Chapter 5: Beauty Inside the Forest

0 0 0
                                    

Makalipas ang ilang oras na paglalakad ay med'yo napapagod na ako, nauna na rin yung ibang nasa likuran ko kanina. Well alam naman namin na hindi aakyatin itong bundok hanggang sa tuktok ano, dahil wala pang naka-aakyat doon at hindi iyon kayang akyatin ng tatlong araw lang. Ang ipinunta ko dito ay peace of mind and to rest, magrelax sa loob ng ilang araw. Mag-camping sa bundok na may talon at makinig sa musikang nagmumula sa kagubatan.
Tumigil ako saglit at humawak sa isang puno. Napapagod na talaga ako, med'yo mainit na rin ang pakiramdam ko.

"Ano taba? Pagod kana? Weak." Pang-aasar sa akin ng lalaking mataba ng pisngi. Nilingon ko s'ya at sa isip-isip ko ay (mas mataba ka pa sa akin mapapagod ka rin.) Nilampasan naman n'ya ako na ngumiti pa nang nakakaloko.

"Kaya pa girl?" tanong naman ng babaeng kalapit sa saksakyan noong lalaking nakasalamin. Ngumiti lang ako ng bahagya sa kanya bilang tugon bago s'ya lumampas.

"First time?" Saad naman ng lalaking medyo tahimik na kasama noong mukang half foreign kagabi. Umiling ako dito bago s'ya lumampas.

"Mababawasan ang baby fats mo niyan, baby girl." Pang-aasar din nitong lalaking mukang half foreign sa akin nang lumampas s'ya.
"Hmm." Saad ko dito at ngumiwi. Mabuti na lamang at nauna na yung iba pa naming mga kasama. Kinuha ko yung dala kong thumbler sa gilid ng camping bag at uminom.
"Pagod kana, Clumsy?" Nilingon ko ang lalaking kanina pa tumatawag sa akin sa ganoong pangalan.
"Hindi pa, nauuhaw lang ako at hindi clumsy ang pangalan ko! ok?!" Sagot ko dito sa med'yo mataray na tono. Gulat na gulat ako ng tumawa s'ya nang mahina, naitaas ko ang isa kong kilay sa kanya na para bang naiinsulto. Tumigil naman s'ya sa pagtawa.
"I didn't mean to insult you—  My name is Ely." Pagpapakilala n'ya at pormal paglalahad ng kamay. Hindi naman ako agad tumugon sa kanya at maya-maya ay tinanong n'ya ako kung ano nga ba ang pangalan ko.
"I'm CK." Maiksi kong tugon sa kanya at inilahad din ang kamay ko.
"Let's go." Sabi ni Ely at bahagyang hinigit ang kamay ko.
"Una kana, sa likuran mo ako." Dugtong n'ya pa.

Napansin ko nalang na nakatingin pala ang ilan sa amin mula sa taas.
"Ayiiee!" Pang-aasar no'ng isang babaeng maingay.
"Parang mga ewan!" Sabi no'ng lalaking mataba ang pisngi.
"Kayo nalang po ang hinihintay mamaya n'yo na ituloy ang pagpapakilala sa isa't-isa."  Pang-aasar din na wika ni Aga sa amin.

Hiyang-hiya akong napatungo habang naglalakad pataas. Napansin kong nagdirty-finger si Ely at gayon din yung lalaking mataba ang pisngi.
"Hindi ho ba kayo magkakapikunan kapag ganyan? Hehe." Puna ni Aga sa mga ito.
"Hindi naman siguro kuya, Their pasensya is mukang mahaba naman." Tugon dito ni ate mo Girl.

Nang malapit na kami ay bumalik na sila sa paglalakad.
Maka-ilang oras pa ay tumigil muna kami sa isang damuhan na may malapit na ilog para kumain ng tanghalian. Binanggit naman iyon ni Tatay Matt sa amin kaya may mga dala kaming ready to eat na pagkain.

Naghanap kami ng kanya-kanyang p'westo para kumain napasin kong ang iba ay parang nagkakakilanlan narin. Ang halos palaging magkakasama ay si Ate mo girl at yung matangkad na lalaki, yung nakasalamin at medyo maingay na babae, yung mataba ang pisngi, may gitara at yung mukang half foreign at nang-prank noong gabi ang magkakasama. Dumidikit rin naman yung dalawang babae sa karamihan pero hindi sila gaanong nagsasalita at s'yempre sino pa ba edi kami nitong si Ely dahil lagi s'ya sa likod ko at sa aming lahat naman ay nakikisama rin si Aga.

Habang kumakain ay inilibot ko ang aking tingin at manghang-mangha akong mapagmasadan ang paligid, puro green iyon at wala kang ingay na maririnig bukod sa mga huni ng ibon at tunog ng mga dahon at sanga puno, bukod pa sa simoy ng hangin na parang bumubulong. Napakasarap talaga sa pakiramdam kapag nasa ganitong klase ng lugar.

"Hi, baby girl!"  Wika nitong mukang half foreign na nakatingin sa akin. Napangiwi naman ako sa kanya at nagpasalamat nalang sa inaalok n'yang pagkain para sa akin. Napansin kong nakakunot ang noo ni Ely at tumayo na sa pagkakaupo dahil tapos na s'yang kumain. Napapangiti naman itong si Aga sa amin. Naupo sa kaharap namin itong mukang half foreign at nagpakilala,
"Ako pala si Emon." Kay Aga s'ya unang nakatingin at lumingon bigla sa 'kin at ngumiti.
"CK po." Maiksing tugon ko nang maramdaman na iyon ang hinihintay n'ya. Nakangiti pa rin s'yang nakatingin sa akin at med'yo naiilang na 'ko talaga lalo na noong inaabutan n'ya ako ng pagkain. Napapailing nalang ako sa sobrang hiya lalo na no'ng napansin kong parang nakatingin ang lahat sa amin. Buti nalang at pinuntahan s'ya nitong lalaking mataba ang pisngi at sinundo.
"Akin nalang 'yang pagkain mo kung ayaw mo na, gutom pa ko." Sabi nito at kinuha agad yung hawak nitong lalagyan tumingin s'ya sa akin bago umalis, agad s'yang hinabol ni Emon at sinabing:
"Hoy Ram! Hindi pa ako tapos! akin na 'yan!"
Bumalik sila sa p'westo nila kanina na hindi rin naman malayo sa amin.
Ram pala ang pangalan nitong medyo mataba na mukang mainitin ang ulo.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now