EIGHT : XAYNE VS TIFFANY

3 0 0
                                    

XAYNE

Hindi ko pinahalata sa kalaban ko na nanginginig ako. Dapat I look intimidating kahit ang totoo kinakabahan ako. Minalas ba naman ako at napunta ako sa mainit ang dugo sakin.

Di pa naman nagpipito si prof kaya lumingon lingon muna ako sa paligid ko. Nakita ko ang Celestials nakaupo sa bleachers. Ngumiti lamang sila sakin at nag approve. Nagulat naman ako nung napabaling ang mata ko kay Aqua.

Nawala ko ba naman ang badge baka pagalitan niya ako. Kahit naman friendly siya may pagka leader na attitude naman din kasi kaya papagalitan talaga ako mamaya.

Binalik ko na ang tingin ko sa kalaban ko at pumito na si sir pahiwatig na magsisimula na ang laban. Naglabas si Tiffany ng isang yellow lang na apoy. Nagulat naman ako kaya napangisi siya.

Akala niya naman siguro natakot ako mas nakakatakot yung apoy ni Aria no. Akmang susugod na siya sakin ng tinawag ko si Flauta. Nagulat naman si Tiffany sa ginawa ko. Oo nga naman kami lang pala may weapon.

No rules just don't kill naman eh kaya safe ako dito. Pinag transform ko si Flauta sa sword form niya. Ayoko namang patulugin lahat ng nandito at mapahamak nanaman ako.

Kahit na bakas sa mukha ni Tiffany ang pagka gulat ay sumugod parin siya. Itinapon niya ang kanyang apoy sakin at agad ko naman itong hinampas gamit ang spada ko dahilan na bumalik ito papunta sa kanya.

Natamaan siya ng sarili niyang apoy sa kanyang kanang balikat kaya napaso siya. Isa lang naman siyang Infernal kaya hindi siya immune kahit sa sarili niya pang kapangyarihan.

Nagpatuloy siya sa pag bato ng apoy sa akin habang tumatakbo papalit pero agad ko lang itong pinabalik sa kanya kaya madami ng paso ang natamo niya.

Habang iniinda niya ang sakit ay mabilis ko siyang sinugod at hinampas sa kanya ang spada ko. Nasugatan ang balikat niya at napatalsik siya palabas ng ring.

Pumito na si sir pahiwatig na ako ang nanalo. Buti at hindi sword to sword ang laban kasi talagang lugi ako diko pa gamay ang pag gamit nito. Nagpasalamat ako kay flauta at agad ko na siyang pinabalik.

"Madaya ka!", galit niyang sigaw sakin.

Anong madaya nun eh no rules nga diba.
"Isa kabang Celestials para magkaroon ng weapon?! Paniguradong malalagot ka sa headmistress dahil sinuway mo ang rules!", sigaw niya. Ako nalang talaga ang nahihiya sa kanya.

Umalis na ako ng ring at pumunta kung nasaan ang mga Celestials. Napayuko ako kasi yung badge ko nawala.

"Alam kong nawala ang badge mo babae.", wika ni Aqua. Pumikit lang ako at nag antay ng sermon ngunit tinapik lang ako sa balikat at may ibinigay sakin si Aqua.

Yung badge ko.

"Hindi ko kasi nahigpitan yung paglagay ko, anong pinipikit pikit mo jan.", nakangisi niyang sabi. Nakahinga naman ako ng malalalim. Umalis si Aqua na ikinagulat ko saan ba siya pupunta?

Na realize ko na pupunta pala siya kay Tiffany. Nang makalapit na siya kay Tiffany nagulat ako sa ginawa niya. Sinampal niya ito.

"Nasa rules din kasi ni Headmistress na don't disrespect the Celestials. Hindi dahil sa tayo ang pinakamalakas pero tayo ang itinakda na mag ligtas ng mundo kung sakali mang may mangyaring masama.", paliwanag ni Airios na ikinagulat ko. Nagsasalita pala to. After niyang magpaliwanag ay nagbasa siya ulit ng libro.

First time ko siyang narinig magsalita.
"P-pero di niya naman alam s-since wala yung badge ko that time.", pagtatanggol ko. Kahit na masama pakikitungo niya sakin ay naawa parin ako sa kanya.

"Pero alam niya na dapat yun since you already summon your weapon.", wika ni Gemma.

"Eh freshmen lang naman din siya tulad ko baka di niya alam.", sagot ko naman.

"Kahit hindi pa sila pumapasok dito ay alam na nila yan. Ang unang guro ay ang mga magulang sa tahanan.", sagot ni Gemma.

Wala naman akong nagawa kundi tahimik na pinapanood si Tiffany na sinisermonan ni Aqua. Pagkatapos niya sermonan ay pumunta siya sa stage ng battle field kung nasaan si Prof James.

Anong bang balak ni Aqua?

"We didn't have a proper introduction for our new member, that's why one of the INFERNALS disrespected her.", diniinan talaga ni Aqua. It doesn't mean na hindi daw ako royal ay hindi ako rerespetuhin kaya galit siya ngayon dahil sa ginawa ni Tiffany.

Pero okay lang sana yun kaso parang big deal pagdating kay Aqua. Okay lang naman na pag sabihan niya privately eh. Pero sadyang gusto niya ipakita na kung ano ang mangyayari pag hindi mo nirespeto ang isa sa mga Celestials.

"Yes, you heard it right. The Celestials are now complete because the long-lost dream weaver, Pisces, is already here." wika ni Aqua.

Tumingin siya sakin at sinenyasan na pumunta ako sa kanya. Nakakahiya man pero kailangan akong sumunod baka ako pa yung masampal.

"Xayne Kaciane Si, Pisces.", pagpapakilala sakin ni Aqua at nagsi yuko ang mga studyante except sa mga Celestials. Pumalakpak din sila pagkatapos. Si Tiffany ay nanatiling nakayuko sa gilid nahihiya sa kanyang ginawa. Nakita kong hindi pa siya ginagamot.

Binulungan ko naman si Aqua na pwede na ba siyang gamutin dahil medyo malaki ang pag hiwa ko sa braso niya. Ayaw pa sana ni Aqua bilang parusa niya ngunit kinukulit ko. Pinalapit ni Aqua si Lira kay Tiffany at ginamot ang mga paso at sugat nito.

Pagkatapos niya gamutin ay tumakbo siya palabas. "Wala talagang respeto.", bulong ni Aqua. Wala naman kaming magawa at bumalik na sa pagkaupo sa bleachers.

Nauna na ang mga kasama ko dahil may klase na daw sila napadaan lang naman daw sila dito dahil break time nila. Nagpaiwan naman ako kasi syempre di pa tapos ang klase namin.

Ang mga kaklase ko na inaasahan kong lalapit sakin ay kabaliktaran ang nangyari. Natatakot sila na baka sa kaunting pagkakamali nila ay baka matulad sila kay Tiffany.

Naintindihan ko naman sila. Ngunit parang ang unfair ng rules na ginawa or sadyang mabagsik lang si Aqua. Umiling nalang ako at inintay na matapos ang mga naglalabang studyante.

END OD CHAPTER EIGHT

_______________________________

Wala na akong madugtong kaya medyo kaunti nalang muna.

See you next chapter!!!

Am I Still Dreaming Where stories live. Discover now