Chapter 1

3 0 0
                                    

Your face lights up the sky on the highway.
Someday, you'll share your world with me someday.
You mesmerize me with diamond eyes;
I try to fool myself to thinking I'll be alright.
But I am losing all control -
My mind, my heart, my body, and my soul

Sa kasalukuyang tumutugtog nanaman ang paboritong kanta ni Aling Mutya sa radio na Balisong na kinanta ng Rivermaya. Halos araw-araw mo maririnig ang mga kanta ng Rivermaya, Eraserheads, at Kamikazee sa radio nila at minsan nakakapikon na. Puro naman kasi pang inlove! At kung hindi naman ay pang broken. Pucha! Sige, sabihin nating may mga kanta namang pansarili at naaliw din naman ako kahit pa-paano.

Never in my life have I been more sure,
So come on up to me and close the door.
Nobody's made me feel this way before;
You're everything I wanted and more.

To speak or not to; where to begin.
Your great dilemmas I'm finding myself in.
For all, I know you only see me as a friend.
I try to tell myself wake up fool; this fairy tale's got to end.

Biyuda na si Aling Mutya. Higit limang taon na siguro dahil intake sa puso si Mang Bert. Napaka bait na tao ang isang 'yon! Binibigyan kami lagi ng isda na nahuli niya sa pamamalaot sa dagat lalo pag wala kaming ulam. Hindi ko rin naman masisisi si Aling Mutya dahil wala ring naiwan na anak si Mang Bert sakaniya.

Never in my life have I been more sure,
So come on up to me and close the door.
Nobody's made me feel this way before;
You're everything I wanted (more).

Never in my life have I been more sure,
So come on up to me and close the door.
Nobody's made me feel this way before;
You're everything I wanted (more).

You're everything I wanted

Ano ba pakiramdam ng inlove? Nakakasira daw 'yan ng ulo eh! Wala na ngang laman ulo ko masisira pa. Wala rin naman sa plano ko 'yan! Masyado akong abala sa paghahanap ng trabaho at pagmasdan ng patago ang kinahuhumalingan kong babae. Mga tol, ang ganda kasi! Ang bait pa tapos matalino!

Hindi ako inlove siguro crush o infatuation lang? Kay tanda ko na pero may ganito pa ako. Eh sa tao pa rin naman akong may feelings!

"George! Nag almusal ka na ba?" tanong ni Aling Mutya.

"Hindi pa nga ho eh," sagot ko sabay himas ng batok.

"Aba'y alas otso na ah? Halika't nagsangag ako at may itlog dito." sabi niya naman.

"Huwag na ho! Kayo nalang po!" tanggi ko kahit pa gusto ko naman talaga! Aling Mutya, isa pa pong tanong!

"Aba'y sigurado ka ba?" aniya pa at sumilay naman ang ngiti ko sa labi.

"Sige na nga po! Salamat po!" sagot ko at tumuloy sakanila para mag agahan.

Ganito kadalasan ang routine namin. Konti na nga lang iisipin ko nang palamunin ako ni Aling Mutya o ampon nila ni Mang Bert! Si nanay kasi OFW tapos si tatay may iba nang pamilya. Sa tiyahin ko ako nakatira pero siyempre may pamilya din siya kaya ayoko maging pabigat.

"Ilang taon ka na nga ulit?" tanong ni Aling Mutya habang pinagtitimpla ako ng kape.

"Bente tres ho." sagot ko at nagsimula kumain. Napatingin siya saakin mula ulo hanggang paa kaya naman nalulon ko lahat ng kanin sa bibig ko. "Bakit po?"

"Bente tres ka na? Ay jusko! Mapapagkamalan kang diez y syete pa lang na lalaki sa itsura mo ngayon!" irita niyang sabi sabay lapag ng tasa sa mesa.

Dapat ba kong magdiwang dahil muka raw akong seventeen? O dapat akong mainis dahil muka raw akong lalaki? Wala namang kaso sakin iyon dahil talagang gusto ko ganito ang pormahan ko. Ayoko mag shorts na maikli kahit pa sabihin nilang may short bang mahaba! Meron! Meron! Ayoko rin naman mag bestida at palda! Isumpa ko pa kapogian ko hindi niyo ko mapapagsuot ng ganoon!

Melt my Heart to StoneWhere stories live. Discover now