Prologue

7 0 0
                                    

Sa tuwing nananaginip siya, pakiramdam niya'y sumasakay siya sa isang biyahe patungo sa kaharian ng mga bituin.

Hindi niya alam kung bakit siya lagi nalang ganoon, nagpapanaginip ng mga bagay na tila totoo. Hindi rin niya maintindihan kung bakit sa bawat panaginip niya, nagaganap ito sa totoong buhay.

Ang mga panaginip niya ay hindi simpleng fantaserye lamang, kundi mga pangyayaring tila nagaganap na sa kanyang harapan.

Sa umpisa, akala niya normal lang ito. Pero hindi niya maiwasang isipin na may mas malalim na kahulugan ang lahat ng ito.

Hanggang sa isang araw, ang katotohanan ay unti-unting bumulaga sa kanya. Hindi siya isang ordinaryong tao. Siya'y galing sa ibang dimensyon, sa ibang mundo.

At ang mga panaginip niya, hindi mga simpleng panaginip lamang, kundi mga pagbabala ng hinaharap.

At sa bawat araw na lumilipas, hindi niya maiwasang itanong sa sarili: sino nga ba talaga siya?

Sa mundong ito, maraming tanong ang hindi kayang sagutin ng simpleng katotohanan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, handa na siyang harapin ang kanyang hinaharap, anuman ito.

Dahil sa huli, sa pagtuklas niya ng kanyang sariling pagkakakilanlan, marahil doon niya lang matatagpuan ang kapayapaan at kasagutan na matagal niyang hinahanap.

Am I Still Dreaming Where stories live. Discover now