Chapter 8

3 0 0
                                    


"Aga niyo naman po gumising, sir? Good morning po." Bati ko kay sir Brent habang nagtatali ng buhok ko.

Kakagising ko lang at galing ako sa kwarto dahil naghilamos muna ako bago bumaba. Alas cinco palang naman at otso pa ang pasok ko.

Nadatnan ko si sir Brent na nakasandal sa counter table habang naka puting v-neck shirt at gray sweatpants. Magulo ang buhok nito at pakiramdam ko ay naalimpungatan. May hawak itong tasa ng kape at nang magtama ang tingin namin ay para akong nakatitig sa mata ng isang lawin o hawk.

Ang pungay ng mata nito at manlalambot ka sa ganitong oras. "Morning," bati niya din gamit ang tinatawag nilang bedroom voice.

"May gusto po ba kayong kainin?" Tanong ko habang nagtimpla ng sarili kong kape. Ramdam ko ang pagsunod ng kaniyang mata sa bawat galaw ko at hindi ko itatangging ang epekto na ginagawa nito saakin.

Hinusgahan niya na ata buong kaluluwa ko. Nakakahiya baka makita niya na naglalaban ang puti at maitim kong budhi. Nakasuot lamang ako ngayon ng malaking itim na T-shirt na abot saaking tuhod. Kay kuya ata 'to eh naligaw sa cabinet ko, paniguradong hinahanap niya 'to. Kasalanan niya dahil burara siya eh.

"Toast me a bread with butter," aniya at tumango naman ako agad.

"Swerte niyo naman sakin, all in one na skills ko nito ah." Pagdaldal ko dito pero wala pa ata siyang gana makipag usap kaya para tuloy akong nakikipag usap sa hangin.

"Why did you wake up so early?"

"Masipag kasi akong empleyado,"

"You still have 3 hours to prepare."

"Ikaw dapat tinatanong ko niyan eh. Bakit ang aga niyo gumising? Mamaya pa alis niyo ni Em-ma'am Emilia ah? Ano 'yan excited much?" Balik tanong ko sakaniya at tinignan ito habang nag to-toast.

"We'll leave quarter to seven because we're going to Batangas." Lumapit siya malapit sa tabi ko at tinulungan ako maglagay ng butter.

"Ganiyan dapat! Aware ako sa ganap sa buhay mo parang others eh. Dapat kada may gagawin ka iisipin mo na ay hala hindi ko pa sinasabi kay George!" Sambit ko at bago pa makapag salita ang boss ko ay sinalpakan ko na ito ng tinapay sa bibig.

He glared at me pero ngumiti lang ako nang mapang-asar."What's with the updates you're not even my girlfriend or my family."

"With all due respect po, sir, kumuha ka pa ng Personal Assistant kung ganiyan sasabihin mo edi sana pinag apply mo nalang si Clara dito para may rason kada update mo? Siyempre, alangan naman urgent tapos hindi ko alam sa'n ka hahagilapin sa Pinas." Sagot ko sakaniya.

Totoo naman kasi! Hindi ata siya 'yung gumawa ng kontrata eh! Alam kong feeling close ang akto ko sakaniya dahil doon ako comfortable at sabi naman ni Megan na magpakatotoo lang ako. At least hindi ako plastik na kailangan pa maging mabait para lang makakuha ng compliment sa ibang tao.

Kumain din ako ng tatlong toast bread bago ako umakyat. Naligo ako at nagbihis na. Ang suot ko ngayon ay Black shirt muna pero mamaya ay Black na half sleeve tutle neck shirt at brown na trousers. Mayroon din akong belt at puting sapatos pero dala ko ang itim na heels ko sa bag.

Inilugay ko lang ang buhok ko dahil basa pa ito. Balak ko mag commute kasama si Adam. Bago ako nakatulog kagabi ay tinext at tinawagan ko ito.

"Good evening, Adam. Ako 'to si George."

[Georgina? Good evening din. May problema ba?]

"Uh magtatanong lang sana kung alam mo pasikot-sikot pag nag commute?"

[Why? Mag co-commute ka bukas?]

"Yep! Kanina kasi ano hinatid lang ako ng kakilala ko."

[Sumabay ka na kaya sa'kin? I'll fetch you nalang? Saan ka ba nakatira?]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Melt my Heart to StoneWhere stories live. Discover now