FIFTEEN : TRUTH

1 0 0
                                    

XAYNE

Nagising ako dahil may parang mabigat na nakapatong sa aking tiyan. Iminulat ko ang aking mata at nakita si Xiane na natutulog sa ibaba ng kama at ang kamay niya ay nakapatong saking tiyan hawak hawak ang aking kamay.

Anong ginagawa niya dito? Inilibot ko ang aking paningin at napansin ko na hindi ko pala to kwarto. Dahan dahan kong inalis ang kamay ni Xiane ngunit nagising siya.

"Gising kana pala.", nakangiti niyang sabi.

X-xiane smiled?

Hindi ako makapaniwala sa inakto niya, una natutulog siya habang hawak hawak ang kamay ko, pangalawa ngumiti siya sakin. Ano ba ang nangyari? Paano ako napunta dito.

"Nawalan ka ng control kahapon, malapit kanang makapatay ngunit napigilan ka din naman.", ani niya.

Nawalan ako ng control? Ang huling naalala ko ay nag tretraining ako ng bigla pumasok sa isip ko yung sinabi ng babae sakin sa gubat at bigla nalang nandilim ang paningin ko. "G-ganun ba? Salamat, a-aalis na ako.", naiilang kong sabi.

Akmang tatayo na ako ay niyakap ako bigla ni Xiane. "Naalala na kita Kaciane, sana maalala mo na din ako.", Bulong niya sa akin. Anong pinagsasabi niya? Maalala bakit? Agad na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"What are you talking about?", nagtataka kong tanong. Ngumiti lamang siya at hinaplos ang aking pisnge. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Para bang naramdaman ko nato dati. Hindi ko paipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Mag tatanong pa sana ulit ako ng may kumatok sa pinto. Inalis ni Xiane ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak saking pisnge at binuksan ang pinto. Bumungad naman ang walang emosyon na si Aqua.

"Pinapatawag kayo ni Headmistress. Adun din Reyna ng Eldoria, Queen Yriah.", sambit niya at ibinaling niya ang tingin niya sakin. Inirapan niya ako at umalis. Anong problema niya? Parang dati lang ang ayos ng pakikitungo niya sakin tapos biglang nagbago dahil hindi ako isang Celestial?

Diko nalang pinansin at tumayo na. Kailangan kong magmadali dahil nandun ang Reyna baka magagalit siya sakin. Lalo na't nawalan ako ng control kahapon baka paparusahan niya ako sa nagawa ko. Ngunit bakit ang reyna lamang ang pumunta nasaan si King Xeinon?

Nakita kong nanatiling nakatayo sa harap ng pintuan si Xiane kaya balak ko sanang mauna muna. Pero pinigilan niya ako.

"I know you still don't remember, but you need to stay here.", seryoso niyang sabi. Hindi ko siya maintindihan. Balak niya ba akong ipahamak? May kasalanan ako at kailangan akong humarap sa reyna kundi malilintikan ako.

"I don't know what you're talking about, I need to go andun ang mother mo.", sabi ko at akmang lagpasan siya ngunit hinawakan niya ang kamay ko.

"Fine, but trust me I'll protect you this time. I would never let something happen again.", aniya at umalis kami habang hawak niya ang aking kamay.

Ano ba ang ibig sabihin niya? Again? May nangyare ba dati?

____________

Nandito kami ngayon sa harap ng pintuan ng office ni headmistress. Ibinaling ko ang tingin kay Xiane na kinukuyom ang kanyang kamao. Bumuntong hininga muna siya bago siya maunang pumasok. Sumunod naman din ako sa kanya.

Am I Still Dreaming Where stories live. Discover now