Kabanata 6

0 0 0
                                    

_________

Kabanata 6
_________


Lumipas na ang ilang oras ngunit hindi ko pa rin makita si ama. Tinawag na ko siya ngunit tanging mga ibon lamang ang sumasagot sa akin. Sa sobrang lawak din ng kagubatan ay hindi ko alam kung saan na ako tutungo.

"Mahahanap natin si ama, Capi." Turan ko habang iginagala ang paningin sa paligid.

Mataas pa rin naman ang sikat ng araw kung kaya't malaya kong nakikita kung ano ang nasa paligid ko. Sa katunaya'y wala namang kakaiba rito, ang mga punong nakatanim dito ay katulad lamang din sa mga punong palagi kong nakikita sa kabilang kabundukan.

Napaka-laking misteryo ngunit hindi ko alam kung ano. Ngayon nga'y hinahanap ko si ama rito ngunit hindi ko naman alam kung nasa-saan siya.

Sa ilang oras na aking paghahanap ay napunta ako sa lugar na tila may kaingayan. Agad akong bumaba sa sinasakyan kong kabayo at agad na sinilip kung ano ang mayroon.

Mula sa aking kinatatayuan ay nakita ko ang mga kalalakihan na halos pareho-pareho ang mga kasuotan. May mga bitbit silang mahahabang baril na kahapon nga'y itinuro sa akin ni ama kung papaanong gamitin. Kung titingnan ng maigi ay sadyang magagara ang kanilang kasuotan, itim ang pang-itaas at maging ang pang-ibaba. Ang damit nila'y mahaba ang manggas at sa ilalim niyon ay may puting damit. Pareho-pareho sila ngunit nakaka-takot ang ekspresiyon ng mga mukha nila.

Nilibot ko ang aking paningin, siguro'y nasa dalawampu silang katao na naroon. Mistulang may hinahanap na kung ano.

Maingat akong humakbang palapit sa kinaroroonan nila. Ilang sandali rin ay rinig ko ang biglaang pagkalampag. Mula ang ingay na iyon sa tila maliit na sinisilungan na kulay itim ang bubong. Doon din ay nakita ko ang nakagapos na lalaki na nasa lupa. Nagpupumilit itong makawala ngunit hindi niya magawa. Pilit din siyang itinatayo ng dalawang lalaking naka-itim at pagkuwan ay tila ba galit itong pinagsalitaan ng isa pang lalaki na nasa harapan niya. Nang tila hindi magustuhan ang sinagot ng lalaking nakagapos ay bigla nitong inundayan ng suntok ang lalaki. Wala siyang nagawa kung hindi ang salubungin ang mga suntok ng naka-itim na lalaki dahil nakatali siya.

Kita ko ang muling pagpupumiglas ng lalaking nakagapos. Pinagmasdan kong maigi ang kasuotan ng lalaking nakagapos, ayoko man na mag-isip ng kung ano ngunit hindi ko mapigilan. Ang kasuotan kasi ng lalaking nakagapos ay katulad ng kasuotan ni ama noong siya'y umalis. Ang itim na pantalon nito't puting kamiseta tsino ay tugmang-tugma sa kasuotan ng lalaking bihag.

"Hindi siya iyon," mahina kong turan sa sarili. Mula rin sa pinagtataguan kong malaking puno ay muli akong maingat na naglakad patungo sa isa pang puno na mas malapit sa kinaroroonan nila upang mas makita kung ano ang ginagawa nila.

"Dalhin na 'yan sa sasakyan," utos ng lalaki na kaninang sumuntok sa kanilang bihag.

Agad namang tumalima sa kaniyang utos ang dalawang kasamahan. Kitang-kita ko kung paano nila hilahin ang lalaki dahil wala na itong lakas dulot ng mga pasang natamo niya. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang kanina ko pang tinutukoy na mukha ng lalaki at hindi nga ako nagkakamali. Kahit pa may kalayuan ako sa puwesto nila'y hinding-hindi ako magkakamali sa nakita. Ang lalaking kanilang bihag ay walang iba kung hindi si ama.

Hindi ko mawari kung ano ang aking mararamdaman dahil sa nalaman. Awang-awa ako sa kalagayan ni ama. Batid kong sobrang hirap ang kaniyang dinanas sa kamay ng mga walang-awa na mga taong iyon upang magkaganoon siya. Nakakagalit, gusto ko silang sugurin at pagbayarin dahil sa ginawa nila kay ama ngunit sa dami nila'y hindi ko kakayanin. Mas malakas ang kanilang pangdepensa kumpara sa dala-dala kong espada.

The Gifted Unknown Where stories live. Discover now