16 | Mysteries

539 51 49
                                    

AURORA'S POV

"What in the name of Hades did I just do?!"

Nagpagulong-gulong ako sa aking kama habang inaalala ang nangyari kanina lang.

"Why are you crying..." he asked. "Aurora."

Agad akong napatigil bago lumingon sa aking likod. Agad ko siyang nakita na seryosong nakatingin sa'kin habang nakapamulsa.

Tinitigan niya ako, 'tila sinusuri ang buong pagkatao ko. Mula ulo hanggang paa, wala siyang pinalampas. Huling dumako ang paningin niya sa mga mata ko.

I saw his eyes shine for a second.

His eyebrows furrowed and his face had a stern and serious expression. "Why are you crying?" tanong niyang muli. Imbes na sumagot ay tinitigan ko lamang siya.

After a few seconds of not answering, he spoke once again. "Answer me." His voice had a strange pull to it, like a command I was forced to follow.

"Nang umiyak si Tazyn, nalungkot ako." Hindi ko alam pero yun ang nasagot ko sa kanya. Napakadaya nga dahil kayang-kaya niyang ilabas lahat ng nararamdaman ko sa isang utos niya lang.

Napataas ang isang kilay niya, nagulat sa sinagot ko. "What makes you say that?" Naramdaman ko na naman ang hatak ng kanyang kapangyarihan.

I scoffed. Ayoko na makipag-usap sa kanya. Hindi naman sa bastos ako, ayaw na ayaw ko lang talagang inuutusan.

"Stop commanding me." Biglang naibulalas ko.

He lifted a corner of his lips, not in amusement but in annoyance. Napatango-tango pa siya, kinakalma ang sarili. Pagkatapos, huminga siya ng malalim bago umiwas ng tingin.

"Forget what I said," utos niya. "Go."

Napatingin ako sa kanya at napasingkit ng mata. Pinapaalis niya ako?

Parang nabasa niya ang isipan ko kaya sumagot siya. "I'll tell the headmistress you weren't feeling well."

Agad kong nakuha ang sinabi niya kaya tinanguan ko siya bilang pasasalamat.

At sa huli, habang tinatahak ko ang daan pabalik sa dorm namin ay narinig ko ang huli niyang sinabi na hanggang ngayon ay bumabagabag sa'kin.

"What in the realms?! Bakit ko naman nagawa yon?" sermon ko sa aking sarili. Napatakip ako sa aking mukha habang nakatingin sa salamin na nasa kwarto ko.

Anak pa naman ni Aphrodite ang sinabihan ko ng ganon. Paano kung utusan niya akong lumuhod o mas malala ay isumpa niya ako- "I think I need fresh air."

Tama. Kailangan ko lang magpahangin. Wala na rin kaming klase ngayon kasi natigil siya dahil kay Tazyn.

Speaking of Tazyn, I wonder how she's feeling.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now