Kabanata 3

3 0 0
                                    

_________

Kabanata 3
_________

Apat na araw agad ang mabilis na lumipas at sa apat na araw na iyon ay magkakapareho lamang din naman ang aking mga ginawa. Ngayon nga rin ay pinaghahandaan ko ang pagbabalik ni ama, maaaring ngayon na siya dumating o kaya nama'y mamayang takip-silim. Nalinisan ko na ang buong paligid ng aming tahanan at pati na rin ang loob. Nakapaghanda na rin ako ng pagkain sapagkat alam kong gutom siya dahil sa layo ng kaniyang nilakbay. Sana nga lamang ay maayos siyang makakabalik.

Abala ako sa pagbabasa nang marinig ko ang pag-iingay ni Capricorn na nasa may tarangkahan. Agad kong tinakbo ang kinaroroonan nito upang alamin ang kung anumang nangyayari dito.


Nang makalapit ako'y agad kong hinawakan ang tali nito't hinaplos ang ulo nito upang kumalma. Kinausap ko rin ito upang tumigil ito sa paglilikot na siya namang gumana.

Hindi ko alam kung bakit siya nagpupumiglas sa tali niya. Hindi naman siya ganito dati.

"Kalma, Capi." Pag-aalo ko habang hinihimas ang ulo ulo niya. May tinatanaw siya kanina pa sa malayo kung kaya't sinundan ko ito ng tingin. Nagsisiliparan ang nga ibon mula sa kagubatan na tila ba ay may tinatakasan na kung ano.

Napakunot ang noo ko dahil doon. Nangyayari lamang kasi na nagsisialisan ang mga ibon sa kagubatan sa tuwing may hindi magandang pangyayari o nangyayari.

Pinagmasdan kong mabuti ang katapat na kagubatan. Hindi ko alam ngunit may kakaiba akong nararamdaman. Hindi katulad ng mga nakaraang araw, hindi ito kasing payapa at matiwasay na titigan.

Hindi ko inalis ang mga tingin ko rito. Patuloy pa rin sa pagliparan ang mga ibon patungo sa kabilang bundok. May kung ano'ng ang nangyayari mula roon.

Habang nakikiramdam sa paligid ay isang napakalakas na tunog ang nakapagpatakbo ng malakas sa pintig ng aking puso. Kinabahan akong bigla. Ngayon ko lamang iyon narinig sa tanang-buhay ko.

Dahil sa malakas na tunog na iyon ay muling nagpumiglas sa tali ang aking alagang kabayo, at dahil sa hindi ko agad ito nahawakan ng mabuti dahil  sa pagkagulat kanina ay agad siyang nakawala at nakatakbo palayo.

Mas lalo akong tinakasan ng kaba sa dibdib dahil mabilis ang pagtakbo nito na para bang nababaliw. Patuloy ito sa pagtakbo patungo sa katapat na kabundukan.

"Capricorn, hinto!" Sigaw ko habang tumatakbo kasunod niya.

Malayo na ang distansiya niya sa akin na kahit bilisan ko pa ang pagtakbo ay hindi ko ito maaabutan.

Tagatak na ang aking pawis dahil sa aking pagtakbo. Medyo napapalayo na ako sa aming tahanan ngunit hindi ko naman maaaring pabayaan na lamang si Capricorn. Maraming mababangis na hayop dito sa bundok at baka mapagdiskitahan siya ng mga iyon.

Patuloy pa rin ako sa pagtakbo patungo sa daang tinahak nito ngunit natigilan din ako ng mapagtanto kung saan na ako patungo. Mapapagalitan ako ni ama kapag pinasok ko ito.

Pinakatitigan ko ang mga naglalakihang puno na nasa harapan ko na ngayon. Dulot na rin ng makulimlim na panahon ay nagmistula ng gabi sa loob ng kagubatan. Madilim na rito at napakatahimik na rin, tila ba walang nangyaring kakaiba, walang umalingawngaw na tunog ng tila ba pagsabog dito kanina.

Napapikit ako dahil sa sobrang pag-aalinlangan. Pinagbabawal ni ama na pumunta ako rito. Hindi pup'wede.

Malalim na buntong-hininga ang aking nagawa dahil sa pangamba. Nagsisimula na ring tumambol ang kalangitan na hudyat na rin ng pag-ulan. Napakadilim na ng mga ulap sa langit na ilang oras na lamang ay handa na itong bumagsak sa lupa dahil sa sobrang bigat na dinadala nito.

The Gifted Unknown Where stories live. Discover now