CHAPTER 2: BEYOND THE GALAXIES

1K 90 16
                                    


"AGARTHA is a legendary Kingdom that is said to be located in the Earth's core. It is related to the belief in a hollow Earth and is a popular subject in esotericism."

Isang bagay ang nagvibrate sa aking parteng hita, ang cellphone ko. Palihim ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag, si Brianna.
Agad kong pinindot ang kulay pulang bilog at pinatay muli ang cellphone ko.

Binalik ko muli ang atensyon ko sa unahan. Kasalukuyan kaming nagme-meeting. Dinidiscuss dito ang sinasabi nilang 'Agartha' kung saan pinaniniwalaang isang kaharian sa loob ng mundo na napatunayan ni Vice-Admiral of the US Navy Richard Byrd, isang respetadong sundalo at tauhan ng Gobyerno nung siya ay nasa isang Flight Expedition at aksidente niyang nakita ang isang malawak na opening sa mismong gitna ng North Pole Ice Caps. Natuklasan rin ito ng mga Nazi Germans sa pamamagitan ni Adolf Hitler kung saan sa South Pole naman sila pumunta para pasukin ang isa pang butas. Matapos ito, pumunta rin sila sa Alaska at doon nagtago ang mga Nazi Germans at gumawa ng Military Base at City na tinatawag na "The New Berlin."

Muling nagvibrate ang aking cellphone at gaya nang ginawa ko kanina ay pinatay ko ito. Baka nanggugulo nanaman ang magaling kong kapatid dahil alam niyang busy ako palagi.

Para hindi na makasagabal pa ang atensyong ginagawa ng cellphone ko kapag may tumatawag, minamabuti ko na lamang na patayin ito.

"What can you say about this Ms. Mondragon?" tanong ng taong nasa unahan namin ngayon.

"I suggest that we should not show this to the public unless we have a strong proof and observation or study rather, we still need to do some further research about this thing," confident kong sabi sa kanila at lahat naman sila ay sumang-ayon sa aking sinabi.

Ngayon ay ika-23 ng Agosto taong 2021, tatlong taon na ang nakalipas matapos ang graduation ko sa kolehiyo. And for this pass few years, I gained my masteral degree and finished my basic training which is the first phase bilang paghahanda sa pagpunta namin sa WASA, the science's home on earth. At heto ako ngayon, unti-unting inaabot ang pangarap ko, pilit inaabot ang pangarap na tila impossible sa taong tulad ko. Pero sabi nga nila nothing is impossible. Wala mang bilyon-bilyong salapi, meron naman akong talento at kakayahang hindi matatapatan ng anumang halaga.

Kasalukuyang nasa pronbinsya ang pamilya ko. Matapos n'ong graduation ko, umuwi na sila dahil nagmamahal na ang mga bilihin at gastusin sa Maynila sabayan pa ng pag-aaral ko. Nakakatulong na rin ako kay na mama sa mga panahong ito.

Natapos ang pagpupulong ay kaniya-kaniyang nagpulasan ang mga kasamahan ko para lumabas ng room. Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad kong binuhay ang cellphone ko at laking gulat ko nang makita kung ilang missed call ang nagawa ni Brianna, 53 missed calls.

Nakaramdam ako ng kaba. Kung nantri-trip lang 'tong kapatid ko, sigurado ako na hindi siya mag-aaksaya ng oras para sa halos 53 na missed calls sa akin, pakiramdam ko'y may hindi magandang nangyayari.

Agad kong dinial ang number ni Brianna at wala pang ilang ring ay agad na itong sumagot.

"My gosh ate! Akala ko hindi mo na sasagutin ang tawag ko, kala ko 'di mo na maiisipang tumawag," tila nakahinga ng maluwag na sabi nito mula sa kabilang linya.   

"Bakit ba? May nangyari ba?" kunot noo kong tanong.

"Ate," tila nag-aalangan niyang sabi. "Kasi ano. . . 'yang si lola."

"Bakit anong nangyari kay lola?" takado kong tanong at kakaibang kaba na ang aking naramdaman.

"Wala na si lola ate, wala na siya."

One In A Billion Stars | COMPLETEDWhere stories live. Discover now