𝐯𝐢.

298 15 8
                                    

[ Kabanata 6 — Tagapagligtas ]

[ Sa perspektibo ni Padre Burgos ]

"Kailangan nating mamulat sa katotohanan gaano pa man ito katamis o kapait, dahil 'yon lang ang makapagbibigay sa atin ng pag-asa na mangarap ng pagbabago." Sa ilang taon nang pakikipaglaban ni Padre Burgos tungo sa pagbabago ng sistema sa pamamahala ng parokya ay ngayon lamang siya nakarinig nang ganoong paninindigan, lalo na't ito'y nanggaling sa isang babae. Ngayon lamang siya nakakilala ng isang babaeng may naiibang dunong, kalayaan, at tapang na ihayag ang kanyang saloobin na kailanma'y imposible na mamutawi sa sinomang kababaihan na kanyang nakilala sa kanyang buhay. Hindi niya mapigilan ang pagnanasa na mas makilala pa ang binibining kanyang iniligtas, at ang babaeng nagmulat sa kanya na ang pananaw ng mga Pilipino sa pangarap na kalayaan ay tunay ngang nagbabago....

Matapos na magsambit ng isang munting panalangin ay lumabas na ako sa kapilya at nagtungo sa simbahan. Habang ako'y papalapit sa harap ng simbahan ay napansin kong kakaunti lamang ang mga taong nagdarasal kaya't biglang lumitaw ang pigura ng dalawang tao na nakatayo. Ang isa'y nakasuot ng sombrero at ang isa nama'y napagtanto ko bilang babae na pamilyar ang mukha. Lumapit pa ako at dagli kong nakilala ang kanilang mga wangis.

"Paciano...." Sambit ko at napatingin ako sa babae. "Binibining Miriam." Ang kanya namang mga mata ang nakatitig ngayon sa akin. "Padre Burgos..." Sabi niya at yumuko nang marahan. "Magkakilala po kayo, Padre?" Tanong ni Paciano. "Oo, siya ang tinutukoy kong babae na aking natagpuan sa isang kwarto rito sa simbahan." Saad ko. "Siya nga pala, binibining Miriam, bakit ka napadaan dito sa simbahan?" Pagtatanong ko.

"Ah.... sinamahan ko lamang ang isa sa mga naninilbihan sa kumbento at napagdesisyunan kong manalangin muna rito." Pangangatuwiran niya. Sinuklian ko ang kanyang sambit ng isang ngiti bago binaling ng pansin si Paciano. "Oh, Paciano, ano't napadalaw ka rin dito sa simbahan?"

"Ah Padre.... may mga sinulat lamang po kami ni Buencamino ukol po sa Los Filipinos na ibig naming ipabasa sa inyo." Saad ni Paciano. "Bueno at maaari kang kumonsulta sa aking oficina (opisina) upang ating mapag-usapan itong inyong nilikhang mga sulatin." Sambit ko at pinauna na si Paciano sa aking silid. "At ikaw, binibining Miriam...may nais ka bang sabihin sa akin at bakit kanina ka pa tumitingin sa akin? Akala mo ba ay hindi ko ito nahahalata?" Natahimik at parang hindi sigurado sa mga kilos niya si binibining Miriam.

"Ah... Padre...." Panimula niya. Nakikita ko sa kanyang mga kilos na siya'y natataranta. "Ano iyon?" Aking sabi. "Nais ko lamang po na magpasalamat sa inyo pong pagligtas sa akin kahapon. Kung hindi po dahil sa inyo ay marahil nahulog na po ako sa balkonahe." Sambit niya. Ang kanyang makikislap na mata at ang namumutawing sinseridad sa kanyang boses ang siyang nagdala ng ngiti sa aking mga labi. "Walang anuman, binibining Miriam. Maraming salamat rin at ika'y napadalaw dito sa simbahan at nabigyan ako ng kapanatagan na ika'y nasa mabuti lamang na kalagayan." Nang aking sabihin iyon ay bigla akong napatigil sa aking sarili.

Qué vas a (ano ka ba naman), José? Baka mapagkamalan ka ni binibining Miriam na may lihim kang pagtingin sa kaniya!

Narinig ko na tumawa nang malumanay ang babae. "Nailang ka ba sa aking sinabi, binibini?" Tanong ko. Sinundan ito ng biglaang pagtitig niya sa akin. "Ang inyo pong mukha ay siyang nakatutuwa kapag po ang awkward ng inyong ekspresyon." Sambit niya na labis na nakapagpataka sa akin. "Na-nakatutuwa? A-awkward? Ano ang pangalawa mong tinuran, binibining Miriam, at sadyang hindi ko ito lubos na naintindihan?" Usisa ko.

"Ah wala po, Padre. Nakatutuwa lamang po kayo." Sambit niya na may halong giliw at kasiyahan sa kanyang tono na aking ikinatawa. "Maging ikaw naman, binibini. Nakakitaan din kita ng pambirihang pag-iisip na kailanma'y hindi ko nakita o nadama sa isang babae." Aking pagpapakatotoo. Naramdaman ko sa kanyang ekspresiyon na ang aking sinabi ay nakapaghatid sa kanya ng hindi pangkaraniwang pakiramdam.

𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻Where stories live. Discover now