THIRTEEN : DON'T TOUCH HER

2 0 0
                                    

GEMMA

It's been three weeks simula nung dumating si Mitch samin. Hindi ko siya masisisi. She's innocent and I can feel it. Kahit di maganda ang first impression ko sa kanya I manage to get to know her better.

She's kind, sweet and caring. But I'm worried kay Xayne. Hindi ko na siya madalas nakikita. Nakikita ko siya minsanq pero nasa training room lang siya minsan ay wala. Hindi na niya kami kinausap. Tinignan ko naman si Aqua na kausap si Mitch.

They are having fun. Parang walang pakealam si Aqua kay Xayne nung umalis siya ng dorm. Aqua only cares when you are a celestial. Kahit pa dating comrade kapa niya. Yan ang pinaka iinisan ko sa kanya.

I don't know why bakit siya ang piniling leader ng hari at reyna ng Eldoria. Mas okay pa ako eh kung si Xiane ang pinili kaso hindi eh. Yes she's a good leader sa amin but ang sama ng ugali niya pag dating sa infernal students.

Habang nagkwekwentuhan ang mga kasama ko ay bigla nalang akong kinabahan. I don't know but I suddenly feel uneasy. Para bang may mangyayaring hindi maganda.

Nagulat nalang kami ng biglang nagsigawan ang mga studyanteng nasa labas. Ang lakas ng kalabog sa labas. Biglang kinwelyuhan ni Aqua ang isa sa mga infernals at nagtanong. "Anong nangyayare?!", galit na tanong ni Aqua.

"N-nawawalan n-n-nang k-kontrol s-si X-xayne.", nanginginig na sabi ng isang studyante. Sumalubong ang kilay ni Aqua sa narinig. "That btch.", bulong ni Aqua. Dali dali naman kaming lumabas at tinignan kung ano talaga ang nangyayare.

Nang makalabas ay nakita ko si Xayne. Her eyes turn into full white. She's flying while nagsilabasan ang parang itim na usok mula kay Xayne. Wtf is that?!

"S-she's out of control, we need to do something!", sigaw ni ko.

Hindi ko na alam kung anong nangyayare sa kanya. Bakit siya nagkakaganito. Xayne what happened to you? I don't know what to do. I don't wanna hurt her.

"She can kill us at this rate!", ngayon naman ay si Aqua na ang sumigaw. She's right sobrang lakas ng pwersa na pinapalabas ni Xayne ngayon. Wala siyang kontrol kaya mapapatay niya kaming lahat.

"Umalis na kayo.", seryosong sabi ni Aqua.

Anong gagawin niya? Hindi naman siguro niya pa-

"I'm gonna kill her.", dugtong niya.

All of my comrades were shocked including me. Ano? Yes she can kill us right now but kaibigan pa rin namin siya kahit hindi na siya nabibilang sa Celestials. We need to save her, we need to do something. Aqua please don't do this.

"Killing a comrade? Really Aqua.", Xiane speak up.

"As a leader of the Celestials, I need to do this. I don't want other comrades to be killed by this raging lady.", galit na sabi ni Aqua while she gritted her teeth. She summoned her weapon and started to exert her strength inside it.

"Besides, she's not our comrade anymore. For me, she's just a nobody.", malamig na sagot ni Aqua.

How can you do this Aqua. Killing an innocent person? May ibang paraan but you choose to kill someone? Ma guiguilty ako kapag mamamatay si Xayne ngayon. She's our friend!

I was about to run and stop Aqua, but someone did it first. Before Aqua released all of her power, Xiane was already in front of Xayne, trying to protect her. Lahat kami nagulat sa ginawa ni Xiane.

"DON'T FVCKING TOUCH HER.", Galit niyang sigaw. We know that he still can't fully control his power. Malapit na din siyang mawalan ng control. Mas lalong nagalit si Aqua sa inakto ni Xiane.

Maybe Xayne's emotion take over her kaya siya nawalan ng control. Same sa nangyayari kay Xiane. Kung walang makapag patigil sa kanila ay masisira nila ang academy.

"You're getting in my way, Xiane. Step aside.", walang emosyong sambit ni Aqua.

"CAN'T YOU HEAR ME? DON'T TOUCH HER!", Sigaw ni Xiane at tuluyan na siyang nilamon ng kapangyarihan niya dahilan ng pagka atras ni Aqua.

I don't understand, hindi naman sila close ni Xiane but the way Xiane protected her something happened. Nahimatay si Xayne dahilan ng pagtigil din ni Xiane.

Sinalo naman ni Xiane si Xayne nang mahulog ito mula sa pagkalipad. Nagulat ulit kami ng makita si Xiane na umiiyak. Hindi ko na maintindihan kung bakit siya umiiyak? Ano ba talagang nangyayare gulong gulo na ako.

Naiwan namang tulala si Aqua sa nangyare. Aqua loves Xiane. I can see her eyes full of jealousy. Umigting ang panga ni Aqua sa nakikita. She walked out and leave us all behind. Kahit nakatalikod na siya ay alam kong umiiyak siya.

We know how much she loves Xiane. 1 year ago nung nagsama sama kami sa mission she even risked her life just to save Xiane. But still walang pake si Xiane sa kanya. For Xiane she is just a comrade,nothing more.

Tinignan ko naman si Mitch na nagugulat din. I know hindi tama na sabihin ko to but mas okay kung hindi sana siya dumating, hindi sana magkakaganto si Xayne.

Okay sana ang lahat. Naririnig namin ang paghikbi ni Xiane. Gustohin ko mang lumapit ay hindi ko magawa. I need to give them space.

"Don't worry, my love, I can now remember you. I will never forget about you again.", umiiyak na sabi ni Xiane.

Anong ibig sabihin niya. Wala akong nabalitaan na nagkaroon ng girlfriend si Xiane. Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayare. Masyadong magulo masyadong nakakalito.

Hindi namin alam lahat nang nangyare kay Xiane lalo nat 2 years ago lang kaming nagkakilala. Xiane never open up kaya wala kaming alam sa kanya bukod sa isa siyang prinsipe ng Eldoria.

Nanatili kaming tahimik hanggang sa bumalik sa pagiging walang emosyon ang mukha ni Xiane. Dahan dahan siyang tumayo at binitbit si Xayne papasok ng dorm.

Walang umimik samin. Nanatili kami sa aming posisyon hanggang sa nawala sa aming paningin si Xiane at Xayne.

Xayne sana ay magiging okay kana.

END OF CHAPTER THIRTEEN

__________________________________

See you next chapter!!!!

Am I Still Dreaming Where stories live. Discover now