Chapter 1: First Meeting

1 0 0
                                    

"My God! Here's the pa-importante na guys!" Sigaw ng isang babaeng balingkinitan ang katawan, maiksi ang buhok, maputi at may kagandahan ang mukha pero parang may attitude ng kaunti, nakasandal s'ya likod ng white van.
Matapos niyang sumigaw ay sumilip ang ibang sakay sa loob ng van at ang iba naman na sa labas na naghihintay ay napalingon. Sa sobrang hiya at pagka-ilang ay natalapid pa ako sa sarili kong sintas ng sapatos na hindi ko na napansing natanggal na sa pagkakabuhol, hindi ako nakatayo agad, sobrang nakakahiya talaga kumalat pa sa sahig ang pagkaing dala ko na nakalagay sa isang eco bag. Ilang saglit pa ay nakita kong may namumulot na ng mga snacks na dala ko, moreno, may katangkaran, sakto lang ang katawan, ma-appeal ito pero muka s'yang suplado at mabibili ang mga ngiti.

"Oh Stupid! How stupid,?!" Wika nung babae kanina sa likod ng van at naglakad na s'ya papasok sa loob ng sasakyan. Para naman akong biglang nagising kaya nagmamadali akong tumayo at pinagpag ang damit ko at pinulot ang ibang mga pagkain na kumalat sa sahig, inabot sakin nung lalaking namulot yung iba kong nailaglag, hindi s'ya ngumiti man lang kahit todo na yung pagkakangiti ko nang magpasalamat ako sa kanya. Nagtaas s'ya ng isang kamay pagtalikod n'ya sakin siguro ay ibig niyang sabihin na walang anuman. Ilang saglit pa ay nakapasok na s'ya sa loob ng van at ewan ko ba kung bakit ang tanga-tanga ko, nakatayo pa ako roon sa p'westo ko kanina nung makita kong may nagbukas ng isang bintana ng van at sumigaw ng: "Anong petsa na 'te?! Late na, anga-anga pa?" Lalaki ito na medyo mataba ang pisngi, nang makita n'ya akong tumingin sa kanya ay parang natigilan s'ya ng ilang saglit, narinig kong nagstart na ang makina ng sasakyan kaya't dali-dali akong tumakbo at pumasok sa loob nito. Katabi ko yung lalaking tumulong sakin kanina, bukana ito sa gitnang parte ng van.

Pasado-alasais na ng gabi ng umalis kami, at inaamin ko na late naman talaga ako at nakita ko yung ibang mukha ng mga kasama namin sa loob ng van na parang medyo badtrip na sila at tahimik sa loob, sa bilang ko ay 12 kaming lahat kasama yung isang babaeng nasa katabi ng driver. Huminga ako ng malalim na para bang bumubwelo maya-maya ay nagsalita ako sa katamtamang boses at sinabing: "Pasensya na po sa pag-aantay n'yong lahat, medyo na-late po ako sa pinag-usapang oras, hindi ko po talaga sinasadya."

Bahagya namang natawa yung isang lalaki sa dulo na mukang half foreign, half Pilipino. Yung isang lalaking medyo mataba ang pisngi ay umiling-iling naman at nakaismid, yung lalaki sa katabi n'ya na may dalang gitara ay nagsalita na: "Ok lang 'yon, hindi lang ikaw ang late."
"Absolutely!" Tugon pa ng isang lalaki sa kalapit ng kalapit n'ya.

Ang iba naman ay parang wala lang, naka-earphone na siguro kasi yung isa sa dalawa kaninang babae sa may dulo at isa sa unahan ay nakita kong may earphone na sa kanyang-kanyang tainga, pero yung iba siguro ay ayaw lang talaga magsalita. Lumingon ang aming driver at sinabing: "Hindi talaga maiiwasan kung minsan halos magkakasunod laang naman kayo na dumating, ikaw nga laang ang pinakang-huli." at ngumiti s'ya nang bahagya at napakamot sa ulo n'ya, humingi ulit ako ng pasensya sa lahat at makadalawang ulit pa hanggang sa magsalita ang katabi kong lalaki: "Can you just keep quiet, you're fuckin' loud." Seryoso s'yang nakatingin sakin habang parang pabulong o malumanay lamang iyon na pagkakasabi sa 'kin, bahagyang nagsalubong ang kilay ko dahil doon at naging dahilan na rin para tumigil na ako sa paulit-ulit kong sinasabi.

Nakita kong tahimik ang lahat, ang iba ay nakapikit, may ka-chat, nag-oonline gaming at may kanya-kanyang pasak nga ng earphone sa mga tainga nila kaya binuksan ko ang aking dalang body bag para makinig nalang din ng music habang nasa byahe pero nakalkal ko na ang buong bag ko at kumalat na ang ibang laman pero wala akong makitang earphone, nakalimutan ko nanaman siguro dahil sa pagmamadali, bahagya akong natigilan ng maramdaman kong may nakatingin sa 'kin at dahan-dahan ko s'yang nilingon hindi nga ako nagkamali nakatingin sa 'kin itong katabi kong lalaki naniningkit ang mga mata n'ya med'yo matalim ang pagkakatingin at parang naiinis s'ya sa ginagawa ko napangiwi ako ng kaunti dahil sa hiya at dali-daling inimis ang mga kalat ko sa katabi naming dalawa. Umayos na ulit s'ya ng pwesto nang matapos ako at sumandal naman ako sa bintana na kalapit ko at tumingin sa parteng labas.

Ilang minuto lang ay nagbukas ng ilaw sa likod ng van ang aming driver na si Tatay Matt at nagsalita:
"Ipakilala ko lang ho ulit aking sarili, ako si Tatay Matt, Mang Matt, Tang o kung saan ho kayo mas komportable na tawagin ako ay 'yon ho ang gagamitin ninyo, magsasampung-taon na ho ako sa serbisyong ito t'wing bakasyunan at mabahang holiday o yung mga gusto lang talagang magout of town at kagaya ng impormas'yong napag-usapan ho sa telephone mga mam/sir ay 10-12 hours po ang ating byahe papunta sa ating destinas'yong bundok na kung tawagin ay Sacred Mountain o Banal na bundok para sa mga lokal sa nayon, hinihikayat ko ho kayong lahat na magpahinga at matulog muna para naman may sapat na lakas pa ang bawat isa pagdating bukas sa ating pupuntahan at sana ho ay maging understanding ba, tayo sa isa't-isa kahit hindi ho tayo magkakakilala pa, ay magkaroon ho tayo ng concern sa bawat isa at kilalanin din ho ang bawat isa ano?, dahil matagal-tagal ho kayong magkakasama-sama sa bakasyon na ito. Ang aming samahan ho na b'yaheng mag-isa kasama sila ay upang maging bukas ho tayo sa mga bagong makakasalamuha at makikilala, para sa mga pansariling rason at talaga hong ang b'yaheng ito ay exclusive laang ba, para ho sa mga single na gustong mag-enjoy, unwind, relax, makalimot, mahanap ang sarili o gusto rin na magkaroon ng bagong karelasyon, Ah... kung alin man ho kayo sa bawat isang nabanggit ay binibigyan lahat iyan ng respeto. Sana ho ay mag-enjoy kayong lahat bukas sa bundok at ang ilang araw at gabi na ilalagi ninyo doon, huwag na huwag ho tayong lalabag sa mga alituntunin at mag-iingat tayong lahat." Matapos iyon ay ngumiti si Tatay Matt at nagfocus na ulit sa pagmamaneho nagpasalamat naman ako at ang ilang lalaki at babae na hindi ko na matukoy dahil nga hindi pa magkakakilala ang lahat, at sa palagay ko ay talagang magkakaiba ang bawat isa ng personality mukang mahihirapan kaming makisama sa isa't-isa.

Nagbalikan sa dating pwesto ang lahat ng matapos magsalita si Tatay Matt at tumahimik na muli, pinatay ni Tatay Matt ang ilaw at led light lang na kulay asul ang binuksan. Pinipilit kong maka-idlip sa pagkakasandal ko sa bintana pero talagang hindi ako makatulog, nagrequest na nga din ako kay Tatay Matt ng music pero wala pa ring talab sakin. Naiinis na nga ako sa sarili ko dahil nahihiya ako sa kalapit ko sa upuan para 'kong bulateng inasinan hindi ako mapakali sa p'westo ko.

May apat na oras na rin siguro ang lumipas at nagstop-over kami sa isang gasolinahan, para kumain, umihi, mag-inat-inat at kung ano pa man. Halos lahat ay bumaba, ang ilan ay nagkape, nagsigarilyo at nag-cr, mga 20mins lang kaming tumigil doon at bumyahe na ulit, halos wala talagang nag-uusap-usap samin, madalas ay kay Tatay Matt lang nagtatanong pero yung iba kahit si Tatay Matt ay hindi pa rin kinakausap. Naiisip ko tuloy kung ano kayang naiisip nila, saka bakit pinili nilang sumama sa b'yahe at magbakasyon na hindi kakilala ang mga kasama, ang weird. We'll whatever their purpose or reason is, pare-pareho lang naman kaming mga weird.

Vacay with a Twist Where stories live. Discover now