𝐱𝐢𝐯.

295 17 14
                                    

[ Kabanata 14 — Naudlot ]

[ Sa perspektibo ni Padre Burgos ]

May mga bagay na dumarating sa buhay ng isang tao na hindi maipaliwanag ang kadahilanan o layunin at kung bakit ito ay itinakda. Sa kaso ni Padre Burgos, dumating na siya sa punto ng kanyang buhay kung saan naranasan na niya ang lahat ng bagay na dapat na mapagdaanan ng isang tao. Nariyang itinakwil siya sa kanyang sariling pagkakakilanlan at tinuring na kabilang sa mga mababaw ang antas sa lipunan, nakaranas ng matinding pighati sa pagkamatay ng kanyang dakilang mentor, at ngayo'y sumibol ang dati'y hindi niya mawari na konsepto ng pag-ibig. Lulan na nga siguro ng kanyang buhay ang mga rehas na nagkukulong sa kanyang sarili na kailangan niyang sirain upang makaramdam ng mga bagay at karanasan na siya lamang ang may kakayahan na tuklasin para sa kanyang sarili....

Sa dulo ng aking bunganga sumisilong ang mga salitang nais kong sabihin ngunit hindi ito makawala. Patuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha habang yakap-yakap ang babaeng nilalaman ng aking puso't isipan. "I love you, Miriam. Mahal na mahal kita." Umigting ang damdamin na aking nararamdaman habang sinasambit ang mga salitang iyon nang may tapang na hindi ko kailanman naranasan na magkaroon noon.

"José...." Malumanay na tinig niya na sinundan ng isang malakas na paghikbi. "Natatakot pa rin ako para sa'ting dalawa. Lalong-lalo na sa iyo." Kumawala ako sa yakap at tiningnan siya nang malalim sa kanyang mga mata.

"Hindi na iyon mahalaga, aking Miriam, ha? Ang reputasyon ay kusang lumilitaw at humuhupa, ngunit ang pagkakaroon ng tunay na pag-ibig sa isang espesyal na tao ay mahirap hanapin at hindi basta-basta manunumbalik kung ito'y nawala. Kung ako'y mabubuhay sa isang buhay na wala ka ay pasasaan pa ang kabuluhan ko dito sa mundo?" Sambit ko.

"Pero José.... hindi pa rin madali ito para sa akin at marahil ay para rin sa iyo. Kaya siguro mas makabubuti kung ililihim muna natin 'tong nangyari ngayong gabi sa ating dalawa lamang." Suhestiyon niya at ngumiti ako bago tumango.

"Kung iyan ang magpapalubag ng iyong damdamin, Miriam ko...." Tugon ko bago hinagkan ang kanyang noo at yinakap siyang muli na buo at ganap ang aking puso.

•••

[ Sa perspektibo ni Miriam ]

Pinipilit ko ang aking sarili na makatulog dahil may dadaluhang misyon ang mga madre ng kumbento kinabukasan at kailangan naming makapaghanda nang maaga. Nasubukan ko na ang lahat ng posisyon pero hindi pa rin ako nahihimbing at tila hindi ako patatahimikan ng mga naganap kani-kanina lamang.

"I love you so much."

"Itinatangi at isinasamo ka ng aking puso't isipan."

"Ikaw lamang ang tanging babae na aking mamahalin, aking pangangalagaan, at pahahalagahan nang sobra-sobra."

Napapikit na lamang ako habang inaalala ang mga katagang sinabi ni Padre Burgos at gustuhin ko mang sumigaw nang malakas ay hindi maaari kaya tinakpan ko na lang ang aking bibig ng unan bago ako sumigaw sa abot ng aking makakaya. Bago ko pa man namalayan ay mayroon nang tumulong luha mula sa aking mata.

Bakit kailangang mangyari pa 'to ngayong tanggap ko na ang mangyayari sa kanila at naisin ko man ay wala na akong magagawa para ito pa'y mabago? Bakit sa dinami-rami ng tao ay siya lamang ang lalaking may angking tapang at lakas na magkaroon ng pagtingin sa akin? Ano ba itong pinasok mong sitwasyon, Miriam?! Akala ko ba tutulungan mo lang sila sa kung ano ang kaya mo? Bakit kailangan pang umabot sa ganito? Gusto mo ba siyang masaktan kapag nalaman niya na hindi talaga kayo pwede sa isa't-isa? Ano na lang kaya ang mararamdaman niya kapag nalaman niya na all this time ay alam mo ang nakatakda niyang tadhana? Hindi ka talaga natututo, Miriam. Hmp!

𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻Where stories live. Discover now