Chapter 3

2 0 0
                                    

"Ate, aalis ka po ba talaga?" mahinhing tanong ni Maesy, ang kapatid ni kuya Moises.

"Miss mo na ako agad? Mag kuya talaga kayo." Sabi ko at ginulo ang buhok niya.

"S-sino na kalaro ko? Akala ko po ba 'di niyo ko iiwan..." pahinang sabi niya.

"Maesy, babalik ako dito ano ka ba. Pupunta ako do'n para pag may pera na si ate tapos pupunta tayo sa gusto mong puntahan. Ayos ba 'yon?" Sabi ko dito habang kaharap ko ito na nakaupo sa upuan.

Hirap siyang maglakad at makakita. Si Maesy ay may type 1 diabetes. Sa murang edad na 11 years old ay nakakalungkot dahil tuwing gusto niya maglaro sa labas pero hindi pwede dahil masyadong delikado sa kondisyon niya. Hindi kasi kami lagi may insulin para sakaniya kaya minsan napapabayaan at bigla siyang nag se-seizure. Dito lang kami sa bahay madalas.

Genetic ang diabetes niya dahil mayroon ang tatay niya. Last year lang namin nalaman dahil na-ospital siya. Kaya hanggang kaya ko ay pinapatos ko lahat para kay Maesy. Gumagawa din ako ng paraan para naman hindi siya mabored sa bahay.

"Promise?" Tumango ako.

"Ano ba gusto mong pasalubong?" Tanong ko.

"Wala, ate. T-tama si mama kagabi dapat hindi kami lagi, ikaw naman. Basta dapat masaya ka do'n ha? 'Lika dito ate," aniya at lumapit naman ako dahil may ibubulong daw siya "malay mo doon makahanap ka ng b-boyfriend! Iuwi mo dito ah?"

"Ano ka bang bata ka! Boyfriend? Alam mo namang crush ko si Clara eh!" Bulong ko din at tumawa lang siya.

"Hindi kaya. Feeling ko idol mo lang di ate Clara kaya nasasabi mo 'yan. Pusong babae ka kaya!" giit niya pa.

"Alis na ko kung ano-ano pa sinasabi mo. Hintayin mo ko ah?" Sabi ko at niyakap ito.

"Naman, may promise ka eh." Sabi niya pa at nag thumbs up pa kaya napailing ako.

Dala ko ang gamit ko. 6 am na at sabi ni Megan ay doon ko daw sila i-meet sa kanto. Nagsuot lang ako ng pantalon at itim na t-shirt kapartner ng nag-iisang rubber shoes ko. May sumbrero din ako na nakalikod, ang astig ko kasi tignan.

"George! Saan ang punta?" Tanong ni Kanor, isa sa mga tambay dito.

"Luluwas akong Maynila. Hoy! Bayaran mo 'yan kay aling Linda, patay ka nanaman!" Sabi ko dito nang makitang kumupit siya ng candy. Tumawa lang ito at umo-oo.

Hinanap ko si kuya kanina pero nakaalis na daw sabi ni auntie. May topak ba 'yon?

"Are you ready?" Tanong ni Megan ng makarating ako doon at tumango ako. Pinakuha niya ang gamit ko sa driver niya.

"Gagi! George, aalis ka talaga? Parang di kaibigan!" nakabusangot na sabi ni Gabriel.

"Ayaw mo no'n wala ng siga dito?" Sabi ni Zoren kaya binatukan ko. "Aray ko! Ito naman joke lang eh. Alagaan mo sarili mo doon ah! Tatanga-tanga ka pa naman."

"Bibigwasan na kita!" Inis na sabi ko at tumawa naman sila.

"Tawagan mo kami pag may kailangan ka ah." Sambit ni Lemuel at tumango ako.

"Ingat ka," sabi naman ni Xian at ngumiti ng bahagya.

"Ano Wilfred? Wala ka bang farewell message?" Tanong ko dahil siya lang ang walang sinabi.

"Wala. Mamatay ka na ba?" Sabi niya at ngumit nalang ako ng pagkatamis.

Bakit ko ba sila naging kaibigan?

"Papalitan ko na kayo! Ang sasama niyong nilalang!" Sabi ko pa at tinawanan lang nila ako.

"Ayos your cap nga! Should be like this," sabi ni Megan at inayos ang sumbrero ko.

Melt my Heart to StoneМесто, где живут истории. Откройте их для себя