36 | In Chaos

180 9 0
                                    

AURORA'S POV

"Bakit bibisita ang Olympians dito?"

Kinabukasan, habang naglalakad papunta sa klase, pinaliwanag sa'kin nina Talia ang lahat nang kailangan kong malaman tungkol sa paparating na pagsasalo dito sa academy.

"Elysium Academy throws a three-day celebration in honor of the Olympians. Sina Zeus kasi ang nagpatayo ng akademyang 'ito para sa demigods na katulad natin, my love," paliwanag ni Talia. Napatango-tango naman ako.

Bakit kaya naisipan ni Zeus na ipatayo ang Elysium Academy? Ano 'yun, trip trip lang?

"No one really knows why Zeus built this institution but according to the myths, he wanted to find something of great importance," saad ni Amari habang nagbabasa na naman ng libro.

"Mhm, pero hanggang ngayon, ang sabi nila, patuloy pa rin sina Zeus sa paghahanap," dagdag ni Tazyn.

I nodded my head. Ano kaya ang hinahanap nila?

"Ano ang unang klase natin ngayon?" Biglang sumingit si Callie sa usapan. Tumingin siya nang mabuti sa schedule na hawak niya. "Greek History na naman?!"

Bigla akong napasimangot sa sinabi niya. Hindi talaga ako mahilig sa history!

"Mabuti pa yung boys..." May halong pagtatampo sa boses ni Talia. "Wala silang klase ngayon. Sila kasi ang nag-aasikaso ng paparating na event."

"I would rather waste my time reading than prepare a useless event for useless gods." Bigla kaming napatingin kay Amari nang sabihin niya 'yon. May matinding galit sa kanyang tinig pero nang tignan ko siya, blanko lang ang kanyang mukha, patuloy sa pagbabasa.

"Well..." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Talia. "I can't argue with you on that one, my love."

"Ssh! Baka marinig tayo!" saway ni Callie, nanlalaki ang mata. Nagulat siguro siya sa sinabi ng mga kasama namin.

"Edi pakinggan nila." Tazyn giggled. "Baka matauhan sila hihi." Napuno ng tawanan ang buong hallway na nilalakaran namin.

Hindi ko maintindihan kung bakit malalim ang kanilang galit sa mga Olympian...

Pero nauunawaan ko ang kanilang nararamdaman sapagkat maging ako ay nagalit na rin sa kanila.

Pagkatapos ng ilang segundo, nakakita kami ng itim na pusa kaya medyo nagulat ako. Lalapitan ko sana ito pero sabi ni Callie, wag ko na raw ito pansinin. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

Ilang minuto ang nakalipas at hindi ko namalayan na dumating na pala kami sa silid-aralan namin. Sinalubong kami ni Miss Elliana.

"Good day, Elysians," bati niya.

Agad na ngumiti si Tazyn sa kanya. "Hello po, Miss Elliana!" magiliw na bati niya pabalik. Katulad niya, isa-isa rin kaming bumati sa guro namin bago umupo.

Tahimik akong naghanda sa pag-aaralan namin ngayong araw.

"The last time we met, I told you to research about the Olympians. Did anyone do it?" 'Yun ang una niyang tanong sa'min. Nagpigil ako ng tawa nang makita ang pag-iwas ng mga tingin nina Callie at Talia.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now