ONE : DREAM

9 1 0
                                    

XAYNE

Nanginig ang buong katawan ko habang tumatakbo ako sa madilim na kalsada, alintana ang malamig na simoy ng hangin at ang unti-unting paglapit ng aking pursigidor. Ang kanyang katawan ay balot ng itim na damit at tila humahabol sa akin sa bawat hakbang ko. Tumakbo ako nang mas mabilis, ngunit tila hindi ko kayang takasan ang kanyang pagkakahabol.

Tumigil ako saglit, subalit hindi rin tumigil ang sumusunod sa akin. Ang bawat yapak ko ay salungat sa kanyang paghahabol. Marahil ay dapat kong harapin siya, subalit ang takot ang siyang nangingibabaw sa aking puso.

Bigla akong nagising, bumalikwas sa pagkakahiga, at umupo sa aking kama. Kinusot ko ang aking mga mata, nanatiling hingal at pawis na pawis sa aking kama. "Binabangungot lang ako," wika ko sa sarili, subalit ang takot ay nananatiling naglalaro sa aking isipan.

Tumayo ako at naglakad patungo sa banyo upang maghugas at maghanda para sa paaralan. Subalit kahit sa aking paglakad, hindi ko maalis sa aking isipan ang kakaibang panaginip na aking naranasan. "Ano ba Xayne sabing panaginip kulit din ng isip mo eh ano", sabi ko sa sarili ko.

"Hoy Xayne! Nababaliw kana ba nagsasalita ka mag isa", sumulpot bigla si Shiba na ikinagulat ko. "Nakakagulat ka naman!", sinigawan ko siya dahil sa gulat.

"Eh kasi kinakausap mo sarili mo dimo na pinapansin yung nasa paligid mo", sagot niya pa. "Ewan ko sayo", wika ko sabay inirapan siya.

Sabay na kaming pumasok ni Shiba sa loob ng paaralan. Isa na akong 3rd year college student, BS Psychology yung course ko. I don't know sobrang interesting kasi ng course nato. May joke panga sila na psychology students can read minds.

But I don't know if it's a joke anymore. I really knew what people's thinking; I can read minds. May isang situation kasi na parang gusto kong basahin yung utak nung teacher namin.

Tinitigan ko siya hanggang sa parang naririnig ko yung voice ng teacher namin even though he's not talking. Dun ko nga nalaman na may pagnanasa siya kay Stella yung queen bee ng school, nakakadiri.

But pinagsawalang bahala ko lang since it's impossible to read minds diba? Maybe guni guni ko lang yun o dikaya nababaliw na talaga ako tulad ng sinabi ni Shiba kanina?

Lutang akong naglalakad kaya may nabangga ako. I don't know but when I saw the person na nakabangga ko nanginig ako bigla. I think I saw that person somewhere.

I realized siya yung nasa panaginip ko yung taong itim yung suot na sinusundan ako sa isang madilin na kalsada. Bigla akong kinabahan kaya pumasok na ako sa loob ng school at dumiretso sa classroom.

Timing at dumating na ang professor namin. "Goodmorning class", panimula niya. "Ano ba Xayne bat mo ko iniwan!", pabulong na sigaw ni Shiba. Diko na siya pinansin at nakinig nalang kay prof.

"I already talked to our dean regarding this matter, and I requested that you come to school again later at 5 p.m. for our extended class because we need to catch things up since the examination is coming.", sabi ng prof namin.

What? anong catch up things? Hindi ba pwedeng ipabasa nalang samin? Kainis talaga na prof to, kasalanan niya naman na walang classes kasi lagi siyang nagbabakasyon tas may paganto pa?

"I hope you have no complaints. Attendance is a must, kung wala kayo mamaya automatic I will give a 3", dagdag niya pa.

Ayan nanaman siya sa pananakot niya.
Nagsimula na siyang mag discuss hanggang sa matapos ang oras. Lumabas na kami ni Shiba at pumunta kami sa canteen.

"Kainis talaga kala ko pa naman makakagala ako mamayang gabi, siya lang naman yung subject natin today tapos biglang may pa extended classes kineme pa siyang nalalaman", maktol pa ni Shiba.

Am I Still Dreaming Where stories live. Discover now