangyari sa inyo?" Tanong ni Eerie sa amin.
"Kanina kasi sa gubat nak—" Pinutol ni Maye ang sasabihin ko at s'ya na ang sumagot sa tanong ni Eerie.
"I saw a unfamiliar kind of bird, kaya sinundan ko s'ya kayalang sumunod pala sa akin si Ck at hindi n'ya napansin ang lupang naapakan n'ya ay hindi pantay kaya s'ya natapilok." Paliwanag ni Maye dito. Napatingin naman ako sa kanya at nagtataka kung bakit hindi n'ya sinabi ang totoo. Binalot ulit kaming tatlo ng katahimikan.
"Next time you should be more careful." Maiksing sabi ni Eerie sa akin ng matapos n'yang lagyan ng balot ang paa ko.
"Huwag ka munang mas'yadong maglakad para hindi map'wersa ang paa mo. Bukas ay maayos na siguro iyan." dugtong pa ni Eerie bago tumayo at itabi ang gamit n'ya.

Naiilang ako sa kinikilos ni Maye hindi s'ya ganito katahimik, madaldal s'ya at maingay pero bigla nalang nagbago simula kanina noong may nangyari sa amin sa pangangahoy at dahil wala akong mahagilap na sasabihin ay tinanong ko nalang s'ya kung bakit iba ang dahilan na sinabi n'ya kay Eerie.
"Maye, bakit hindi mo sinabi kay Eerie ang totoo?" malumanay kong sabi.
"Aga asked me if I saw Mang Matt's face—" putol na sabi n'ya sa akin.
"Then?" I asked her.
"I didn't." (Maye)
"Hindi ka sigurado kung s'ya 'yon?" (me)
Saglit na katahimikan ulit ang bumalot sa amin.
"Aga told me na baka daw kasama ng ibang campers yung nakita ko. Pasensya kana dahil sa' 'kin napilayan ka pa tuloy."
"Hindi, ano ka ba?! Lampa lang talaga ako hehe." Sabi ko sa kanya at bahagyang natawa. Ngumiti naman s'ya sa akin pero alam ko na parang napipilitan lang at nagpaalam na tutulong muna sa pagluluto kila Aimee at Izzy at tumayo na rin ito agad na parang ayaw talaga niya itong pag-usapan.
Naiwan akong nakaupo sa kahoy na iyon at pinapanuod lang sila sa pag-aasikaso.
Siguro ay nakapag isip-isip si Maye na baka nga tama si Aga dahil hindi naman pala n'ya nakita ang mukha ng lalaki na inakala n'yang si Tatay Matt. Pero base kasi sa reaction n'ya kanina ay parang nakasisigurado siya takot na takot pa nga ito at parang takang-taka. (Sa isip-isip ko.)

Hindi ko na namalayan na nakalapit na pala si Ram sa akin at nagtanong s'ya at naupo.
"Ok kana?" Tanong niya na nakatingin sa paa ko na may balot ng gasa.
"Oo, medyo ayos na. 'wag lang daw mas'yadong galawin para mabilis gumaling sabi ni Eerie."
"Oh, I see." Ani Ram.
Maya-maya ay kasunod na nito si Emon at naupo sa gitna naming dalawa. Kay Ram muna ito humarap at nagtanong:
"Bakit?"
"What?" Tanong na sagot ni Ram na parang nailang. Bigla namang natawa si Emon sa expression ng mukha ni Ram.
"Tanga?!" Saad ni Ram na parang medyo naasar at tumayo na sa pagkaka-upo. Tama ako na hindi mahaba nga ang pasensya ni Ram at madalas ay umiiwas nalang s'ya bago tuluyang mapikon.

"Tapos na kami sa lahat ng tent." sabi ni Emon ng humarap ito sa akin.
"Ah.." sagot ko at tiningnan ang mga tent, bali 7 ang lahat ng mga ito.
"By two's tayo para hindi masyadong masikip at makakatulog pa ng maayos." sabi ni Emon sa akin.
"uhmm... Ok." maikli kong sagot sa kanya.
"Tabi tayo dun sa isang tent ha." Saad nito sa akin na nakangiti at medyo natatawa. Nagulat naman ako at hindi agad nakapagsalita. 7 silang lalaki at 5 kami na babae kaya hindi nga sakto ang hati. Hindi ko na naibilang si Aga dahil hindi naman s'ya kasama sa byahe namin.
"Gago ka talaga!" Biglang sabad ni Ram na narinig pala ang sinabi ni Emon, mabilis n'yang inipit ang leeg nito sa ulo n'ya at itinayo.
"Halika na nga rito! Magligpit na tayo ng ibang kalat." Saad ni Ram na parang napipikon. Tawa naman ng tawa si Emon dahil sa itsura nito.

Nagmasid nalang muna ulit ako sa paligid at matatapos na ang lahat sa ginagawa nila. Nag-asikaso na din ng mas marami pang kahoy si Aga sa tulong ni Ely, Josh at Nathan para daw ito sa bonfire mamayang gabi.

Matatapos na rin sa pagluluto sila Izzy, Aimee at Maye na tinulungan na rin ng iba. Sinabihan din ni Aga ang ibang lalaki na kumuha ng dahon ng saging doon sa malapit lang at natatanaw rin naman para masarap daw ang kain namin ng hapunan.

Nakatutuwa silang lahat pagmasadan. At masaya rin ako sa experience na ito dahil first time ko talagang magbakasyon sa bundok na hindi kakilala ang mga kasama. Napapangiti pa ako sa mga iniisip ko ng sandaling iyon at nasabi ko na sana, sa oras na magkahiwa-hiwalay kami at umuwi na sa kanya-kanyang mga lugar ay magpatuloy pa rin ang pagkakaibigan na nabuo namin dito sa Mt. Sacred.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now