NINE : WEAKNESS

3 0 0
                                    

XAYNE

May sumulpot nga nakaitim ngunit kita ko ang kanyang mukha hindi siya naka cloak. Isa siyang babae.

"Sa wakas ay nagkita rin tayo muli.", wika ng babae. Para bang isa akong dati niyang kakilala kung makapag salita. "Wala na akong panahon para makipag usap ng mahaba, dederitsuhin na kita.", dugtong niya pa. Agad naman akong kinabahan.

"Isa-",

"Xayne, gumising kana.", may biglang yumogyog sakin dahilan ng aking pagkagising. Dahan dahan kong kinusot ang aking mata at tinignan kung sino ang gumising sakin.

Bumungad naman sakin si Gemma na nasa gilid ng aking kama. "Mamaya pa naman yung klase ko bat ang aga mo kong ginising.", reklamo ko. Naputol yung pangitain ko ng dahil sa kanya hindi ko nalaman kung ano yung sinabi ng babae.

"Pinapatawag ka ni headmistress.", wika niya. Dali dali ko siyang pinalabas. Naligo na ako pagkatapos ay nag bihis na rin. Casual lang ang isinuot ko since wala pa naman akong klase kaya di nako nag uniform.

Lumabas na ako ng kwarto at sinamahan naman ako ni Aqua patungong office ni headmistress. Nang makarating kami ay kumatok muna kami bago pumasok. Nakaupo lamang si headmistress sa kanyang upuan at may binabasa mula sa papel.

Inangat niya ang kanyang tingin at nang makita niya kami ay iniligpit niya muna ang mga papel na kanyang binabasa. Pinaupo niya kami at sinabi na niya ang kailangan niya sa akin.

"Nagpadala ng letter ang kamahalan ng Eldoria, alam na nilang nandito ka. Upang mahasa ang iyong kakayahan ay inutusan ako ng kamahalan na ipadala ka sa isang mission...", naputol ang kanyang sinabi. Bumuntong hininga muna siya bago niya tinapos.

"...na mag isa.", dugtong niya.

M-mag isa? Ni hindi ko nga alam kung saan papuntang Centro ng Eldoria tapos ipapadala ako sa isang mission na mag isa? Plus may humahabol pa sa akin. Parang pinapalapit nila sakin ang kapahamakan.

"Don't worry at may mapa naman akong ipapadala sayo para hindi ka mawala, may kalesa ka ding sasakyan.", wika ni headmistress.

"P-paano naman y-yung humahabol sa akin?", tanong ko sa kanya.

"Wag kang mag alala, malakas ka Xayne. Alam ng kamahalan na walang mangyayaring masama sa iyo.", nakangiti niyang sabi.

Wala akong magagawa utos yun ng kamahalan. Baka pag suwayin ko sila malalagot pa ako.

"May dalawang linggo kapa upang mag training saka ka aalis.", dugtong niya pa.

Tanging tango lamang ang naging tugon ko. Safe naman siguro diba? Hindi din ako forever na magtatago lang dito sa school. Makakaharap at makakaharap ko din ang taong gustong kumuha sa akin.

Nagpaalam na kami kay headmistress pagkatapos niyang sabihin sakin ang mga kailangan kong gawin at hindi kailangang gawin.

Napansin naman ni Aqua na nanlulumo ako kaya tinapik niya ako sa balikat. "Kahit kami ay pinapapunta sa isang mission dati nung freshmen palang kami, katulad mo mag isa lang din kami.", simula niya.

"Magiging safe ka Xayne wag kang mag alala, dapat lang na umuwi kang buhay kasi nag aantay pa kaming mga kaibigan mo.", nakangiti niyang sabi.

Am I Still Dreaming Where stories live. Discover now