Heiress 70: I am Eris

8 0 0
                                    

Irene's POV

"Pucha."

Oo. Yun ang kaunahang lumabas sa bibig ko nang makita kong napakaraming sasakyang nakaparada sa harap ng bahay ni Elijah.

Ipinarada ko ang kotse ko kahilera ng mga saskyan sa starting line. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko ay hinayaan kong nakabukas ang ilaw ng kotse sa harap kaya nang maglakad ako paikot ng kotse papunta sa kung saan naglalagay ng pusta ay nakita ko kung paano manlaki ang mata ng mga gangster na nakakakilala sakin bilang Eris.

"Gandang babae, pre."

"Sino yang bagong dating?"

"Astig ng kotse."

"Yan ang hihingin ko mamaya sa pustahan."

"T*ng*na! Si Eris!"

"Eris?!"

"Anong ginagawa nyan dito?"

Inilabas ko ang isang briefcase ng pera, hindi ko alam kung paano toh nakarating dito pero yun na ang gagamitin ko. Binuksan ko ang briefcase at ipinatong ang apat na bungkos ng pera sa lamesa pagkatapos ay isinara ko na ulit ang briefcase at ibinalik sa kotse.

"I'll be joining." Walang emosyong saad ko pagkalabas ko ng kotse

"And I'm betting against all of you." Dagdag ko pa

"Ano namang gusto mo?" nakangising tanong ng isang lalaking may kasamang dalawang haliparot sa magkabilang gilid niya

"The question is, anong gusto niyo?" sabi ko at ngumisi bago umupo sa hood ng kotse

"Bakit? Kaya mo ba?" tanong ng isa pa at nagsimula na silang pumalibot dito

Mabuti 'yan. Madali naman palang makipag negosasyon sa mga ugok na toh e.

"Name it." Nanghahamong saad ko

"Ikaw." Saad nung nasa harapang lalaki

"Yun lang pala e, whoever wins can have me, and the winner takes it all." Sabi ko

"Won't you ask what I want if I win?" nakangising tanong ko

"Sige nga, anong gusto mo kung manalo ka?" tanong nung isa pang lalaki

"Leave. All of you." Walang ganang sabi ko

"Ha? Nagbibiro ka ba?" natatawang tanong nung isa

"I can easily tell the organizers to put this area off limits, but I want to be fair." Sabi ko at tumingala bago tiningnan sila isa-isa

"So what now? Deal?" tanong ko

"Deal!" sagot nilang lahat

Nagsisakayan kami sa mga kotse namin at nanlaki ang mata ko nang lumabas si Elijah mula sa apartment nya.

"Anong ginagawa niyo dito? Dis-oras na ng gabi ah?" rinig kong sabi ni Elijah sa mga nasa labas

Putek! Bakit ngayon pa? Ba't hindi nalang pagkatapos ng karera?

"Ano bang pakialam mo, ha?" rinig kong tanong nung isang lalaki at nagsibabaan na yung mga dapat ay kalaban ko

Wala akong nagawa kundi ang bumaba din lalo na nang nagsimula nang magkainitan.

"Sino ka bang pakielamero ka, ha?" tanong nung isa pang lalaki at kinwelyuhan si Elijah

"Pulis ako at kaya ko kayong arestuhin ngayon." Sabi ni Elijah at inalis ang pagkakakwelyo ng lalaki sa kaniya

Heiress (Hanazono Series #2) [Completed]Where stories live. Discover now