02 | Invitation

692 69 37
                                    

"Elysian Class? Elysium Academy? Teka nga, isa isa lang," nalilitong saad ko.

Natawa si Callie sa inasta ko. "Let's go somewhere more... private."

Napagdesiyunan naming umuwi sa bahay namin ni Mira. Since she's also from the greek realm, she could help me understand more.

I guess I still have a lot to learn. Na kahit isang demigod rin ako, konti pa lang ang alam ko.

Mula pagkabata kasi ay sa mortal realm na ako tumira. Hindi naman ako nahirapan makisama nung una dahil bukod sa espesyal na kulay ng mata ko, anong pinagkaiba ko sa kanila?

But then I remembered they're normal... while I'm far from that. The line that the mortals and I have should not be crossed.

Nang makauwi mula sa mall, sumalubong sa'min ang gwardiya na nagbabantay sa labas ng bahay. "Good day, Lady Deia," nakangiting bati nito sa'kin. Tinanguan ko lang siya bilang tugon.

"Deia, my love, mahal na ata kita! Ang yaman mo pala!" Nagtatalon sa tuwa si Talia habang pinagmamasdan ang kapaligiran namin. Napatampal ako sa noo ko.

"Talia, naubusan ka na naman ng allowance, noh? Have you been shopping for clothes again?" pangbabara sa kanya ni Callie. "At this point, iisipin kong anak ka talaga ni Aphrodite at hindi ni Apollo."

"Shut up, everyone," sermon sa kanila ni Amari. Wala tuloy nakaimik sa'ming lahat kundi babatukan kami ng anak ni Athena.

Or worse... she might break my bones.

Nakarating na ako sa harapan ng pinto at pipihitin ko na sana ang doorknob kaso naunahan ako. Bumungad sa'kin ang mukha ni Mira. "Come in," she said. It was like she expected us to come.

Hindi man lang siya nagulat na kasama ko sina Callie.

Nagkatinginan kaming lahat bago pumasok sa loob gaya ng utos ni Mira. Pinaupo niya kaming lahat sa salas habang dumiretso muna siya sa kusina.

Pagkaupo ay agad silang tinadtad ni Ali ng tanong. Napatakip nalang ako sa mukha dulot ng hiya. "May mga tanong ako," panimula niya. "Una, anong pakay niyo kay Deia? Pangalawa, sino kayo?"

Napangiti si Talia dahil doon. "To answer your question... we're here to find a demigod named Deianeira. Based on your friend's nickname which is Deia, I'm assuming we're right, darling!"

Deianeira... that was really me.

"Pwedeng magtanong?" Napatigil ako nang mapagtantong nagtatanong na pala ako. "Ah... how are you sure that I'm the one you're looking for? In fact, there might be another demigod named Deianeira out there."

Sumingit si Amari sa'kin. "Our mechanism never lies. It's made by Miss Elliana herself, a daughter of Hermes. It's designed to specifically find you," seryosong sagot niya.

I got chills. Literally. Nakakatakot pala talaga ang mga anak ni Athena.

Pero bakit nila ako hinahanap?

"Nasagot ko na ang pangalawang tanong mo kanina pero sige uulitin ko nalang." Kinindatan kami ni Talia  bago magpatuloy. "I'm Talia of the Elysian Class, daughter of the sun god, Apollo. Nice to meet you. Tazyn, love, it's your turn!"

Nahihiyang tumingin sa'min ang babaeng katabi niya. Ngumiti siya at pinigilan ko ang sarili kong pisilin ang pisngi niya. Nagmumukha siyang cotton candy ngayon dahil sa kulay ng buhok niya. Pink.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now