𝐢𝐱.

307 20 7
                                    

[ Kabanata 9 — Yakap ]

Isang biyaya na nagkatawang sumpa ang turing ngayon ni Miriam sa kanyang pagpunta sa panahon ng tatlong paring martir. Sa mga araw na kanyang inilagi sa isang parte ng kasaysayan ay napagtanto niyang may kabuluhan nga ang lahat ng mga nababasa niya lamang noon sa mga libro tungkol sa mga bayani ng bansa. Hindi niya inaasahan na siya'y mapapamahal sa mga taong ang tadhana ay nakasulat na. Kung ito talaga ang napili ng tadhana na kanyang layunin ay gagawin niya ang lahat upang maitama at mabago ang kapilas ng kasaysayang hindi pa ganap na naisusulat....

Makakaisang linggo na pala nang ako'y himalang napunta dito sa kapanahunang ito. Marami na akong natutunan at nabigyan nf hinuha ukol sa kasaysayan na hindi ko pa lubos batid kung ano ang magiging resulta. Mula sa mga madreng nagkawanggawa sa akin at pinatuloy sa kanilang kumbento nang taos sa puso, sa matalik kong kaibigan na si Dolce, hanggang sa tatlong paring martir ay hindi ko lubos maisip na ako'y naging parte na ng kanilang buhay.

Araw ng Linggo na naman kaya't darayo na naman kami sa simbahan upang magbigay-pala sa Panginoon. Nag-ayos na ako matapos ang agahan at sabay-sabay kaming nagtungo sa simbahan. Hindi ko pa rin tuluyang nalalaman kung ano ba at paano magiging martir ang tatlong pari gayong wala naman silang ginagawang masama o anomang bagay na makasisira sa kanilang imahe sa lipunan. Sa kabilang banda ay labis pa rin ang aking kutob na hindi ko kakayanin kung sila'y mamamatay nang ganon na lamang at hindi mabibigyan ng kasarinlan ang bayang kanilang pinaglalaban.

Pagkatapos ng misa ay napagpasyahan ni Padre Burgos na ako'y pormal na ipakilala sa kanyang mga butihing estudyante na sina Felipe Buencamino at Paciano Rizal y Mercado. Nang hapon na iyon ay kami'y nagkita-kita sa harapan ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang aking kasalukuyang pinapasukan, kung saan magtuturo ang isang Sir Romualdez na hindi ko parin matanggal-tanggal ang inis ko sa kanya.

Ang napansin ko lamang na kakaiba ay wala ni isang kababaihan na pumapasok o lumalabas ng unibersidad at pawang mga kalalakihan lamang ang aking nakikita. Ito'y aking tinanong kay Paciano, na nakilala ko na noon pang kami'y magkrus ng landas sa katedral. "Nakapagtataka na hindi mo ito alam, binibining Miriam gayong ito'y isang kaalaman na sa pagitan ng mga kababaihan." Sambit niya na hindi ko lubos na naintindihan.

"Wala pa bang babaeng nais na makapag-aral sa panahong ito?" Bulalas ko na mismong ako ri'y napagitla sa mga tinuran ko. Marahan na nagwika si Paciano, "Hindi pa katanggap-tanggap na magkaroon ng edukasyon at karunungan ang mga kababaihan, binibini at tanging mga gawaing-bahay lamang at pag-alay ng kanilang oras sa Diyos ang itinuturo sa mga kababaihan." Saad niya.

What?! Is this system even fair for everyone, especially the women? Bakit ni isang babae man lamang ay walang nangunguwestiyon sa tagilid na sistemang ito? Ganito na ba noon kamalas ang mga Pilipino sa pagkakapantay-pantay ng mga karapatang panlipunan?

"Huh eh, ginoong Paciano.... kung puros mga gawaing-bahay lamang pala ang pinagtutuunan ng pansin ng mga kababaihan at hindi sila nakatatanggap ng parehas na mga karapatan ng mga kalalakihan ay bakit hindi niyo konsultahin ang mga opisyales ng Espanya na palitan ang sistema ng edukasyon?" Tanong ko na siya namang nagpataranta sa binata. "Ika'y magsalita lamang nang mahina binibini at baka marinig ka ng mga guardia civil sa paligid." Kanyang pagbibigay-babala.

"Hindi maaari, binibini at baka maya-maya lamang ay pagbintangan ka nang isang erehe o kalaban ng Espanya." Pangangatuwiran ni Paciano. "Nakakalungkot at pati sa panahong ito ay hindi pa rin natatrato nang maayos at patas ang mga kababaihan." Bulong ko sa aking sarili.

Dumating na sina Buencamino at Padre Burgos at hindi na namin binuksang muli ang nagdaang diskurso. "Nakita mo sana ang mukha ng kalbong fraile nang kami'y napadaan kanina, Paciano. Tila nagngangalit na apoy ng dragon ang kanyang mga mata. Sayang at hindi mo ito natunghayan." Pagsasalaysay ni Buencamino nang may malugod na mukha at malawak na ngiti sa kanyang labi.

𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻Where stories live. Discover now