FOUR : TRAINING

4 0 0
                                    

XAYNE

Ramdam ko ang panginginig ng aking mga binti habang patuloy akong tumatakbo sa gitna ng gubat. Ang pagod at takot ay bumabalot sa akin habang pinipilit kong lumayo sa aking pursigidong pursigidong naka itim. Hindi ko alam kung bakit ako ang hinahabol niya, kung anong kasalanan ba ang nagawa ko upang ako ay kanyang habulin.

May naapakan akong matulis na bato at napainda ako sa sakit. Ang sakit ng aking mga paa ay parang mga bato na dumudurog sa bawat hakbang na aking ginagawa. Ang dugo ay umaagos mula sa sugat, ngunit hindi ko maramdaman ang sakit dahil sa nakababahalang takot na humahabol sakin.

Hindi ko napansin ang nakabukang ugat ng kahoy sa aking harapan, hanggang sa bumagsak ako ng biglaan. Ang aking katawan ay sumalampak sa lupa. Papalapit na sana siya, ang taong naka itim nang bigla ay may humawak sa aking balikat.

Nagising ako mula sa aking bangungot. Ito nanaman siya ang taong naka itim. Ano nanaman ba ang pinapahiwatig ng aking panaginip. Ganun din ba ang mangyayari sakin sa hinaharap?

Kasi tuwing nanaginip ako ay laging nangyayari ito. Puro din masama pag nanaginip ako. Dahan dahan kong kinusot ang mata ko may naaninag akong tao sa madilim kong kwarto.

Kaya napatili ako ng malakas dahilan ng pagka taranta ng aking mga kasama. Mabilis pumasok sina Rica, Aqua, Gemma at mga lalaki.

"Bakit anong nangyari?.", tanong ni Aqua sakin. Kanina kasi madilim kaya hindi ko makita ng maayos ang taong nasa paanan ng aking kama. Ngayon na binuksan na nila Aqua ang pinto ay may konting liwanag na mula sa sala.

Nahiya naman ako sa ginawa kong ingay. "Xiane naman, ang sabi ko gisingin mo hindi takutin.", napailing nalang si Gemma. "I was about to wake her up, but she's frowning and sweating. When she woke up, she started shouting.", walang ganang paliwanag ni Xiane.

"S-sorry, madilim kasi kanina.", nakayukong sabi ko. Hindi na umimik si Xiane at lumabas na ng kwarto pati na din ang iba except kina Aqua, Rica at Gemma.

"Binabangungot kaba?", tanong ni Rica.
Halata sa mukha niya ang pag alala. "L-lagi kasi akong binabangungot, natatakot din ako sa mga possibleng mangyari.", sagot ko.

Bakas sa mukha nila ang pagtataka. "Bakit? Anong ibig mong sabihin?", tanong naman ni Aqua. Napabuntong hininga naman ako. Maniniwala naman siguro sila sakin pag sinabi ko diba?

"Yung mga panaginip ko kasi nangyayari, tulad nung kahapon hinahabol ako ng itim na lalaki bago bumukas ang portal at napunta ako dito sa mundo. Bago nangyari yun ay napanaginipan ko muna.", paliwanag ko.

Napabaling silang dalawa sa isa't isa, ang kanilang mga mata'y naglalaro ng diwa habang pinag-iisipan ang mga salitang aking binahagi. Ang aking kaba ay patuloy na sumasalimbay sa aking puso, nag-aalala sa kanilang magiging reaksyon sa aking mga kwento.

"Don't worry, nandito kami sa tabi mo. Hinding hindi ka hahabulin ng itim na lalaki kasi andito kami.", pang aassure naman ni Aqua sakin.

Bagay talaga sa kanya maging leader. She will make sure that all of her comrades are safe. Sana nga Aqua sana di niya ako habulin.

____________

Andito kami sa isang open field upang mag training. Kinakabahan ako sa possibleng gawin namin. Pero may excitement naman din akong nararamdaman. I can unleash my power here but the question is paano?

Am I Still Dreaming Where stories live. Discover now