Chapter 4

1 0 0
                                    

"Good evening po," nakayukong sabi ko dahil sa hiya na ang tagal ko bumaba.

"George! Come and sit beside me!" abot langit na ngiti na sabi ni Megan kaya naman ay tumabi ako sakaniya.

"Mukang napasarap ang tulog mo, hija." sabi ni Mr. Johaness at napakagat nalang ako sa sarili kong labi.

Naiiyak ako! Ampota!

"You should eat," sabi ni Megan at nilagyan ng pagkain ang plato ko.

"A-ako na..." mahina kong sabi at kinuha sakaniya ang sandok.

"Don't be shy! You'll stay here naman for the meantime kaya you should masanay." conyo nanamang sabi ng babaitang katabi ko.

Napapanguwi ako sa pananalita niya eh. Parang baby...

"Megan's right, hija. And Clara's your friend, hindi naman malayo saamin ang batang 'yon. Napakabait..." sabi ni Mr. Johaness.

Baka laloves ko yan! Joke!

Bigla nalang napaubo si sir Brent nang bigkasin ang pangalan ni Clara. Pag-ibig nga naman...

"Brentley Isidore, care to share something?" seryosong sabi ng tatay niya.

Humagikgik naman ng tawa si Megan kaya sinamaan siya ng tingin ng kaniyang kuya. Ang saya-saya talaga magkaroon ng kuyang maasar. Pero infairness ah! Yayamanin pati ang pangalan ng isang 'to. Mapapa back-off ako bigla kay Clara...JOKE! Baka bangko naman 'to sa basketball!

"I think we should talk about it later, Dad" aniya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Anyway, George wake up early tomorrow ha. I'll tour you to Manila and also buy you some clothes..." sabi niya at tinignan ang suot ko.

May mali ba sa suot ko? Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Suot ko ay isang malaking puting t-shirt at jersey shorts na hanggang tuhod ko. May suklay pa ngang nakalagay sa buhok ko kasi habang bumababa ay nagsusuklay ako sa kakamadali.

"Bakit? Mali ba? Or may required na isuot sa bahay niyo?" diretsahang sabi ko.

"You're the total opposite of Clara, my dear. Truly opposite attracts even in friendship..." sabi muli ni Mr. Johaness.

"There's nothing wrong with your clothes but something wrong with how you clothe. People will make fun of you if they see you wearing that here in Manila. Well, you can freely wear those inside this house because I can notice that Daddy and Kuya don't care about it. I don't want you to get bullied here, I promised Clara I would take care of you while you're here..." paliwanag nito.

"Ahh. Kailan nga ulit ang uwi niya?" tanong ko

"I actually don't know," mahina nitong sagot.

Kumain na din ako at nag-usap naman silang mag-aama tungkol sa business at company nila. May nagets naman ako pero konti lang. Mas natuon ang pansin ko sa mga pagkain dahil ang sa-sarap! Parang buffet eh. Ang problema ay puro gulay...baka naman magmuka akong kambing dito.

Natapos din kami kumain. Nagkwentuhan lang saglit at nauna umakyat si Brent. Maya-maya ay sumunod na din ang tatay niya at si Clara. Naiwan ako dito. Gusto ko lang maglibot-libot.

Ang laki talaga ng bahay nila. Siguro, palagi nandito si Clara. Panigurado ding parang reyna ang turing sakaniya dito, ikaw ba naman ay maging girlfriend ng isang soon-to-be CEO na may magarang pamilya. Kay swerte ng mapapangasawa ng dalawang anak ni Mr. Johaness.

Ganito ang pangarap ko para sa pamilya ko. Kung tutuosin ay kahit mas maliit pa dito ay okay na okay lang, ang importante ay masaya at maginhawa ang bawat isa. Tipong walang problema sa pera at gastusin. Ang dali kasing sabihin na gusto ko nito at magiging ganito ako kahit ang reyalidad ay napaka masalimoot dahil parang buwan ang mga pangarap, mahirap abutin.

Melt my Heart to StoneWhere stories live. Discover now