Chapter 7: Araceli's Whereabouts

17 2 0
                                    

Dylan's POV:

Matapos namin mag-usap ni Elaina kanina ay bumalik nako sa room namin. Eh bakit ko nga ba siya pinapunta doon at kinausap? Close ba kami? Well... Pwede naman... Partner ko naman siya diba? Yes, yes! Tama! Bakit iba iba na ang pumapasok sa isipan ko? Hay bahala na! Makikinig nalang ako sa teacher namin. Mahirap pa naman din ang mga lessons sa STEM.

Habang nag te-take notes ako ay may sumiko sa akin kaya lumingon ako sa gilid.
"What?" Walang pake kong tanong kay Aiden.
"Why are you smiling like an idiot while taking down notes?" Kunot noong tanong niya sakin.
"None of your business!" Medyo nalakasan ko ang boses ko kaya napagalitan ako ni ma'am.

"Mr. Lopez! Silence! Focus while I'm discussing," may halong inis na sabi ni Mrs. Aquino.
"Sorry ma'am! Hindi na mauulit," Sabi ko sa kanya at nag peace sign. Natawa na din si ma'am sa kalokohan ko pati ang mga kaklase ko.
"Siraulo ka talaga," bulong ni Aiden.
"Sino may pasimuno nito ha?" Bulong ko pabalik sa kanya. Pwede kaming dalawa mag-usap kahit kailan namin gusto dahil magkatabi naman ang upuan namin. Naguguluhang siguro kayo bakit ganito ako magsalita sa kanya. Well, wala naman kami sa meeting room na dapat leader and Co-leader treatment kaya okay lang kung casual ang pakikitungo ko sa kanya.

Sa kapatid ko nga na president ng school ay hindi ko nirerespeto. Hahahha! Wala lang! Hindi naman kami close! At lalong ayaw ko siya maging ka close! Never!

Pag tunog ng bell ay lumabas na kami at nagsi uwian sa mga dorms namin.

Bago pa man makalayo si Aiden ay kinalabit ko ito sa balikat.
Medyo napalakas kaya napasigaw din siya.
"Aray! What the fuck is wrong with you?!" Sigaw niya sakin.
"Init ng ulo mo ha?" Pang-aasar ko kaya lalong napakunot ang noo niya.
"Eh ikaw nga kanina ha? Napasigaw ka pa nga sa klase pero tinawanan ka lang ni ma'am dahil sa kalokohan mo. Favorite ka kasi," sambit niya at pinitik ang noo.

"Hindi ako favorite ni ma'am!"
"Paano hindi ka favorite ni ma'am eh sipsip ka lagi sa kanya," siya naman ngayon ang nang-aasar.
"Hindi ako sipsip! Shush! Baka may makarinig sayo at mainggit pa," sabi ko.
"So inaamin mo na favorite ka?" Nakangising tanong niya sakin.

Habang papunta kami sa dorm namin ay naisipan kong itanong sa kanya ang kanina pang bumabagabag sa isipan ko.

"Paano nga pala kayo naging close ni Francine?" Nakangiti kong tanong.
"Ha?! Kami close? Oh no no! She is so annoying! Hindi niya ako nirerespeto! Ugh!"
"Anong hindi close? Eh binigyan mo pa nga siya ng flowers last year eh!" Pagpupumilit ko.
"Uhh... Ay... Noon? Last year... Trip ko lang!" Pag deny niya pa.
"Trip mo lang?! Eh parang mapupunit na nga ang mukha mo kakaingiti sa kanya. At dinala mo pa yon sa room nila!" Pang-aasar ko.

"Just shut up!" He snarled at me.
"Okay... Do we have a meeting?" I asked.
"Gusto mo ba? Don't you want to sleep ang have a nice sleep?" Sarcastic niyang tanong.
"Medyo. Pero wait! Bakit parang gusto mo magpahinga? You often study at this time," I said.
"Tao lang ako. I need to rest," sabi niya.
"You want to rest?" Nakangiti kong tanong at tumango naman ang loko.
"Okay... Tatambak lang kaso ang mga gawain mo dahil sa daming gagawin na projects at pag-aaralan na topics. At Ang mga projects ay ipapasa sa Friday," I said with a wide grin in my face.

"What?! Oh fuck!" Inis niyang sigaw.
Napatawa nalang ako sa reaksiyon niya.

Papasok palang kami sa building namin kung saan ang mga dorms namin ay may narinig kaming sigaw ng mga babae.
"Oh there they are," sabi ni Aiden.
"Elaina! Saan ka pupunta?!"Sigaw ni Francine. Ang iingay naman nila. Bakit ba sila nagsisigawan dito? Hay nako!
"May pupuntahan lang ako! Babalik ako promise!" Sigaw naman ni Elaina pabalik sa kanila at tumakbo na palayo.
"Putangina siguraduhin mo lang ha?!" Si Nicalene.
"Ate bumalik ka! Nag promise ka ipagluluto mo kami ng estofado!" Masayang sambit ni Carmen.

Sinclair Academy ( Academy Trilogy #1)Where stories live. Discover now