Chapter 14: Judas Kiss

0 0 0
                                    

——————————————————————
(Camp Site)

Humahangos si Aga ng sumulpot sa harapan namin galing sa madilim na parte ng gubat.
"Halika na kayo!" Bilisan n'yong kumilos sundan n'yo ako kung gusto n'yo pang makababa ng bundok at mabuhay. " Hinihingal niyang sabi sa amin at bakas sa mukha ni Aga ang takot. Napatayo naman agad kaming apat at walang anu-ano ay sumunod sa kanya na patakbong tinungo ang kaliwang parte ng gubat. Magkasabay na takbo lakad si Josh at Eerie, inaalalayan naman ako ni Ely.

Nadaanan namin ang puno kung saan kanina ay naandon lang ang katawan ni Maye pero ngayon ay wala na ito.
"N-nasaan ang bangkay ni Maye?" Nanginginig at takut na takot na tanong ni Eerie. Napatigil naman kami nila Josh at Ely at tiningnan ang puno at wala na nga ang katawan ni Maye dito na kanina lang ay nakasabit.
"Huwag kayong maingay at magpatuloy na tayo sa paglalakad." Mahinang sabi ni Aga na hanggang ngayon ay hindi pa sinasabi ang dahilan ng pagkawala niya at kung sino o ano ang humahabol sa amin. Hahakbang na sana ako ulit ng maapakan ko ang isang matigas na bagay na parang medyo malaking bato na muntikan ko nang ikatumba mabuti na lang at nahawakan agad ako ni Ely, napatingin kami sa lupa, gayon din sila Josh at Eerie na kasunod lang namin, mula sa sinag ng buwan ay nakita namin ang isang katawan na base sa damit nito ay si Maye iyon, halos wala na s'yang dugo at kulubot na ang mga balat na parang dumikit na sa buto.  Napa-urong ako sa takot at gayon din si Josh at Ely, napasigaw naman si Eerie sa sobrang pagkabigla at agad tinakpan ni Josh ang bibig nito nang marinig namin si Aga na nagsalita:
"Huwag kayong maingay." aniya at lumingun-lingon ulit sa paligid na parang may hinahanap.
"Halika na kayo. Huwag kayong gagawa ng kahit anong ingay, masusundan niya tayo." dugtong pa ni Aga. Dahan-dahan naming nilampasan ang katawan ni Maye at nagpatuloy sa paglalakad na parang may pinagtataguan.
"Bakit naging ganoon ang katawan ni Maye para siyang naubusan ng dugo?" Mahina kong tanong.
At walang nakasagot ni isa man sa amin, binalot kami ng matinding takot at pagtataka habang sinusuyod ang kalagitnaan ng madilim na gubat.

"Saan ka nanggaling?" maya-maya ay tanong ni Ely kay Aga dahil labis naman talaga kaming nagtaka sa biglaan niyang pagsulpot.
"Sinundan ko si Izzy at Jerry kanina ng makita ko silang lumayo sa inyo at pumasok sa madilim na parte ng gubat, matitigas ang ulo ninyo. Hindi kayo nakikinig! " mariing wika ni Aga, pero mas mangibabaw sa amin ang mag-ulirat dahil nang bumalik sila Ram at Jay kanina matapos marinig ang isang sigaw ay si Izzy lang ang kasama ng mga ito.
"Nandoon ka sa pangyayari? Alam mo kung anong nangyari kay Izzy at Jerry bago sila abutan ni Ram at Jay?" Nagtatakang tanong ni Ely.
"Oo, nakita ko lahat." maiksi niyang tugon at patuloy na humahakbang.
"Anong nangyari sa kanila?" agad na tanong ni Josh.
"M-may nakita a-akong nilalang na h-hindi ko m-maipaliwanag." bitin na sagot ni Aga sa amin.
"Tang-ina ituloy mo! Ayusin mo ang pag-sagot." pagalit na tugon ni Josh dito at med'yo tumataas na ang boses.
"Huwag kang maingay at baka marinig niya tayo." sagot ni Aga na luminga-linga sa paligid na bakas ang matinding takot.
"Hinabol ni Jerry si Izzy sa gubat at inaabutan n'ya ito, pero ilang saglit palang habang nag-uusap sila ay biglang may lumitaw na nilalang sa likuran ni Izzy hindi agad nakita ni Izzy iyon pero si Jerry nakita n'ya ito ang hindi ko malaman ay kung bakit parang wala siya sa sariling lumapit sa nilalang na iyon at nagpakulong sa yakap nito, takut na takot si Izzy ng makita ang nilalang na iyon lalo na ng nilapitan siya nito habang nakasubsob si Jerry sa bandang dibdib ng nilalang na iyon. Itinapat ng nilalang na iyon ang mukha niya sa mukha ni Izzy, nakapangingilabot iyon dahil kitang-kita ko rin ang matatalim na mga mata nito na nakatitig kay Izzy at dinilaan n'ya sa mukha si Izzy dahilan para mapasigaw ito. " Mahabang paliwanag ni Aga at biglang natigilan at napa-isip.
"P-pero ang hindi ko m-maipaliwanag ay kung b-bakit hindi k-kagaya ng dila ng t-tao ang d-dila niya at mukang a-ahas ang nilalang na i-iyon at ang mas n-nakapangingilabot ay a-ang k-kalahating katawan niya ay i-isa ngang a-ahas." pautal-utal at kinakabahang kwento ni Aga.
"Matagal kana sa ganitong trabaho hindi ba? Sabi mo iyon kanina at pinatunayan iyon ni Mang Matt." Saad ni Ely na ang pinupunto ay bakit nga ba parang hindi alam ni Aga ang tungkol dito.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now