CHAPTER 3: NIGHT SPARK

679 74 9
                                    



"LOLO, lalabas po muna ako saglit," paalam ko kay lolo.

"Saan ka pupunta apo? Gabi na, baka mapahamak ka," nag-aalalang sabi ni lolo.

"D'yan lang po ako sa malapit, hindi naman po ako lalayo. Pagpapahangin lang po ako saglit tapos babalik na rin po ako agad," sabi ko at matapos ang ilang segundo ay sumang-ayon na rin siya.

Buong gabi akong mulat at 'di makatulog, kaya minamabuti ko na lamang lumabas muna para magpahangin sa labas. Maayos din ang langit ngayon, napakaclear at masarap manuod sa madilim na kalangitan kung saan makikita mo talaga ang mga nagniningning na bituin.

Napagdisisyonan kong pumunta sa lugar na dati kong pinupuntahan. Sa lugar na pinupuntahan ko kapag napapagalitan ako ni mama at ang lugar kung saan saksi sa lahat ng luhang binitawan ko.

Habang papalapit ako nang papalapit, natanaw ko ang isang imahe ng tao. Hindi ko ba alam pero imbis na makaramdam ng takot dahil baka multo 'to ay parang nagkaroon ng sariling buhay ang mga paa ko at nagpatuloy ako sa paglapit sa kan'ya. 

Habang papalapit ako nang papalapit, I saw a man standing and looking calmly at the sky. He's tall at ang mga kamay nito ay nakapaloob sa dalawa niyang bulsa. He doesn't look familiar to me. Nakatalikod ito at hindi ko mawari kung sino nga ba siya.

Napahawak ako sa may bandang dibdib ko. Napakabilis nang tibok nito, very unusual sa normal na tibok ng puso. Pero bakit? Bakit nakakaramdam ako ng ganitong. . . kaba? I don't know either, dahil ba natatakot ako? Pero hindi eh, iba ang nararamdaman ko, kakaiba at parang. . . unang beses ko pa lang itong naramdaman.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ako sa kaniya. Wala sa sarili akong tumapat sa kinatatayuan niya na siyang ikinagugulo ng utak ko. Bakit parang nagkakaroon ng buhay ang katawan ko?

"Amm," wika ko kaya napalingon naman ito at wala pang ilang segundo ay binalik na niya ulit ang atensyon niya sa mga bituin. "What are you doing here?" awkward kong tanong.

     Ako itong pafeeling close ngayon. Hindi ko alam kung saan ako humigot ng lakas ng loob para tanungin ang bagay na 'yun. Dapat hindi na ako nagtuloy dito at umuwi na lang, hindi ko siya kilala at baka kung anong—

"Looking," tipid niyang sabi habang diretso pa ring nakatingin sa itaas. Nakaramdam nanaman ako ng kakaibang pagpintig sa bandang dibdib ko nang marinig ko ang boses niya.

Minute passed by, hindi ko namalayan na nakatingin na pala ako sa kaniya. Sapat lamang ang liwanag na binibigay ng mga bituin at buwan para makita ko ang kaniyang mukha. He doesn't look ordinary, dahil kung ibabase mo sa itsura, kutis, pananamit at postura, masasabi kong nanggaling siya sa maayos o 'di kaya'y mayamang pamilya. Pero anong ginagawa niya dito sa probinsya?

"Ursa Major," he said without any emotion. Agad naman akong napatingin sa itaas at sumilay ang ngiti sa aking labi.

"Big Dipper," wika ko rin habang masayang nakatingin sa kalangitan. Napansin ko ang isang nakaw tingin sa akin ng lalaking kasama ko ngayon, pero saglit lamang iyon at muli niyang binalik ang tingin niya sa kalangitan.

  "The stars are the land-marks of the universe," he uttered. 

"William Herchel," sabay naming wika na ikinabigla ko at ganon din siya. Sabay kaming napatingin sa isa't isa at ng oras na nagtagpo ang mga mata namin, isang kakaibang pakiramdam ang dumaloy sa aking katawan at hindi ko na nagawang umuwas pa sa mga mata niya.

  For the first time in my life, I saw a beautiful sapphire orbs that shine beyond the millions of stars. Nakatingin ako sa napakaganda at bughaw niyang mga mata. Nakakatunaw at nakakadala ang mga ito and it feels like I don't have any strength to look away.

One In A Billion Stars | COMPLETEDWhere stories live. Discover now