Chapter 6

0 0 0
                                    

"Thank you po ulit sa pagsama sir, mauna na po ako sa taas." Sabi ko at nginitian ito habang dala ko ang mga gamit na pinamili namin.

"Georgina," tawag saakin ni sir Brent bago pa ako makaakyat sa hagdan kaya binalingan ko ito.

Georgina nanaman!

"Uh here," aniya at inabot saakin ang isang paper bag na may logo na apple.

Ano 'to? Mahal ang brand na 'to ah? Kinagat na mansanas! Para saakin ba 'yan? If oo, hindi ako aangal! Biro lang, grabe nakakahiya na ah.

"Para saan po 'yan?" Tanong ko sakaniya.

"Just open it upstairs. You'll be needing that no question asked." Sagot niya lang sabay abot saakin ng paper bag at inunahan akong umakyat.

"Winalk out-an ba naman ako?" Bulong ko sa sarili at pumunta na ako sa kwarto.

Hapon palang at wala pang tao sa bahay dahil sabi ng mga katulong ay may kaniya-kaniyang lakad ang mga tao dito. Nagtagal kami na paikot-ikot sa Manila para lang may alam akong pasikot-sikot pero malas lang dahil hindi ko pa rin alam saan sasakay pag mag co-commute dahil naka kotse kami ngayon.

Binuksan ko ang paper bag na bigay ni sir Brent at nanlaki ang mata ko sa nadatnan. Macbook, Ipad, at Iphone? Tangina. Sinampal ako ng kahirapan! Legit kung may kamay lang ang lupa ay sinampal ako nito sa katotohanang hampas lupa ako sa mundonh ito.

Napaka swerte talaga ng may pribilehiyo mag aral sa magarang eskuwelahan at may sapat na pagkaka-kitaan na maitaguyod ang pamilya nang hindi na nag-iisio ng problema kung paano mabuhay. Ngunit swerte pa rin ako na natuto at lumaki akong kuntento sa kung ano ang mayroon ako ngayon dahil isa pa din itong biyaya na galing sa Panginoon.

Ginugol ko ang oras ko sa pag aayos ng gamit at pag-aayos ng gadget na ito. Hindi oa ako pamilyar pero may alam naman ako dahil ganito ang cellphone ni Clara na hinihiram namin.

Umidlip din ako sandali at napag pasiyahan na bumaba muna para tumulong sa gawaing bahay.

"Hello, may maitutulong ba ako?" Tanong ko sa nakita kong katulong rito na nagwawalis.

"Hello po, ma'am! Naku, wala ho. Nakakahiya po sainyo pasensiya na po at bibilisan ko na po dito." Aniya at ngumuwi ako dahil nakailang 'po' siya saakin.

"Ate naman eh. Hindi naman po ako amo niyo para gamitan niyo ng 'po' at ako po dapat ang gumagamit no'n para igalang kayo. Ako nga po pala si George. Nagtra-trabaho po ako para kay Mr. Johaness at sa anak niyang lalaki. Parehas lang po tayong amo ang mga Martini." Sabi ko dito habang nakangiti pa din.

"Sigurado ka ba?" Tanong niya pa at tumango ako. "O siya sige, ako nga pala si Eugene, ako ang pinaka matagal na katulong ng mga Martini. Tawagin mo nalang akong 'nay Eugene"

"Mayordoma ho ba kayo?" Tanong ko.

"Parang ganoon na nga," sagot niya.

"Pwede ko po ba kayong tulungan?" Pumayag naman ito. Tinuloy ko ang pagwawalis ni 'nay Eugene at pagkatapos ay pumunta kami sa kusina.

Hindi daw dito mag-hahapunan ang pamilya kaya kami lang ang kumain at nagpaalam na ko na pupunta na sa kwarto. Alas dyiz na nang may kumatok sa pinto kaya binuksan ko ito.

"Hi, George!" Sabi ni Megan at pumasok.

"Nakauwi ka na pala," sabi ko dito at sinundan siya ng tingin.

"Yep! We went to Baguio because Mamita wanted to check out farm. Anyway, how was your day with my brother? Where's your clothes? What did he bought for you? Let's plan your clothes tomorrow! It's your first day," sunod sunod na sabi niya at binuksan ang closet at naglabas ng mga damit na inayos ko kanina.

Melt my Heart to StoneWhere stories live. Discover now